Anong klaseng ubo to? Almost 2 months nato, makati sa lalamunan.
Wala naman pong ibang symptoms yung ubo ko. Wala namang chest pains or dugo. Talagang dry cough lang siya. Then sabi ng nanay ko baka gaya nya akong allergicm. Medtech po sya abroad so dahil sinabi nyang allergy to umiinom ako ng antihistamines 3 times a day kapag kulang sa budget is generic lang binibili ko.
Hindi alam noong una ng nanay ko na umiinom ako ng antihistamine after nya malaman pinagalitan nya ako dahil maka overdose ako magkaka side effect kasi bata pa daw ako para uminom ng ganun ka grabeng dosage. Kaya sabi nya d na ako iinom ng antihistamine and mag exercise ako dahil 89 kilos po ako on 5'4 height obese po ako kaya sabi nya may factor pagiging mataba ko sa ubo ko
Then bumalik na naman yung ubo ko dahil di ako pwedeng uminom ng antihistamine dahil daw sa side effect nito uminom ako ng ibat ibang herbal for cough pero ganun parin, inuubo ako, yung ubo ko po is makati sa lalamunan d naman masakit yung dibdib ko kapag umuubo ako kahit antitussive parang lumala pa yata ubo ko nun. I dont know kasi pag search ko sa net bawal daw yung antitussive gamitin using other cough medicine baka dun lumala bigla yung ubo ko, umaatsing din ako lalo na kapag malapit sa mga bulaklak kaya talagang hinala ko is allergy etong ubo ko.
Aside from allergic po ako, may nabasa din po ako tungkol sa GERD, kasi kapag nag totoothbrush po ako talagang nililinis ko din po yung dila ko. everyday ganun ginagawa ko then kapag nililinis ko yung dila ko , talagang sumusuka ako kaya hinala ko din etong ubo ko ay pwede din sa GERD.
Normal naman po yung xray ko pero ubo parin ako ng ubo.
Sa lahat ng gamot na ininom ko di parin umaalis ubo ko pero one time ang kinain ko lang po ay CANDY, tapos nilunok ko po yung candy at bigla akong nagtaka biglang nawala yung ubo ko, almost 1 week ko yung ginawa at hindi ako umuubo, pero dahil nadin sa daming candy ang inubos ko almost isang pakete ng snowbear na halos, ang sakit na ng lalamunan ko kapag wala akong kinakain ay parang masakit yung lalamunan ko pero kapag may kinakain ako d naman masakit, sabi nila masakit ang lalamunan kapag lumulunok ng pagkain pero sakin iba po, masakit lalamunan ko kapag wala akong kinakain, kasi pag wala akong kinakain para pong nilalaro ko yung adams apple ko parang naging mannerism ko na kaya ngayon masakit masyado pero kapag may kinakain ako d naman masakit, kapag yung paglunok ko ay pataas d masakit kapag pababa ang paglunok ko ay masakit., yun po ay kapag walang kinakain kapag may kinakain d po sya masakit , sanhi din po ba to ng ubo ko? Salamat po