Gamot pampurga ng bulate-tapeworm treatment, remedy, cure, medicine

Medical Team
is a Medical expert in United States

Introduksyon/Pasiuna

Ang mga bulate ay mga parasitiko na namamahay sa bituka ng tao at iba pang mga hayop. Sila ay maaaring manirahan sa maraming parte ng katawan, subalit marami ang gustong manirahan sa dingding ng mga bituka. Ang mga pamamaraan na makuha sila ay sa pamamagitan ng: pagkain ng hindi nalutong karne, pag-inom ng maruming tubig, at pagpasok nito sa balat. Ang dalawang klase ng parasitiko ay ang tinatawag na “helminths” at “protozoa” na namamahay sa bituka. Ang bulate ay nakakasira o nagbibigay ng sakit sa kanyang pinamamahayang hayop.

Dahilan/Hinungdan

Ang mga parasitiko o bulate ay napapadpad sa bituka sa pamamagitan ng pagkain ng hindi luto o nahugasang pagkain, maruming tubig o kamay, o sa kontak sa balat ng lupang may bulate. Kapag ang mga organismo ay nalunok, pumupunta sila sa bituka kung saan sila nagpaparami at nagdudulot ng sintomas. Ang mga kabataan ang partikular na apektado ng mga bulate kapag hindi sila maiging nalinis matapos silang maglaro ng lupa sa mga palaruan. Ang mga tao rin sa mga umaasenso pang mga bansa ay apektado ng bulate dahil sa hindi tiyak na pinanggagalingan ng inuming tubig. Ang iba pang sanhi ng bulate ay ang pagtira o pagbisita sa lugar na pinaniniwalaang pugad ng bulate, pagbyahe sa ibang lugar, hindi magandang sanitasyon, kakulangan sa pangangalaga sa katawan, edad – ang mga masyadong bata at masyadong matatanda, pagkakaroon ng mahinang resistensya, pagkakaroon ng HIV o AIDS.

Sintomas/Mga balatian

Ang mga parasitiko tulad ng bulate ay maaaring manirahan sa katawan ng maraming taon na walang dinudulot na sintomas. At kung nagdadala na sila ng sintomas, ang mga ito ay: pananakit ng tiyan, pagtatae, pagsusuka, pagkakaroon ng hangin sa tiyan, pagkakaroon ng dugo sa dumi, masakit hawakan na tiyan, panghihina, pagbaba ng timbang, paglabas ng bulate kasama sa pagbabawas.

Mga Iba’t-ibang Lunas / Mga klase-klase nga tambal

Gamot

Ang iyong doktor ay ang siyang pinakamaiging konsultahin sa kung anong gamot ang dapat inumin laban sa klase ng bulate na nasa iyong katawan. Maaari mong kailanganin ang isang “dosage” ng gamot, o maaari mong inumin ang gamot ng ilang linggo. Marapat na sundin ng maigi ang preskripsiyon ng gamot na iniinom o maaaring hindi ito gumana ng maayos.

Komplementaryo at alternatibong gamot / Mga lahi pa nga pamaagi sa pagpanamabal

Ang mga alternatibong gamot ay maaaring magpawala sa bulate ng mas mabilisan kasama ng mga konbensyonal na mga gamot. Ang sumusunod ay maaaring makatulong upang hindi na dumami pa o mawala na ng tuluyan ang bulate. Ang mga ito ay ang “Nutritional Supplements” tulad ng pag-iwas sa pagkaing maraming “carbohydrates”, pagkain ng may maraming “fiber” – na maaaring makatulong sa pag-eradika sa mga bulate, Bitamina C para sa mas malakas na resistensya, mga herbal na gamot tulad ng bawang, anis at marami pang iba.

Mga pwedeng magawa sa bahay / Mga pwede mahimo sa balay


Bagamat mayroong mga nareresetang gamot para ma-eradika ang mga bulate, nariyan rin ang ilang mga gamot na maaari mong makita sa bahay. Ang ilan sa mga ito ay ang bawang – kilala sa kanyang kakayanan na lumaban sa “roundworms at pinworms” at carrots – mainam na panlaban sa kung tawagin ay “threadworms”.


Related: Bulate sanhi, sintomas, treatment


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.