Nangungupahan po ako sa isang apartment. Noong November 2016, natanggap po namin ang aming water bill at nagulat kaming umakyat ito ng 2,400 pesos. Tumawag kami sa water company at nagrequest na imbestigahan namin ito. Hindi dumating ang water bill namin ng December. Pero pinatay namin ang main valve namin mula pasko hanggang New Year dahil umuwi kami sa probinsya. Pagbalik namin ng January, nakuha namin ang water bill namin for December at January at nagulat kami na 8,000 na ang total nito at puputulan na kami dahil hindi kami nakabayad ng 2 buwan (Dec at Jan).
Kinausap namin ang water supplier at sabi nila na ayon sa investigation nila noong Dec 27 (wala kami sa bahay noon) na ang problema daw po ay sa tubo namin. Ayon naman sa landlord ay inayos nila agad ito kinabukasan (Dec 28).
Ngayon, kami po ang pinababayad sa 8,000 na water bill para makabit uli ang tubig. Sinasabi po ng water supplier na hindi na nila jurisdiction iyong sirang tubo dahil private line na daw iyon. Sinasabi naman ng landlord na obligasyon daw namin iyon dahil kami daw yung nandun at bihira lang sila dumaan doon. Underground po ang tubo at hindi po namin nakita o naramdaman na may umaagos na palang tubig. Sino po ang dapat managot? Ano pong aksyon ang pwede naming gawin?