Home » Abogado Payo » Others

Waple02 is currently in Canada.

Promissory Note signed in United Arab Emirates: Can person be sued, if all parties involved are Filipinos?

May query po ako regarding promissory note.

Napirmahan po yung document sa UAE

Pwede po ba kasuhan sa Phils since Filipino po lahat ng party involved?

Thank you very much po in advance and will appreciate whatever advise you could extend.

06, Jan 2017, 02:27 AM (PH time) · · Report abuse

Disclaimer

Ang mga naka-lathala dito sa website na ito ay pawang pagpapalaganap lamang ng impormasyong legal at hindi kailanman dapat na ituring na payong legal. Nais lamang ng website na ito na malaman ninyo ang nilalaman ng batas na maaaring maka-apekto sa inyong buhay at hanapbuhay.

Ang pagbabasa ng mga post at articles sa website na ito or sa mga posts ng abogado sa website na ito ay hindi nangangahulugang kayo ay may ugnayang lawyer-client na. Hindi kayo kliyente ng abogado dito ay hindi ninyo abogado ang nag-post ng opinion.

Masdan na laging isinasaad sa mga post na kayo ay dapat kumuha ng inyong sariing abogado sapagkat hindi pumapayag ang mga abogado sa website na ito na kayo’y maging kliyente niya.

The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes only and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser. The opinions expressed at or through this site are the opinions of the individual author and may not reflect the opinions of the firm or any individual attorney.

If you are a legal expert who would like to help, please register here.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Atty. Bimbi is a Legal expert currently in the Philippines.
Ganito kasi iyon. Ang mga contract that involves money or things, basta hindi involved ang mga lupa o bahay or real properties, puede kayong magdemandahan kahit saan ninyo ibigin. Puera na lang kung nakalagay doon sa pinirmahan ninyong contrata na ang mga demanda hinggil sa promissory note ay dapat lamang isampa sa Pilipinas, kahit saan puede kayong magdemandahan. Lalo na't kung payment of money naman ang kontrata.

Usually, kung saan resident ang nagdedemanda, doon siya nagsasampa ng kaso, para nga naman, hindi na siya mamamasahe. Iyong idinemanda na nakatira sa malayo, iyon ang mahihirapan na pumunta sa husgado. Iyong iba naman, nagdedemanda kung saan naroon ang mga properties noong idinidemanda, para nga naman, kung manalo ang nagdemanda, mas madaling mabatak ang mga ari-arian noong idinemanda dahil andoon lang.

The best thing to do is to consult a lawyer.
2017-01-14 20:30:32 · · Reply · Report abuse
 
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Atty. Bimbi is a Legal expert currently in the Philippines.
P.S., kailangan mo ding isipin iyong capability noong husgado na mag-serve ng notices, summons at subpoena doon sa idinedemanda mo. Ang mga husgado sa Pilipinas, walang kakayanan na magserve ng mga documents at orders ng court kung ang defendant ay nasa ibang bansa -- masyadong mahal ang gagastusin para bigyan mo ng pamasahe ang court personnel na magpapa-receive ng demanda sa idinedemanda mo.
2017-01-14 20:32:58 · · Reply · Report abuse
 
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Waple02 is currently in Canada.
pwede po ba serve ng husgado ang notices, subpoena at summons sa asawa since nandito naman po sa pinas pamilya.
2017-01-15 07:34:46 · · Reply · Report abuse
 
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Find friends

Send Money Home

Recent posts
< Newest posts Older posts >

© 2013 Buhay OFW. All rights reserved. Copyright notice.
Terms and conditions, features, support and service options subject to change without notice.