Makukuha ba namin ang rights sa lupa kapag kami magpapagawa at pasukat?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Kung may rights na ang ibang tao sa lupa, pwede pa ba namin iyon makuha kung magpapasukat kami o kami ang magpapagawa ng titulo?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko masyadong maintindihan ang tanong na ito -- ano ang ibig sabihin mo sa "rights"? As in karapatan sa ilalim ng batas? Or, as in, karapatan na magtayo o magtirik ng bahay sa lupa ng gobyerno na in-award na sa mga settlers?

Kasi, kapag sinabi ng mga tao na sila ay may hawak na "rights" sa lupa, ibig sabihin nila'y hindi sila ang owner noong lupa. Nakatirik lamang ang kanilang mga tirahan doon kung kaya't sila'y may "rights" to possess it.

Kalimitan ang mga "rights" ay in-a-award ng gobyerno through the National Housing Authority. Ang mga urban poor na inire-resettle sa ibang lugar ay binigibyan muna ng "rights" sa isang pirasong lupa bago ma-proseso ang "award" at ang titulo ng lupa ay ibigay na sa kanila.

Sa tingin ko, parang ikaw ay transferee ng rights -- parang binili mo ang rights ng ibang tao na original na awardee ng lupa, at ikaw na ang nakatira doon sa lupa na in-award ng gobyerno sa binilhan mo.

Ang tawag sa iyo ay "successor-in-interest". Medyo panganib ang kalagayan mo kasi, kalimitan, ang mga award ng gobyerno mula sa NHA ay may mga limitations. Ang isang limitation ay, hindi nila puedeng ibenta ang rights nila sa lupa sa loob ng ilang taon mula sa pagkaka-award nito sa kanila.

So, kahit na nabili mo na ang "rights" malamang sa hindi mo maipapa-lipat sa pangalan mo ang lupa at malamang sa hindi mo pa ito mapapa-tituluhan.

Pangalawa, ang successor-in-interest cannot have more rights than the predecessor-in-interest. Ibig sabihin, kung ang rights na nakuha noong binilhan mo, ay right to possess and right to build a home lang doon sa lupa, iyon din ang mga karapatan na makukuha mo.

So, kahit na ipasukat mo pa ang lupa, kung hindi mo naman nabili ito sa taong nag-mamay-ari ng lupa (dahil sa rights pa lang ang meron siya, hindi pa ito na-aaward din sa kanya), hindi ka din magiging owner.

Sa ilalim ng batas, only persons who are owners can have the right to register their title.

Ang pinaka mabuti, komunsulta ka sa isang abogado diyan malapit sa inyo. Ipakita mo ang lahat ng mga papeles mong tangan. Good luck sa iyo!
Jesusa Africa
is in the Philippines
open space po ang tinitirhang lupa ng aking pamilya mula 1984 pa..sa tagal po ng panahon unti unting nasira ang kalahati ng aming bahay at dahil sa hirap ng panahon, ngayn lng po nmn maipaparenovate. ngunit mayroong mga samahan n nabuo sa aming lugar at hindi po ako kabilang, na tumututol sa pagrerenovate ng aming bhy...may karapatan po b slang gawin ito... ano po b ang dapat kng gawin ..lubha n po ks kming napeperwisyo sa pagkakaantala ng paggwa ng aming bhy?

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.