Problema sa taong ayaw umalis sa lupang pag aari namin

Caezar De La Cruz
is a Call center in the Philippines

Problema sa taong ayaw umalis sa lupang pag aari namin


Sa ating mga butihing abogado nais ko po sanang idulog ang isang problema na aming kakaharapin, may naibenta po sa aming parte ng lupa na isa sa mga binebenta ng mag asawang Doctor, titulado at ok naman po ang tax declaration ngunit sa lupa na ibinenta samin ay may mga nakatanim na kaunting gulay at saging, ang mga ito'y pagaari ng unang tao na inalok ng mag asawang Doctor, sa kadahilanang hindi naman binabayaran ng nasabing tao yung lupa kaya't napagpasyahan ng Doctor na ibenta na sa iba at kami nga po ang nakabili. Nakausap namin ang tao at may kumalat na balita daw na ang mga lupa ay walang titulo at nakuha na ng CARP kaya ayaw pa po niyang umalis sa nasabing lupa kahit ipakita na sakanya ang titulo.Naikwento po sa amin ng Doctor na ang Mother title ng mga lupain ay nasa magulang nila pero nang pumanaw na po ay nagpasya na po silang hatihatiin sa sukat na tig 1000 sqm. Presumed na alam din po nila ang batas sa CARP kaya hinati po nila. Ang katanungan ko lamang po ay kung ano ang dapat gawin sa taong ayaw umalis? hanggat maari po sana ay ayaw namin humantong sa korte ang ganitong kaso, kung sa barangay po ba ay kaya na bang maresolba ang ganito pong kaso? kailngan po ba namin magpaescort sa Brgy. o mga kapulisan? kung ipapabayad po niya ang mga tanim at bakod na ginawa niya, maaari po ba naming hindi bayaran ito?, pero willing po kami magbigay kahit papano para sa tanim. kung ayaw po tlgang umalis anong kaso naman po ang pwedeng isampa? at ano po ba ang nararapat na aksyon ng barangay tungkol dito? kadalasan po kasi pumapabor sila sa residente ng barangay kaya hindi po nagsisikilos ang mga kawani ng brgy. Maraming maraming salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kung nabili na ninyo ang lupa, bilang registered owner (or successor in interest sa registered owner), kayo ay may karapatang paalisin ang sinumang tao na nasa lupa ninyo.

Kailangang magpadala kayo ng demand letter sa taong paaalisin ninyo. Bigyan ninyo sila ng palugit na ilang araw para umalis sa lugar (hindi ko masabi kung ilang araw kasi, hindi ko alam kung sa NCR ang lupa, kung ito ay residential or ito ay farm land). Kapag hindi pa sila umalis matapos ang palugit, maghain kayo ng complaint sa barangay ninyo. Kung hindi kayo magkasundo a Lupong Tagapamayapa sa Barangay, bibigyan nila kayo ng Certification to File Action.

Saka pa lamang kayo makakapag habla sa Metropolitan Trial court ng Ejectment. Dahil sa summary procedure ang ejectment, mahigpit ang mga rules dito. Ang pinaka-maigi ay komunsulta kayo sa isang abogado para ang lahat ng tanong ninyo ay masagot. Hindi ko masasagot ng tuwiran ang lahat ng tanong mo dahil sa hindi ko alam ang lahat ng facts at wala akong nakitang documents.

Please consult a lawyer.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.