Utang na sobra-sobra ang interest 11 thousand to 72k

Maf Giron
is in the Philippines

Ang aking ina ay nagka-utang po ng product para sa maliit na tindahan sa dati nyang kaibigan. Dahil po sa hirap ng buhay namin ay hindi po agad nabayaran, ngunit may mga payments naman si mama para mabawasan iyon.. Isang araw bigla nalang po sya pinatawag sa barangay dahil hindi po daw sya nagbabayad sa kanyang utang. Ang balanse nalang po namin ay 11,000 ngunit ang pinapabayad po ay 72,000 dahil may interest po daw at pinilit nila si mama na pumirma sa brgy..Minsan pinagsasalitaan si mama ng masasakit na salita. Sabi namin kung pwede bawasan nila kasi hindi namin kaya at kung pwede hulugan nalang po namin. Ngunit ayaw po talaga nila pumawag? Sa halip ngayon April 28, 2016 ay dadalhin po si mama sa police station at kapag hindi kami nagbayad ipapakulong po daw si mama namin? Ano po ba ang pwede namin gawin? At ano po ba ang pwede namin ilaban sa kanila? Sana po at matugunan ninyo ang aking sulat... maraming salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Wala pang nakukulong dahil sa utang. Ang hindi pagbabayad ng utang ay hindi kasong kriminal. So, ang nanay mo ay tinatakot lamang.

Kung noong una ay wala silang pinag-usapang interes na babayaran, hindi dapat pinatawan ng interest. Kung ang iyong ina ay tinakot sa barangay at pinilit na papirmahin, dapat ay isuplong ninyo sa pulis ang tao sa barangay na nanakot at pumilit sa iyong ina, pati na ang pinag-kautangan niya.

Kasi, ang pagpipilit sa tao na ganoon ay grave coercion. Ang pananakot ay ganoon din. So, pumunta kayo sa abogado. Sa PAO kaya, kayo ay magpatulong upang magsampa ng habla laban doon sa pinag-ka-utangan at doon sa mga tao sa barangay. Tapos, pumunta din kayo sa Office of the Ombudsman. Maghain kayo ng reklamo laban sa barangay. Mali na piliting pumirma sa kasunduan ang taong ayaw naman makipag-kasundo. Ang dapat nilang gawin, noong ayaw pumirma ng nanay mo, ay binigyan nila ng Certification to file Action ang pinag-kaka-utangan ng nanay mo para siya ay makapag-demanda.

Kaya pinilit papirmahan sa nanay mo iyon, ay dahil nga sa alam niyang walang prueba na dapat magbayad ng interes.
Maf Giron
is in the Philippines
Maraming salamat po sa inyong advise Atty. malaking tulong po ito sa amin. God Bless po.. Babalitaan ko nalang po kayo kung ano po ang maging progress sa kanyang case. Thank you

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.