Mga mahalagang malaman ukol sa “food allergy” / Mga kamatuuran mahitungod sa “food allergy”
Ang “food allergy” ay ang reaksyon ng ating depensa ng katawan na nangyayari matapos tayong makakain ng partikular na pagkain. Kahit pa maliit na piraso lamang ng pagkain na nakakasanhi ng allergy ay maaaring magdulot ng problema sa tiyan, pangangati o pamamaga ng daanan ng hangin. Ang mga sintomas ng allergy ay nag-iiba-iba sa antas ng kalubhaan. Maaaring abutin lamang ng ilang minuto, ilang oras, o ilang araw para makasanhi ng reaksyon. Ang mga food allergies ay karaniwang naaapektuhan ng dami ng iyong nakain. Ang isang kutsara ng peanut butter ay maaaring hindi maging problema subalit ang maraming kutsara na nakapalaman sa isang malaking tinapay ay maaaring magpasimula ng hirap sa paghinga. Datapuwat posibleng magkaroon tayo ng allergy sa kahit anong pagkain, mga 90 porsyento ng food allergies lalo na sa mga kabataan, ay dulot ng pitong pagkain: mga produktong may gatas, soya, “shellfish”, “wheat”, “gluten”, mani at puti ng itlog. Kung ikaw ay may allergy sa isa sa mga pagkain sa isang grupo ng pagkain, mayroong mataas na tsansa ng pagiging allergic sa ibang pagkain na nasa grupong iyon. Ang mga sintomas ng allergy ay nag-iiba-iba base sa edad. Ang magandang balita ay maraming kabataan ang nawawala ang allergy kapag umabot na sa edad na tatlong taon.
Ano ang mga Sanhi ng Food Allergy? Hinungdan, Causes
Kung ikaw ay may allergy sa pagkain, ang iyong resistensya ay napagkakamalan ang partikular na pagkain bilang nakakapinsala sa katawan. Ang iyong “immune system” ay nagti-trigger na maglabas ng “antibodies” na tinatawag na “immunoglobulin E (IgE) antibodies” upang ma-“neutralize” ang nakaka-allergy na pagkain. Sa susunod na pagkakataon na ikaw ay kumain ng kahit na napakaliit na dami ng naturang pagkain, ang IgE antibodies ay nararamdaman sila at nagbibigay signales sa “immune system” na magpalabas ng kemikal na kung tawagin ay “histamine”, at ganon din ang maraming kemikals sa iyong dugo. Ang mga kemikal na ito ay nagdudulot ng maraming sintomas. Ang karamihan ng food allergies ay buhat ng protina na nasa: may balat na lamang-dagat tulad ng hipon at alimango, mani, isda at itlog. Sa mga kabataan, ang karaniwang nakakadulot ng allergy ay ang itlog, gatas, mani, at wheat.
Food allergy occurs when the immune system mistakenly treats the proteins found in certain types of food as a threat. In the most common type of food allergy, an antibody known as immunoglobulin E (IgE) can cause several chemicals to be released, the most important being histamine. In children, the foods that most commonly cause an allergic reaction are eggs, milk, soya, wheat and peanuts. On the other hand, in adults, the foods that most commonly cause an allergic reaction are peanuts, tree nuts such as walnuts, Brazil nuts, almonds and pistachios, fish and crustaceans or shellfish such as crab, lobster and prawns. However, any type of food can potentially cause an allergy.
Ano Sintomas? Symptoms
Lahat ng mga sintomas ng food allergy ay nangyayari ilang minuto o oras matapos makakain ng partikular na pagkain. Ang panimulang sintomas ay ang pangangati sa bibig at hirap sa paglunok at hirap sa paghinga. Pagkatapos ay sa panahon ng pagtutunaw ng pagkain sa tiyan at mga bituka, ang mga sintomas tulad ng pagsusuka, pagtatae at pananakit ng tiyan ay karaniwang nararamdaman. Kapag ang “allergens” naman ay tumungo sa daluyan ng dugo, kapag umabot sila sa balat ay nagdudulot ng sobrang pangangati, at kung napunta sila sa daanan ng hangin ay nakakadulot ng hika. Habang naglalakbay ang allergens sa tubo ng mga daanan ng dugo, nakakasanhi sila ng pag-gaan ng ulo, panghihina at “anaphylaxis”. Ang “anaphylaxis” kung minsan ay nakamamatay kapag hindi naagapan.
Food allergy is an immune reaction related to intake of certain types of food. Oftentimes, it may just cause discomfort, but may also be life-threatening. Symptoms associated with food allergy are tingling or itching in the mouth, hives, itching or eczema, swelling of the lips, face, tongue and throat or other parts of the body, wheezing, nasal congestion or trouble breathing, abdominal pain, diarrhea, nausea or vomiting, dizziness, lightheadedness or fainting. The severe form of food allergy is referred to as anaphylaxis. The manifestations of anaphylaxis are constricted and tightened airways, a swollen throat or the sensation of a lump in your throat that makes it, difficulty of breathing, shock with a severe drop in blood pressure, rapid pulse and dizziness, lightheadedness or loss of consciousness.
Lunas o Tambal
Ang natatanging paraan upang maiwasan ang allergic reaction ay ang iwasan ang pagkain na nakakasanhi ng sintomas. Subalit, kahit pa sa abot ng makakaya, hindi maiiwasan na makakain ng pagkain na nakakadulot ng food allergy. Para sa mga “minor” na allergic reaction, ang mga gamot na mabibili s tindahan o iyong niresetang antihistamine ay nakakatulong mabawasan ang sintomas. Ang gamot na ito ay maaaring inumin matapos ma-expose sa “allergy-causing food” upang malunasan ang pangangati. Subalit, ang antihistamine ay hindi nakakalunas ng malubhang allergic na reaksyon. Para sa napakalubhang allergic reaction, maaaring kailanganin moa ng emerhensyang ineksyon ng “ephinephrine” at tumungo agad sa emergency room.
The most effective way to manage food allergy is to prevent the substances that trigger the reaction. Aside from this, medications such as antihistamines, short-acting bronchodilators and epinephrine are also prescribed. Antihistamines, known as H1 blockers, are prescribed to relieve mild allergy symptoms, although they cannot control a severe reaction. Medications in this class include diphendydramine (Benadryl) and cetirizine. On the other hand, epinephrine is the only medication that can reverse the symptoms of anaphylaxis. It is available in an auto-injector.
Natural Cures, Home Remedies Halamang Gamot at Prevention o paano maiwasan / Mga tambal sa balay ug unsaon paglikay
Ang isa sa susi upang maiwasan ang allergic reaction ay ang kumpletong pag-iwas sa pagkain na nakakasanhi ng sintomas. Marapat na hindi magpadalos-dalos. Palaging magbasa ng mga nakapaskil sa pagkain at siguraduhing hindi sila naglalaman ng sangkap na nagdudulot ng allergy. Kapag nagdududa, huwag nalang kumain. Karaniwang sa mga kainan ng grupo, mataas ang tsansang makakakain ka ng pagkain na ikaw ay allergic. Kung sa tingin mo ay hindi ka sigurado sa mga pagkain, huwag nalang kumain.