Ako po ay nag college sa isang public university and transfer sa private institute dahil sa pumasok ako sa loan tuition fee as working student (with miscellaneous fee DISCOUNTED). Ang naging problema ko naman po hindi ko na nagustuhan na yung turo sa major 6 units subject ko kaya nag decide na ko to retake nalang sa iba dahil I decide na lilipat nalang din po ako *B.S. Accountancy po ako. 6 units ang accounting 2b ko na 4 na beses nagpalit ng profesor na WALA na po talaga kami natutunan dahil sa isang buwan, twice a week po ang sched nya samin 3 hours each pero hindi naman napapasukan. Tapos make up class po ng 1 hour dun, isisiksik sa utak namin ang 6 hours na dapat natutunan namin sa 1 week. Kaya nagpasya na akong i-drop at wag na pasukan.
Nagpaalam ako sa admin na di ko na po papasukan lahat at itutuon ko nalang attention ko sa pag iipon para mabayaran ang loan tuition fee ko. Kaya po after the term, ipu-pull out ko na yung papers ko at lilipat nalang ako... Bigla naman po ako in-accuse as ABANDONMENT ko daw po kahit patuloy na akong pumapasok sa work para matapos ung loan for the term. Need ko po tuloy bayaran yung misc fee dahil tinangal ako sa program.
Ngyon po need ko yung TOR and HONORABLE DISMISSAL ko sa private institute kaso po malaki ang pagkakautang ko dala lang ng MISC FEE n dapat ay discounted.
Now my question is puwede po kayang makapag enrol ulit ako sa isang semi-Private University bilang freshman para makapag aral this coming semester? Wala po ba akong magiging problema sa CHED? May kaso po kaya ang double ENTRY sa CHED, kung meron man kaming mga nag co-college palang sa CHED?
(Btw gagamitin ko po sana pang enrol is hihingi po ako ng request form sa new university ng form 137 para makakuha / xerox ng form 138 and affidavit of loss ng form 138 ko / good moral ng highschool..)
Ano po kaya maipapayo niyo sakin atty's ?