Problema sa pagkuha ng requirements para makapag-aral.

Jhei Dee
is a Office in United States

Hello po. Gusto ko po sanang humingi ng sagot sa inyo tungkol po ito sa aking pag-aaral. Nag-take ako ng entrance exam sa isang kilalang unibersidad nitong taong 2015, nakapasa ako, na-compile ko lahat ng requirments para makapag-enroll, ngunit sa kasamaang palad di ako natuloy sa enrollment dahil wala akong kabuuang halaga ng kinakailang perang pang-enroll dahil simula high school ako lang ang nagpapaaral sa sarili ko, wala kasi silang installment para di mabigat. Napilitan po ako mag-enroll sa private college para lamang di masayang ang taon ko. Nakapag-enroll po ako ng first sem ngunit hindi ko na ito natapos at napilitan huminto sa kalagitnaan ng semester dahil di na kinaya ng pinansyal at katawan ko dahil self-supporting lang ako, nagtatrabaho habang nag-aaral. Ngayon po gusto ko ulit bumalik sa pag-aaral ngunit lilipat na ng ibang eskwelahan, ngunit ako'y nalilito kung saan ko ba dapat kunin muli ang aking requirements upang makapag-enroll muli, dun na po ba sa school ko dati o sa h.s po ulit? Di ko po natapos ang isang sem sa private college na yun at may balance pa po ako sa tuition. Ikokonsidera na po ba nila akong transferee o freshman? Gusto ko rin po malaman kung dadaan pa din po ba ako ng k12 program o diretso first year pa din po ako, gusto ko po kase mag-simula ulit sa ibang course. Sana po ay matulungan nyo po ako sa problemang ito. Maraming salamat.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, kumplikado ang iyong kalagayan. Kasi, sa totoo, noong nag-graduate ka, hindi pa siguro implemented ang K-12. Kaya, kahit na 15 o 16 ka lang ay tinanggap ka na sa eskuwelahan mong unang pinag-apply-an.

Hindi mo puedeng sabihin na bagong graduate ka, kasi, wala nang guma-graduate pa dahil sa bagong implement lamang ang K-12 at hanggang grade 11 pa lang ang kauna-unahang batch na ga-graduate sa ilalim ng K-12 program.

Ang problema din naman, kung sabihin mong ikaw ay noon pa nag-graduate, tatanungin ka kung bakit hindi ka naka-pag-enroll kaagad. So, mapipilitan kang sabihin na nakapag-enroll ka ngunit hindi mo natapos. Eh, di, transferee kang ituturing. Kung transferee ka, kailangan mong bayaran ang iyong balance doon sa dati mong eskwelahan bago mo makuha ang mga certified true copy ng iyong Form 137 at iba pang requirements.

The best thing to do is to go the university/college you intend to apply to and ask them what you should do. Bawat college at university kasi ay may kani-kaniyang admission policies.

Teka, ha, iisang eskuwelahan lamang ang alam ko na walang installment na may entrance test, iyan ang UP. Kung ikaw ay working student, at nakapasa ka sa UP, dapat ay mag-apply ka ng STS (socialized tuition scheme) dahil sa kung makapasok ka sa mga mas mababang bracket, libre na ang pag-aaral mo, may stipend ka pa. Mukha namang matalino ka (kasi nga pumasa ka naman sa entrance exam sa UP -- I'm guessing here). Bakit hindi ka mag-apply din ng scholarship? Maraming scholarship na available. Pati ang paboritong fastfood na may mga commercial na hugot ay nagbibigay ng scholarship, ang kapalit ay ang pagta-trabaho sa kanilang mga fastfood. Kumikita ka na, makakapag-aral ka pa. Subukan mo. Do not ever give up.

Huwag mahiyang mag-tanong. Ang mga tao ay tao pa rin -- may puso at damdamin. They will take kindly to a person who is trying his or her best to better his or her station in life through education. Kung sa UP Diliman ka, go to the University REgistrar and ask kung ano ang puede mong gawin since naka-pasa ka pero hindi ka nakapag-enroll dahil sa wala kang funding noon.

Good luck sa iyo!
Jhei Dee
is a Office in United States
Maraming salamat po atty. Sa katunayan po sa TUP po ang tinutukoy kong unibersidad dahil mechanical engineering po ang pangarap ko. Year 2015 po ito, ang sabi po kasi sa akin 9k po ang tuition pero full-payment walang installment, laking panghihinayang ko po talaga na hindi po ako nakatuloy sa pag-eenroll dahil nakapas naman po ako sa entrance exam kaya ngayong nalaman kong kasama sila sa mga unibersidad na wala ng tuition sa pamumuno ng bagong administrasyon ng ating gobyerno eh nabuhayan ulit ako ng loob na makakapagpatuloy ako sa aking pangarap. Kasulukuyan na po ako nag-aantay sa resulta ng darating na semester nila dahil busy raw po ang management sa pagdedesisyon kung tatanggap pa ba sila ng k12 o tatanggalin na ang k12 program.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.