Mahigit 2 years na kami hiwalay ng misis ko pero hindi kami annulled. Pwede ko p

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Mahigit 2 years na kami hiwalay ng misis ko pero hindi kami annulled. Pwede ko pa ba sya ipahuli at kasohan ng adultery kapag nagsama na sila ng kalaguyo nya?

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Oo pwede mong makasuhan ang asawa mo at ang kanyang kerida. Kailangang dito sila sa ating bansa nagsasama. Ayon sa Art. 333 of the Revised Penal Code. Adultery is committed by any married woman who shall have sexual intercourse with a man not her husband and by the man who has carnal knowledge of her knowing her to be married, even if the marriage be subsequently declared void.Ito ay isang krimen kung ang isang kasal na babae ay nagkarelasyong sekswal sa isang lalaki na hindi niya asawa at kailangang alam ng lalaki na may asawa na ang babaeng karelasyon niya at hindi pa napawalang bisa ng korte ang kasal nila. Ifile mo ang complaint in Prosecutor’s Office kung saan ang dalawa ay nagsasama. Ikaw dapat ang magsampa nito sa Prosecutor's office. Hindi pwede magfile ka ng kasong adultery if ikaw mismo ay may pahintulot sa kanila na magsama o kaya isa ka kanila ay pinatawad mo na. Mas makabubuti na you gather all evidence before you file a case like kung may anak ba sila, kumuha ka ng birth certificate ng anak nila at ibang ebidensya ng kanilang pagsasama at mga witness na tutulong sa iyo.

Recommend Report abuse
Den Pascual
is a Electrician in Saudi Arabia
naghiwalay po kasi kami since nag abroad ako at nabalitaan kong my kinakasama syang iba. umalis sya sa bahay namin iniwan yung mga bata sa pangangalaga ng aking tita na pinapasahod ko. later on nabalitaan ko na nag abroad din sya. uuwi kasi sya na hindi kami magka.abot. humingi kami ng suporta pero sa lalaki nya sya nagpapadala. wala akong matibay na ibedensya kundi ang picture lang nila sa fb na magkayakap. kaya naisip ko na ipahuli nalang sila pag.umuwi din sya sa pinas para magsama sila. ang tanong ko lang po ulit pwede po ba syang ipahuli ng aking mga kamag.anak dahil wala ako sa pinas? at since wala kaming suporta na nakuha sa kanya pwede ko po bang tanggalan sya ng karapatan sa mga bata? maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsupporta. Mabuhay po kayo Atty. and God bless po sa inyo...
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Magagamit mong ibedensya yong mga picture nila na magkayakap at kahit testimony ng mga witness mo mas mabuti din kon makakuha ka ng statement na doon talaga sya nagpapadala sa lalaki pero mahirap kasi gawin yan. Ang problema sa kasong adultery ikaw lang ang dapat magfile dito kasi ikaw ang aggrieved o agrabyado. Kapag naifile na sa court ang kaso, mag iisue na yan ng warrant of arrest sa kanila dalawa. Maaring hindi maibigay ang custody ng mga bata kung mapatunayang unfit o hindi sya karapat-dapat mag alaga sa mga bata. Ilang taon pala ang mga bata? 7 years below dapat sa ina ang custody nila unless unfit at magkaroon lang ng visitation rights ang ama. Beyond 7 years old makapili na ang mga anak kung saan sila pwede sumama. Sa kasong adultery kung mahatulan sila tandaan mong hindi parin napuputol ang inyong marriage. Unlike annulment na mapawalang bisa ang inyong kasal. Kung gusto mo naman lang talaga maputol na ugnayan ninyo mas mabuti pa siguro magpa annul nalang kayo. Para kung anong property mayroon kayo ngayon ay maaring mahati na, ang korte ay mag desisyon din sa kung magkano ang suporta na dapart ibigay sa mga bata ninyong dalawa at kung mayroon kang mga property maacquire in the future wala na syang share nito.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
May tanong lang po ako, may karapatan po bang mag binta ng lupa ang kabit? Ganito po kasi yan. May asawa ang lalaki at kasal sila, ngunit nag hiwalay sila without annullment. Ang wife po ng lalaki nasa US na at may Anak sila ng lalaki 2. Ngayon ang lalaki naman may kinakasamang ibang babae (kabit) at kasawiang palad namatay ang lalaki. May lupa pong minana ang lalaki sa kanyang magulang. Gusto po ngayon ng kinasama ng lalaki ibinta ang Lupa. Nasa kanya po ang titulo.Kung sakaling bilhin namin may habol po ba ang legal wife sa lupa na bininta ng kabit ng lalaki.

Looking forward for your prompt reponse.
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Oo, null and void o walang bisa talaga ang sale if ang kabit niya ang magbibinta. Ayon sa ating batas in the law of Succession in the Civil Code may mga tinatawag na Compulsory heirs sila ay yong mga nakalaang tagapagmana dahil ang batas na mismo ang nagreserve a portion of property ng namatay para sa kanila na maaring naiwan. A person’s compulsory heirs are the following: 1) legitimate children and descendants, with respect to their legitimate parents and ascendants; 2) in default of the foregoing, legitimate parents and ascendants, with respect to their legitimate children and descendants; 3) the widow or widower; and 4) acknowledged illegitimate children. So, dahil subsisting pa ang marriage ng namatay at ng misis niya kahit pa matagal na silang hindi nagsasama nanatili siya at ang 2 anak niya ang tagapagmana. Wala karapatan ang kabit na magbinta sa property na ito ng kanyang kinakasama. So, kung interested kang bilhin ang property na ito sa mag ina ka dapat makipag usap. Maari kang magpatulong sa isang abogado tungkol dito by the time bibilhin mo talaga ito.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
maraming salamat po sa pag tugon ng aking katanungan. Paano po kung ang mag bibinta ang illegitimate child ng namatay? mayroon din kasi sila anak. bali ang mangyayari, sasabihin ng nanay yung anak niya ang nag binta, at lahat ng papeles na pipirmahan ang anak niya ang pipirma.(nasa hustong gulang na po ang anak at may sarili ng pamilya). matatawag po ba legal ito?

sana po mabigyan ninyo ng sagot ang aking katanungan.
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi pa rin totally valid yan. Ayon sa batas ang legitime ng isang illegitimate child ay kalahati or 1/2 lang ng share ng isang legitimate child ng namatay. Wala syang karapatang ibinta ang share ng iba pang mga heirs. Usually, pag iisa lang ang magbibinta ang gagawing dokumento ay Extrajudicial Declaratio of Heirs Settlement with Deed of Sale (or maybe with waiver of rights). Dapat pipirma ang lahat ng heirs nito para ang bintahan ay valid. Kung sino man sa kanilang mga heirs ang walang alam nito ay maaring ipadeklare ang sale na void as to their share. Sila ay co-owners sa property na ito maari maibinta ang share lang niya at hindi ang share ng iba pa if hindi sila pumirma ng waivers na ibigay nalang sa kanya lahat.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
Marami pong salamat sa magandang kasagutan Ms.Del Rosario.

Pag palain nawa po kayong ng panginoon!
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
You're welcome Sir.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
Good morning maam Jescelyn,
Mag tatanong lang po ako ulit. May nag bibinta ng lupa sa amin, at ng tanungin ko tungkol sa titulo, ang sabi ang hawak lang niya ay declaration of ownership. Ngayon itatanong ko lang po, sapat na po ba to katibayan at pag binili po ba namin ang lupa pwd kaya po namin patitulohan? tsaka po, kung may hawak na declaration of ownership, pwd po bang mag bayad ng taxes?

Sana po matugonan ninyo ang aking katanungan.
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang tax declaration ay hindi yan absolute proof of ownership medyo hindi secure dahil baka naibinta na yan sa ibang tao at may titulo na rin diyan. Pero kung talagang honest yong nagbibinta sa inyo, dapat alamin kung ang lupang yan ay alienable at disposable you can check at CENRO ng DENR. Dahil kapag hindi yan alienable at disposable maaring hindi pwede maibinta yan dahil gobyerno ang may ari niyan. Kung walang problema maaring makapagpatitulo niyan magpetisyon kayo sa korte at kailangan ninyo ng isang abogado para pagsecure ng Original Certificate of Title. Ikaw na ang magbabayad ng tax if mailipat na sa pangalan mo at lahat ng dokumento kailangan dito.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
Ang ibig pong sabihin ng declaration of ownership ay ang tax declaration? nakatityak po kami na hindi po ito nabinta sa iba kasi po nasa province lang po namin ito. pag wala po titulo ibig sabihin di pa nabayaran ang lupang ito ng taxes?

mag kano po kaya magagastos namin kung sakaling mag petisyon kami sa korte? maliit lang po ang lupa binibinta 1200sqm lang po.
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pasensya na nagkamali ako sa pagbasa akala ko tax declaration lang ang hawak ng seller. Magkaiba ang Declaration of Ownership, it is a form of affidavit na nagsasabi siya ay nagmamay ari ng lupang ito. Iba2x kasi ang content ng declaration of ownership, hindi ko masasabi kung ano ang nakasaad diyan. Ang importante niyan ang nagdeclare na sya ang owner ay dapat in possession din sa property. Usually, ang declaration of ownership is a requirement yan para makasecure ng tax declaration ng isang property. Ang tax declaration is a document yan that is kept at either municipal or provincial Registry of Deeds which contain among others the zonal value and records of the previous owners. About sa gastos, hindi ako makapagbigay nang halaga kung magkano talaga dahil depende yan sa bintahan o sa zonal value sa property, plus may mga transfer taxes, capital gains and other fees na babayaran of course sa abogado din. Usually, kung abogado na ang gagawa lahat package yong hinihingi nila kayo na ang mag agree sa amount dahil i court hearing pa ito.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
magandang araw po. mayron po kaming nabiling lupa, nasa amin na po ang original copy ng titulo at ang deed of sale ay pinapagawa na po.updated po bayad para sa tax.pwd na po ba namin ipa transfer ang lupa sa pangalan namin at mag kano po kaya ang estiamted cost ng pag pa transfer?
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko actually maestimate ang total cost ng pagtransfer kasi nakadepende yan sa amount ng lupa na nabili ninyo o kaya sa fair market value nito. Pwede namang kayo nalang ang magprocess nito dahil may titulo na ito. After na makuha ninyo ang deed of sale kailangang bayaran ninyo kaagad ang tax nito sa BIR. Ito ang pinakaimportante upang maiwasan ninyo ang interest or surchages na minsan kapag nakalimutan ay mas malaki pa kay sa value ng lupa na inyong binili.Magbibibay sila ng mga requirements na dapat ninyong i comply at pumunta rin kayo sa Civil Registry of Deeds para doon iprocess ang pagtransfer ng titulo may mga dapat rin kayong bayaran doon.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
Maraming salamat po sa inyung reply. Tama po kaya ng pumuntan ang misis ko sa BIR kukunin po pala ay 7.5% its eiter sa amount na binili yong lupa or market value ng lupa, ang zoning po ba nabanggit ng BIR ito po pa ang kung saan nakalocate ang lupang binili namin? sabi po kasi ng BIR yong 7.5% doon kukunin sa may pinakamalaking amount, pipili po daw ang BIR sa amount na nabili ang lupa, market value ng lupa at sa zoning.

nilalakad na po namin ang deed of sale dahil po kailangan mag renew ang attorney na pipirma sa deed of sale matatagalan po daw marelease ang deed of sale.

meanwhile, kung sakali po ba ipagpaliban namin ang pag tratransfer sa pangalan namin wala po bang magiging problema? nasa amin naman po ang original copy of title.

Looking forward for your favorable reply.
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Tama yan capital gains at docs stamps yong dapat bayaran. Dapat tandaan unless your name is placed in the Title hindi talaga magiging secure ang ownership. Hindi enough ang original copy ng titulo or ang deed of sale lang kailangan iparegister ang sale sa Registry of Deeds para hindi na maaring maibinta pa ito sa iba. So, nasa sa inyo na yan kung gusto ninyong makasiguro after getting the deed of sale iprocess na kaagad ang titulo madali nalang yan dahil may titulo na parang office to office nalang ang processing niyan.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
well noted po, gagawin po namin ang advised ninyo ma'am.

Maraming slamat po sa walang sawang pag tugon sa aking katanungan.

sa pag papatransfer po ba, kailangan namin ng attorney or pwd misis ko na lang ang gagawa?Then, how much the estimated cost kaya ang magagasto namin sa pag papatransfer?

may nag offer sa amin na nag wowork sa DENR na siya daw ang mag paprocess sa pag papatransfer kaso di namin kilala at di rin kami pumayag natatakot po kasi kami baka sa pangalan niya ipatransfer mahirap na po mag tiwala.
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Sa deed of sale lang kailangan notaryo ng abogado. Depende ang magagasto sa value ng property actually hindi naman masyadong malaki ang processing. Ok din naman yong pinapalakad ninyo sa iba mas mabilis dahil marami silang kakilala ganyan din ginagawa namin minsan. Dapat bibigyan kayo ng receipt sa mga binayad at may contact number sa tao na yan at siguradong nagtatrabaho sa office. Marami din namang mag aalok sa Registry of Deeds na gagawa as long as sigurado ka kung sino ang pinagbigyan mo at constant follow up. I hope everything will be okay for you.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
ibig po sabihin di bawal ipatrabaho sa employee ng Registry of Deeds ang pag process ng transfer to the new owner?

Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi naman sila ang magsesecure ng mga requirements ipapasa mo lang sa kanila kung ito ay complete na. Ang pagpatitulo is not a 1 day transaction maaring aabot pa minsan ng isang taon bago lalabas ang TCT depende sa dami ng nag apply. So mas mabuti na yong mag mapagtanungan. For practical purposes din naman lalo na if ang Register of Deeds ay nasa ibang probinsya at malayo sa inyong present residence.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
Hello Ms. Jescelyn,
I give my warmest greetings with you and I hope you are doing well when you read this letter.

tapos na po ang pag process at pag bayad sa BIR and bingyan na rin po kami ng documents. Sabi sa misis ko, di daw dapat mawala ang mga documents binigay nila kasi yon daw po ang mga requirements sa pag tratransfer ng titulo. Ang advised nila ay dapat within 3 years malipat na namin ang titulo sa pangalan namin. Ang tanong ko po. Papaaano po kung somobra sa 3 yrs at di pa rin namin napa transfer sa name namin ang titulo. May mga dapat po ba kaming bayaran or mawawala po ba ng bisa ang mga documents na enissue sa amin ng BIR?

Maraming salamat po.
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maybe may mga late charges for transfer of title na babayaran. Dapat tandaan hindi pa complete ang sale kung hindi pa nailipat ang titulo sa pangalan ninyo. Maaring maibenta pa ito sa iba at maiparegister sa kanilang pangalan yan ang risk na inyong haharapin. So na sa sa inyo na iyan.
Recommend Report abuse
Albert Aragon
is a Computer in Saudi Arabia
May ikokonsulta lang po ako. may binibinta po lupa pero wala pong titulo. Ang pinanghahawakan lang ng nag bibinta ay deed of sale. Ito po bang deed of sale ay enough na katibayan or kung patititulohan po namin ano2x po kaya ang requirements? kailangan po ba namin pumunta ulit sa BIR para bayaran ito? kahit walang titulo?
Recommend Report abuse

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.