Cyber Bullying Case

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Is it possible to file a case to a person whose residing in another country with regards to Cyber Bullying?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang Cyberbullying ay hindi pa defined as a separate crime. Kaya, ang sagot ko sa iyong tanong ay: it depends.

Kung ikaw ay nasa Pilipinas at ang nambubully sa iyo ay nasa ibang bansa, wari sa UK or sa US or kung saan pa man, you can only file a complaint against the cyberbully there in that country if there is a law in that country that makes cyberbullying a criminal act.

Halimbawa kasi sa UK, wala pang anumang batas na nagde-define ng bullying. Kaya, kung may nambu-bully, ang gagamiting na batas ay anti-discrimination act, o iba pang act na lumalabag sa mga batas laban sa pag-gamit ng information and communication technology in furtherance of criminal acts.

So, since hindi mo sinabi kung nasaang bansa ang biktima ng cyberbullying at hindi mo rin naman sinabi kung nasaan bansa ang taong nambu-bully, hindi ko masagot ang iyong tanong.

Puede sigurong cyberlibel kung ang pambubully ay paninira din ng puri o reputasyon ng tao. Kung halimbawa'y nangyari ito at ang bully at ang biktima ay pawang menor de edad, ito'y maaaring maging act na pumapailalim sa child abuse.

Kung may halong pananakot, ito'y maaaring grave threat o grave coercion. It depends sa uri ng mga salitang binitiwan. Kung halimbawa'y nangyari ang pambu-bully sa Twitter or sa Facebook, puede namang i-report at maaaring i-ban ng Facebook at Twitter ang bully.

Filing a criminal case is not the only way to stop a bully. There are other ways of stopping a bully.
JM Salcedo
is in United States
Maraming Salamat po sa inyong kasagutan Atty. Bimbi.

Yung sa kaso po kasi ng pinsan ko is tinatakot po sya ng naka relasyon nya dati sa Dubai na ngayon ay nasa US na while yung pinsan ko nasa Dubai pa rin naka-base. Palagi po daw sinasabi nung lalaki na ilalabas nya in public yung nude photos ng pinsan ko kung magpapakasal po ang pinsan ko sa fiancee nya ngayon. Lagi nalang po daw nage-email sa kanya yung Ex nya na ipapahiya daw siya publicly para daw po umatras yung pakakasalan nya at malaman ng pamilya at mga kaibigan ng kanyang finacee. Depress na depress na po yung pinsan ko kaya po naghanap po ako online ng libreng legal expert na mapagtanungan kung posible po ba na makasuhan yung Ex nya kahit nasa US habang yung pinsan ko ay nasa Dubai. Kung posible man po ano po kaya ang nararapat na hakbang na kanyang gagawin.

Sa aking palagay kasi ay parang imposible na magsampa ng complain kung nasa ibang bansa yung kalaban.

Sana po Atty. Bimbi at sa lahat ng makakabasa nito ay matulungan nyo po yung pinsan ko sa kanyang suliranin.

Maraming Salamat po!
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
I-block na lang niya ang ex niya. Mag-close ng lahat ng email at social media account. Kapag walang contact, e, di, paano niya maipapadala ang mga nude photos ng babae?

At kapag ginawa niya iyon, kapag nag-post siya ng nude photos, ito ay considered na trading in pornography. So, criminal act iyon sa US. Lalo siyang malilintikan. Kung saan siya naka-tira sa US, kung alam ng pinsan mo, mag-email sa police para puntahan siya at i-explain sa kanya na ang pananakot niya sa pinsan mo ay magbubunga ng criminal act na siya ang mananagot dahil sa ang pagpapadala ng nude photos through the internet is pornography.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.