Property Quarrel

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ang parents ko po ay parehong widowed. Year 2007 ng mkpagbenta ang tatay ko ng property nila ng original nyang asawa na namatay na. Binigyan ng parte ng napagbentahan ang mga anak ng tatay ko (panganay hanggang bunso) simula sa original nyang asawa hanggang sa mga naging anak nya sa nanay ko na huli nyang nging asawa. Ang naging parte ng tatay ko sa pinagbentahan ay ipinagawa nya ng isang apartment pra maging source of income nila at ang nsabing apartment ay ipinatayo sa lupa na pagmamay ari ng nanay ko ngunit hindi pa titulado ang lupa ng panahong yon..


Bago pa man mamatay ang tatay ko nagbilin xa na ang isang unit ng apartment ay pra sa bunso nming kapatid na special child.. isang unit pra sa half sister ko sa original na asawa ni tatay, at ang isang unit ay sa nanay ko. Samantala ang lupa na kinatatayuan ng apartment ay iniwan sa special child ko na kapatid pero dahil sa kondisyon nya ay sa akin yun ibinilin. Nabanggit din sa akin ng tatay dati na mayroon ding siyang lupa na ibinigay sa half sister ko pero ibinenta niya lang.


Namatay ang tatay ko year 2013, biglang take over at inangkin ng half-sister ko (father side) ang pagma-manage sa apartment ng walang pahintulot sa nanay ko, walang napunta sa amin ng kpatid kong bunso na special child pati ang parte ng nanay ko sa apartment ay hindi nya ibinigay. Sa madaling sabi, walang partehang naganap. Kinuha niyang lahat ng bayad sa renta at kinandado ang mga pinto nito na pati kami ay hindi makapasok. Marami din siyang masasamang sinabi tungkol sa nanay ko, sa akin, at sa kapatid ko na paninira. Kasabay ng pagkamatay ng tatay ko ay na-stroke pa ang nanay ko kya malakas ang loob ng half sister ko na gawin lahat ng gusto nya sa property na naiwan ng mgulang ko. Binalak pa niya itong ibenta since hindi pa titulado noon ang lupa. Kaya naisip ng nanay ko na iparehistro ko nalang sa pangalan ko ang lupa dahil wala na siyang magawa pra mai-secure ang interest ng kapatid ko since ako naman po ang ang nagsisilbing guardian nito.


Noong andoon pa mga boarder ng half sister ko ay hindi niya manlang ito inaasikaso, ni hindi niya pinupuntahan para linisan. Sa halip ay kami ng asawa ko ang nagme-maintain ng area dahil doon din kami nakatira at siya (half sister ko) lang ang kumukobra ng pera galing sa tenant. Ganun ang ginagawa niya sa loob ng ilang buwang pagtira ng tenants nya.


Nireklamo ito ng half-sister ko (mother side) sa baranggay namin dahilan kaya umalis na lamang ang mga boarders sa unit. Dalawang taon pong nabakante ang apartment dahil sa madami itong naging kasiraan gawa ng mga huling umupa dito. Kinailangan ng renovation ang mga unit para mapaupahan ulit. Ginastusan naming mag-asawa ang pag papa-renovate ng mga unit at ngaun ay may nangungupahan na. Sa dalawang taon po na walang umuupa sa apartment ay hindi nila ako ginugulo, pero ngaun na may umuupa na ulit sa apartment ay nagsusumiksik na sila para hingiin ang kanilang share "daw" dito. Nagreklamo sila sa baranggay at nagpadala ng summon.


Sa ngaun po ay titulado na ang lupang kinatatayuan ng apartment at naka pangalan na ito sa akin maging ang tax declaration ng apartment. Ilang taon ko na din po itong binabayaran ng annual tax (land and bldg.) at kahit ni singko ay walang ginastos ang half sister ko maging ang mga kapatid niya.


Ang tanong ko po, meron pa bang share ang half sister ko sa renta? May habol pa po ba sila sa akin? Anu-ano po ang mga pwedeng maging grounds nya? Pwede pa ba akong magsampa ng libel case kahit matagal ng nangyari tutal nasa amin pa ang txt evidence ng mga sinabi niya. Meron po ba at anu-ano po ang pwedeng kong i-demand na claims sa damages? Anu po ang mga posibleng solusyon dito.


Sana po ay matulungan ninyo ako.


Maraming maraming salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, kasuhan iyan. Kasi, sa totoo, kung nakaninong pangalan ang lupa, iyon ang may-ari. You need to talk to a lawyer. You need to file a case to stop your half-sister taking the rent.

If you ask me, bawat umuupa sa apartment na hindi sa inyo nagbabayad ng renta, paalisin ninyo sa pamamagitan ng batas. Kayo ang may-ari ng lupa, ang apartment ay nakatirik sa inyong lupa, kayo ang may-ari nito.

Please consult a lawyer sa lalong madaling panahon.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.