Ilang taon po ba pwede bago pagbilhan ng alak or yosi? Kase po ako 18 years old na, pero mukhang bata pa rin, kaya hindi ako pinaniniwalaan 18 years old. Madalas hinihingan ako ng ID.
Pero tanong ko rin po kase dati bumili ako sa isang super market , ngayon po pag lapag ko po ng alak don sa cashier, bigla nalang sinabe sakin na (ibalik nyo yan don di ko kayo pagbibilhan). Ni hindi man lang nag tanong kung ilan taon na ko or may I.D. ba ako. Basta na lang pinababalik yong alak na hawak ko. Tama po ba yon? Kase po sa ibang store hindi naman ganon ang pag trato sa isang customer like 7/11.
Sana po masagot nyo ang aking katanongan salamat