Unpaid loan left in Hong Kong

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Good afternoon. Last sept 2016 ay nagfile po ako ng loan sa Hkng Kong kng saan ay nagta trabaho ako bilang kasambhay. Sa nasabing loan ay may ka~share ako na kaibigan. Oct at Nov ay ayos pa naman po ang pagbibigay nya ng share nua ng hulog pro pagsapit ng Dec ay wala siyang maibigay at ang ipinayo ng lending company ay i~re~loan ko ito na siyang ginawa ko at nakatanggap pa uli ako ng pera bilang karagdagan sa aking principal na utang.Ngunit sa kasamaang palad ay may nangyaring insidente at nawalan ako ng trabaho, dahil ayoko umuwi ng Pilipinas ng walang trabaho ay nakipagsapalaran ako sa ibang bansa naman at ako naman ay pinalad na makakita. Ngayon po ay hindi na nakikipag communicate ang ka~share ko at 3 months ng walang hulog ang aking loan at nakatanggap ako ng text message na ise serve na nila sa employer's address ko sa HK at home address ko sa Pinas ang akjng warrant of arrest for estafa case (both civil at criminal) at warrant of sheriff to seizure and garnish property. Ang tanong ko po ay possible po ba na gawjn ito sa Pilipinas home address ko kahit wala ako dun? Paano po ba pag sinabing estafa, both civil and criminal case? Ang loan ko is 43k HKD but they want me to pay instantly the amount of 77k hkd as they have said that it is already demandable. I was decided at first to settle it but upon learning their demands, I'm having second thoughts as my monthly earnings is only enough to support my 3 kids and an ailing father. Sana po ay masagot ninyo ako. Salamat po.



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
hindi kita masasagot na hindi ko nakikita ang loan agreement ninyo. Una sa lahat, ang loan agreement ninyo ang magsasabi kung talaga nga ba na ganoon kalaki ang iyong utang. Pangalawa, kung ang inyong loan ay sa Hong Kong at ng mg lupain at ari-arian sa Pilipinas ay wala naman sa pangalan mo, ano naman ang kanilang iga-garnish?

Puede lamang nilang kuhanin ang iyong mga ari-arian kung ang mga ari-arian mo ay nasa iyong pangalan. Kung ang lupa ninyo sa probinsiya ay hindi rehistrado sa pangalan mo, hindi nila puede itong kuhanin dahil sa hindi naman ito sa iyo.

At saka, kailangan pa silang maghain ng demanda dito sa Pilipinas laban sa iyo, kailangan pa nilang patunayan na ikaw nga ay may utang, na ikaw nga ay hindi naka-bayad at ngayon ay ayaw mong bayaran ito. O kaya, kung estafa ang kanilang ikakaso laban sa iyo, kailangan nilang maipakita na niloko mo sila na ikaw ay pautangin at wala ka namang balak, simula't sapul na ito'y bayaran.

Hindi naman kamo totoo ito dahil sa nagbabayad ka naman ng mahusay noong umpisa.

Please, huwag ka nang mangutang sa mga lending investor sa Hong Kong kasi, tina-target nila talaga ang mga OFW. Pangalawa, napaka-taas ng interest ng mga utang na kanilang ibinibigay, talong-talo ka. Pangatlo, kung hindi maiiwasan na mangutang, huwag ka kumuha ng kabakas sa utang -- balasubas ang mga tao, iiwanan ang utang sa iyo para ikaw lamang ang magbayad. Pang-apat, kung ikaw ay mangungutang, mag-prenda ka ng gamit (alahas) para kung hindi ka makabayad, ang alahas ang panagot sa utang, at nang hindi ka na nila gambalain pa.

Good luck sa iyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maraming salamat po sa inyong pagsagot. Nakatulong po ng malaki at nakaalis ng stress kahit paano ang inyong tugon.
I learned my lessons in a hard way, 'ika nga po.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.