Hanggang kailan nalang Visa mo sa UAE? Saan at paano ang Exit para sa OFW?

Kayce Gonzaga
is a Administrative Staff in United Arab Emirates


Usapang Exit para sa mga OFW na nasa United Arab Emirates.Para sa ating mga kababayan na nasa UAE, Ang Exit o Visa Run ay isa sa mga paksa na madalas pinag-uusapan. Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho at naka “Visit Visa”, ang unang itatanong saiyo ng kapwa kabayan mo ay kailan at saan mo balak mag-exit o hanggang kailan nalang ang Visa mo? Ang ibig sabihin ng Exit ay literal na paglabas ng isang “Turista” sa UAE dahil patapos na o huling araw nang Visit Visa mo. Kung ikaw naman ay residente na at nagbabalak lumipat ng trabaho, kailangan mo rin lumabas ng bansa oras na ma-kansela ang Employment Visa mo. Kung ikaw ay kukuha ng panibagong Visa upang makabalik sa UAE, ito ay aayusin ng Travel Agency. Para sa Visit Visa, maaari kang kumuha ng isa o tatlong buwan na Visa, ito ay umaabot ng dalawa hanggang tatlong araw bago mo matanggap, at para naman sa Employment Visa, mas mahaba ng kaunti depende sa iba pang mga proseso. Ngunit, ayon daw sa bagong patakaran, maari na rin bayaran na lang ng bagong employer ang pagpapalit ng Visa.



Saan at paano ba ang “Exit” para sa mga kabayan sa UAE? Mayroong iba’t-ibang paraan na kadalasan ginagawa ng mga pinoy dito.


1.) Oman. Pinakamalapit na bansa ay ang Oman. Magmula Dubai hanggang sa Al Buraimi, Oman (Boundary) maaari kang sumakay ng bus (Halos 3 oras na byahe) o sumakay ng eroplano (Wala pang isang oras na byahe) papuntang Muscat, Oman. Ang pinakamurang paraan ay pagsakay ng Bus. Ang Travel Agency na ang mag-aayos ng lahat pati na ang pag-kuha ng “Oman Visa” na kakailanganin sa border ganoon din kung sasakay ng eroplano. Lahat ito ay aayusin ng Agency at ang bayad ay depende sa klase ng Visa o Transportasyon na napili mo. Sila na rin ang mag-aayos ng hotel kung saan ay halos lahat mga kabayan o kapwa pinoy rin ang makakasama mo. Dito mo hihintayin hanggang sa makuha mo na ang Visa at makabalik ng UAE.


2.) A to A (Airport to Airport). Ito ay kadalasan para sa mga mayroon nang hawak na Employment Visa at Round trip ticket at kailangan na lang matatakan ang Passport ng Exit Stamp. Hindi na kailangang lumabas sa airport dahil ikaw ay sasakay uli ng eroplano na pabalik ng UAE. Ang A to A ay madalas ginagawa sa Muscat (Oman), Doha (Qatar) at Manama (Bahrain).


3.) Singapore, Thailand, Hong Kong, Sri Lanka, Armenia at iba pang bansa sa Asia. Maaari din magpunta sa mga bansang ito ngunit mas mahal ang gastusin at kung ikaw ay wala pang trabaho o magsisimula pa lang, hindi ito ipinapayo. Para sa may mga sobrang pera, magandang puntahan ito dahil habang nag aantay ka ng Visa ay makakapamasyal ka pa. Maaari rin umuwi ng pilipinas ngunit karamihan ay hindi ito ginagawa dahil mahirap makalagpas muli ng “Immigration” at dahil na rin sa mas mahabang byahe at mahal na pamasahe.


4.) Ang pinakasikat at madalas puntahan noon para sa Exit ay ang bansang Iran (Kish or Qeshm Island). Ito ay higit kalahating oras na byahe lang sa eroplano at mayroong tatlo o apat na byahe sa isang araw dahil na rin sa napakaraming pasahero kung saan ay lagpas sa kalahating bilang ay mga pilipino. Dito kasi ay mas mura ang hotel at mabilis ang proseso. Ngunit dahil sa pagkakaiba sa usaping politika ng UAE at Iran, hindi na muna pinahihintulutan ang pagpunta sa Kish o Qeshm Island. Ayon sa mga balita, marami ang na “Stranded” o hindi na makakuhang Visa pabalik ng UAE kaya’t bumalik na lang sa Pinas o kaya naman ay mag-hintay ng ilan buwan bago makabalik dito. Mas mainam na magtanong sa mga Travel Agencies dahil madalas ay pabago-bago ang mga “Rules & Regulations” pati na rin ang presyo.


Ang Exit kasi ay ginagawa ng mga kabayan na nais makabalik agad ng UAE sa mas mabilis at murang paraan. Ito ay para sa mga lilipat ng trabaho o para sa sumusubok muli maghanap ng trabaho sa UAE. Minsan kasi ay inaabot ng higit sa tatlong buwan bago makapaghanap ng trabaho. Iba’t- ibang istorya ang mayroon sa usaping Exit. My nakakatakot o hindi magagandang mga balita at mayroon din naman na masasaya. Magugulat ka dahil napakaraming mga Pilipino ang makakasalamuha mo at higit sa lahat, mapapahanga ka kung gaano talaga katapang ang mga kababayan nating OFW na hindi basta-basta sumusuko matupad lamang ang pangarap para sa pamilya.



About the author

Kayce Gonzaga

Profession: Administrative Staff
United Arab Emirates , Dubai , Dubai

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

IMPORTANT: This networking and classified ads section is a free service. We do not assume responsibility for the products or services sold or offered. There are risks when dealing with people who might be acting under false pretenses and all of these risks are borne by you. It is the responsibility of individuals who posted the ad to reply to your message, and confirm the legitimacy. We are merely a venue and do not control the products or services offered to other users, nor does buhayofw.com control the users of our website. 

Neither Buhayofw.com nor any providers of information make any warranties, express or implied, as to results to be obtained from use of such information, and make no express or implied warranties of merchantability or fitness for a particular purpose or use. Neither buhayofw.com nor any providers of information shall have any liability for the accuracy of the information contained in the ads found on our web site, or the contents of any advertisements, or for assertions or omissions therein. No party shall be liable to any other party or any third-party for third-party claims or losses of any nature, including, but not limited to, lost profits, punitive or consequential damages. We reserve the right to edit, categorize, revise, or to decline any classified advertisement.