Magkaka-ban ba kung aalis sa trabaho ng hindi pa tapos ang kontrata sa UAE?

Kayce Gonzaga
is a Administrative Staff in United Arab Emirates

Ano ang mga maaaring mangyari kung ang isang kabayan ay aalis o mag- reresign na sa kanyang trabaho na hindi pa natatapos ang kontrata? Mayroon bang ban sa Visa?



Marami sa mga kabayan dito sa UAE ay hindi natatapos ang kontrata (Kadalasan ay dalawang taon ang kontrata) at gusto na mag-resign. Iba’t - ibang dahilan katulad nang hindi maganda ang patakbo sa kumpanya, hindi na masaya sa trabaho o may nahanap na mas magandang kumpanya at mas malaki ang sahod. Kahit ano pa man ang dahilan, may mga alituntunin na dapat malaman ng isang kabayan bago tuluyan umalis o mag-resign sa trabaho.


Larawan: Halimbawa ng Employment Visa


May dalawang uri ng Ban sa UAE

Immigration Ban. Ang ibig sabihin nito ay hindi ka makakapasok o makakakuha ng residency sa UAE dahil ang Immigration mismo ang haharang saiyo. Ito ay nangyayari kung ang isang “expat” ay mayroong krimen na nagawa, tumakas sa trabaho o “Absconded”, kaso ng pagkakautang mula sa banko at kung ano-ano pang krimen. Kailan ito matatapos? Depende sa kalalabasan nang kaso at kung magkaayos o makakabayad sa utang. Samantala, hindi ka papayagan na umapak sa UAE hanggat patuloy ang kaso.


Labour Ban. Ito naman ay may dalawang uri, maaring anim na buwan o isang taon. Kung ang isang empleyado ay umalis o nag-resign sa kasalukuyang trabaho at hindi natapos ang kontrata, magkakaroon ng automatic “6-month ban” at “1 year ban” naman para sa my mga “Limited Contract” o hindi pagsunod ng nakasaad sa kontrata. Kung ikaw ay may labour ban sa visa, maaari ka pa rin makapasok sa UAE sa pamamagitan ng Visit o Tourist Visa.


Paano maaalis ang labour ban at makapag-trabaho muli sa UAE?

Ito ay depende sa sitwasyon. Kung ikaw ay umalis sa trabaho at nag-sampa ng kaso sa “Ministry of labour” laban sa iyong employer, ang pag-aalis ng ban ay depende sa kalalabasan ng kaso at kung sino ang papanigan. Kung hindi naman, ang ibang paraan ay dapat nakatapos ng High School at my diploma, kailangan makahanap ng sahod na hindi bababa sa AED 5,000 o mas magandang posisyon. Para sa “Diploma Holders” ay kailangang hindi bababa ng AED 7,000 samantalang AED 12,000 para sa may “Bachelor’s Degree”. Importante rin ang NOC o “No Objection Certificate” mula sa kasalukuyang employer. Ang iba pang paraan para makaiwas sa labour ban ay ang pagkakaroon ng trabaho sa gobyerno ng UAE o sa mga “Freezone Companies”. Ito ang patakaran na sinusunood noong nakalipas na dalawang taon. Mayroon na rin pagbabago sa criteria mula sa website ng Emirates Diary.


Noong nakaraang taon lamang, nagkaroon ng “UAE Labor law resolutions” at sinasabing mayroon ng partikular na “Skills” at “Exempted” sa labour ban basta sundin lamang ang “Notice period” sa kontrata at hindi basta-basta umalis na lang sa trabaho. Ang Skills na nabanggit ay depende rin sa “Skills Level” o propesyon na itinalaga ng MOL (Ministry of Labour). Hindi pa malinaw kung mayroon pa ring “Minimum Salary”. Importante na magtanong muna sa MOL kung ano ang maaring mangyari kung ikaw ay aalis sa trabaho at hindi tatapusin ang kontrata dahil katulad ng nabanggit, nagbabago-bago ang patakaran at ito ay depende sa propesyon, visa o katayuan mo. Kailangang siguraduhin na tama ang magiging desisyon nang hindi ito pagsisihan sa bandang huli. Ang artikulong ito ay nagsisilbing gabay lamang at mas mainam na kumunsulta sa Ministry of Labour at Immigration para sa karagdagang kaalaman.

About the author

Kayce Gonzaga

Profession: Administrative Staff
United Arab Emirates , Dubai , Dubai

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

IMPORTANT: This networking and classified ads section is a free service. We do not assume responsibility for the products or services sold or offered. There are risks when dealing with people who might be acting under false pretenses and all of these risks are borne by you. It is the responsibility of individuals who posted the ad to reply to your message, and confirm the legitimacy. We are merely a venue and do not control the products or services offered to other users, nor does buhayofw.com control the users of our website. 

Neither Buhayofw.com nor any providers of information make any warranties, express or implied, as to results to be obtained from use of such information, and make no express or implied warranties of merchantability or fitness for a particular purpose or use. Neither buhayofw.com nor any providers of information shall have any liability for the accuracy of the information contained in the ads found on our web site, or the contents of any advertisements, or for assertions or omissions therein. No party shall be liable to any other party or any third-party for third-party claims or losses of any nature, including, but not limited to, lost profits, punitive or consequential damages. We reserve the right to edit, categorize, revise, or to decline any classified advertisement.