Can we get jailed if bank loan is not repaid? Kung ang isang loan mo sa bangko ay hind nabayaran, ikukulong ba kami?

Barbie Zui
is a none in the Philippines

Tanung ko lng po kung ang isang loan mo sa bangko ay hind mo na nabayaran dahil sa nagipit ka sa pera. Bale nakasangla yung lote namin sa ps.bank, 3 mos na namin siya hindi nabayaran. Tapos may pinadala sila letter from legal, ano bang possible mangyayari? Ikukulong po ba nila kami?


Topic: If a loan from a bank is not repaid because of lack of funds to repay, what can happen? Can we get jailed? Our lot was pawned/ used as collateral in the bank. We haven't paid for 3 months, and they sent us a letter from the legal department.



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una sa lahat, walang nakukulong sa Pinas ng dahil lamang sa pagkaka-utang. Kung sa bangko kayo nangutang, ang inyong utang ay covered ng isang Real Estate Mortgage. Ibig sabihin, ang inyong lupa ay ginawang prenda o security, o kasiguruhan na mababayaran ang loan.

Natural lamang na kung kayo'y hindi maka-bayad, magpapadala ng sulat ang banko. kasi, kailangan silang mag-demand na bayaran ninyo ang utang bago sila maka-kilos na i-foreclose ang mortgage.

Mayroon din kayong pinirmahang promissory note. Kaya sumulat ang legal ng banko, para hingin na kayo'y magbayad, dahil sa hindi sila maaaring magsampa ng kaso na collectio o di kaya'y foreclosure o mortgage kung hindi muna sila gagawa ng demand letter.

Requirement kasi sa batas ang demand letter bago makapag-sampa ng civil case (hindi criminal case) para sa collection noong loan o kaya'y para mapa-sa-kanila na lamang ang lupa na iprinenda ninyo.

Ang mangayayari niyang, makukuha ng banko ang inyong lupa bilang pantubos o pambayad sa inyong utang. Ang inyong lupa ay maiilit. At ang pag-mamay-ari nito ay ililipat ng husgado sa banko.

Kailangan ninyo ng abogado upang mapangalagaan ang inyong mga karapatan. kasi, kung maibebenta ang lupa sa halaga na mas malaki doon sa halaga noong utang -- you are entitled doon sa sobra.

At kung manalo ang banko at ma-ilit nila ang inyong lupa, kayo ay may isang taon na redemption period mula sa petsa ng foreclosure sale. Ibig sabihin, kahit na nagpasya na ang husgado na i-bigay sa banko ang inyong lupa dahil sa hindi ninyo nabayaran ang utang at na-benta na ang lupa at ang tanging bidder ay ang banko, puede pa ring maibalik sa inyo ang lupa basta't bayaran ninyo ang judgment award ng husgado.

Kung halimbawa'y tumama kayo sa lotto, I think lang na maluwag na ibabalik ng banko sa inyo ang lupa ninyo basta't bayaran ninyo ng buo ang inyong utang, plus interest, plus cost. Puede namang pag-usapan at tawaran ang inyong babayaran basta't cash.

Kung kayo nga ay sigurado na magkaka-pera naman sa hinaharap, puede naman din ninyong ipa-restructure ang inyong loan. O kaya, ilipat ninyo ng banko ang utang. Bale, bibilhin ng pangalawang banko ang utang ninyo doon sa unang banko -- yun nga lang, tataas at lalaki ang inyong utang at interes na babayaran.

Komunsulta sa abogado sa lalong madaling panahon. Huwag magpa-atay-atay. Mabibilis ang mga banko ngayon.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
P.S. nalimutan kong sabihin na ang mga bank ay "kuyog". kapag ikaw ay hindi nakapag-bayad ng utang sa isang banko, maaariing kayo ay ma-blacklist. Ibig sabihin nito, kapag kayo'y nangutang muli sa future, at kayo'y gamitan ng background or credit investigation ng banko at nakita na minsan ay hindi kayo nagbayad ng inyong utang, baka hindi kayo pautangin sa future.

Ang maaapektuhan ay ang inyong credit standing. Tatanawin kayo ng ibang mga banko na credit risk kasi, minsan ay hindi kayo nakapag-bayad ng isang utang.
Claire Flores
is in United States
Hi, Gusto ko lang pong itanong kung makukulong po ba ako dahil hindi ako nakapag bayad ng loan? Kumuha po kasi ako ng Gadget sa isang Nag papautang tapos po hindi po ako nakabayad dahil sa nawalan ako ng trabaho? may pumunta po sa bahay namin ang sabi eh nasa legal office na daw po yung kaso ko? 19,000 thousand po lumalabas yung utang ko. Please paki sagot po salamat.
Kate Smith
is in the Philippines
meron po akong natitirang 2 months na natitira sa loan ko sa bank, dapat tapos na iyon noon pang jan. 2015. Hanggang ngayon ay hindi ko pa ito na settle dahil sa wala pa akong pera. nakatangap na ako ng final demand letter, willing naman po akong magbayad pero pwede ko po bang ipawaive ang lahat ng charges dahil from orginal balance na 12,000 ang nasa demand.letter ay umabot ng 33,000. please need your advise..
Khen Baguio
is a applying in the Philippines
hello atty tanung kulang po kung my nakukulong po ba sa auto loan from bank. napa assume ko po ang kotse tapus nag assume sa akin benenta nya ulit sa iba dahil nagepit din at nagka pasa pasa na po yung kotse sa ibat ibang tao tapus po hindi na po updated monthly amortization. at hindi na po ma trace kung saan na ang kotse. sandamakmak po na rerecieved kung letter text and call from a collection agency. tina try ko pong bawiin ang kotse pero hindi ko po alam paano bawiin. naka name po sa akin ang kotse atty. makukulomg po ba ako atty. paano po pag hindi ko naibalik ang kotse sa banko. anu po ang maari kung gawing hakbang ? salamat po
Jen Jiro
is in Japan
Hello ken.. same tayo sitwasyon.. kumuha ako ng car loan at iniwan sa mga parents ko. Nung nagiit sila sinanala nila sa tao. Dna na update yung monthly. At yung pinag sanlaan d na sobrang laki na ng interes. Natatakot din ako umuwi ng pinas para ayusin kasi baka may HDO na ako. Ano kaya dapat gawin? Sna mag reply si attorney. Thank you sa inyo..
Jiya Recto
is a Sales Associate in the Philippines
Hello khen ano update sayo? Same problem din kasi sakin. Ano ginawa mo? Please reply thanks
Mhay A
is in the Philippines
hello po paano po ba mag file ng bankcrupcy para po wag mahatak ang aming kotse.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.