Gout o Gouty Arthritis: Pananakit ng kasukasuan, hinlalaki ng paa

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Mga Impormasyon Ukol sa Gout


Ang “gout” ay isang klase ng arthritis na nakakasanhi ng pamamaga ng kasu-kasuan na biglaan na lamang umaatake. Ito ay dulot ng pagka-imbak ng kristals ng “uric acid” sa kasu-kasuan. Ang gout ay nagdudulot rin ng pagkabuo ng bukol o “nodules” sa ilalim ng balat at ang mga “nodules” na ito aay tinatawag na “tophi”. Ang pinakamaaasahang pamamaraan upang matiyak na may gout ang isang pasyente ay ang pagkuha ng tubig o “fluid” mula sa namamagang kasu-kasuan at i-examine sa ilalim ng “microscope” para sa presensya ng uric acid crystals. Kapag pinabayaan ang gout, ito ay nakakadulot ng hindi na malulunasan pang pagkasira ng kasu-kasuan, problema sa kidney, at pagkakaroon ng “tophi.” Nilalarawan ang gout bilang pag-atake ng biglaang sakit, pamumula at masakit hawakang mga joints na karaniwang nangyayari sa hinlalaki ng paa.



Ano Sanhi ng Gout?


Ang gout ay nangyayari kapag merong naiimbak na “urate crystals” sa kasu-kasuan na nagdudulot ng pamamaga nito. Ang “urate crystals” ay nabubuo kapag ang lebel ng “uric acid” sa dugo ay mataas. Ang katawan ay nakakagawa ng “uric acid” dahil sa pag-proseso nito sa “purines” – ito ang mga bagay na karaniwang nakikita sa katawan, at pati na rin sa mga pagkain tulad ng laman-loob ng mga hayop, dilis, asparagus, mga kabuti at marami pang iba. Sa normal na sitwasyon, ang “uric acid” ay nalulusaw sa dugo at dumadaan sa “kidneys” at lumalabas kasama ng ihi. Subalit kung minsan, ang iyong katawan ay gumagawa ng sobra-sobrang “uric acid” o kaya naman ay ang “kidneys” ay naglalabas ng sobrang liit na “uric acid”. Kapag ito ay nangyayari, ang “uric acid” ay natitipon, at nahuhubog bilang matulis at parang karayom na “urate crystals” sa mga “joints” at sa nakapalibot na mga tisyu at nagdudulot ng pananakit at pamamaga.


Ano Sintomas ng Gout?


Ang sintomas ng gout ay karaniwang biglaan – nangyayari pangkaraniwan sa gabi – at walang pasabi. Ang sumusunod ay ang mga sintomas: napakasakit na pakiramdam sa kasu-kasuan na umaapekto sa “joint” ng malaking daliri ng paa, tuhod, kamay, bukong-bukong, at “wrist” o galanggalangan. Ang sakit ay mas gumagrabe sa unang 12 hanggang 24 na oras matapos itong magsimula. Ang iba pang sintomas ay ang hindi mawala-walang pagkabalisa. Kahit pa nawala na ang pinamataas ng antas ng sakit ay nandyan pa rin at nanatili ang sakit sa kasu-kasuan ng ilan pang araw. At ang isa pang sintomas ay ang pamamaga at pamumula. Ang apektadong mga “joints” ay nagiging maga, masakit hawakan at namumula.


Ano Lunas at Paggamot?


Layunin ng mga gamot para sa gout ang maiwasan ang pag-atake ng sintomas at mga nagbabadyang mga atake at komplikasyon. Ang mga gamot na ito ay ang “Non-steroidal Anti-inflammatory Drugs” o NSAIDs na tumutulong sa pagkontrol ng pamamaga at pananakit. Ang mga NSAIDs ay ang ibuprofen (Advil), at naproxen (Aleve), at pati na rin ang mas malakas na klase nito na indomethacin (Indocin). Ang NSAIDs nga lang ay nagdudulot ng mga tsansa na ikaw ay magkasakit sa tiyan, pagdurugo, at ulcers. Isa pang gamot ay ang colchicine. Kapag hindi ka maaaring uminom ng NSAIDs, ang doktor ay maaaring bigyan ka ng colchicine, isang klase ng “pain reliever” na karaniwang ginagamit upang bumaba ang dulot na sakit ng gout. Madaling umeepekto ang gamot na ito ngunit merong mga “side effects” tulad ng nasusukang pakiramdam, pagsusuka at diarrhea. Isa pang gamot ay ang “corticosteroids”. Ang “corticosteroids” tulad ng prednisone, ay maaaring mag-kontrol sa pamamaga at pananakit. Ito ay maaaring ibigay bilang tabletas o sa pamamgitan ng “injection”. Ang gamot na ito ay espesyal na ginagamit lamang para sa mga taong hindi pwedeng uminom ng NSAIDs o colchicine.


Home Remedies, Natural cures at Prevention o paano maiwasan


Hindi maikakailang ang mga gamot ang pinaka-epektibong lunas para sa gout. Subalit ang pagbabago sa iyong diet ay napaka-importante. Isang asosasyon sa Amerika ang nagrerekomenda na tuwing may pag-atake ng gout ay uminom ng 8 hanggang 16 na tasa ng tubig sa loob ng isang araw, iwasan o tigilan ang pag-inom ng alak o mga alkohol, kumain ng sapat na protina, at kung maaari ay galing sa masustansyang pagkain tulad ng low-fat/fat free dairy products, tofu, itlog.


About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nagpabalik balik na ng ilang beses ang gout ko at ngayon po umiinom ako ng allopurinol. Dapat ba akong maging handa para sa mga hindi kanais nais na epekto?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Sa kabuuan, ang mga seryosong “side-effects” mula sa allopurinol ay bihira lamang at ang gamot na ito ay nababagay sa pangmatagalang gamutan. Subalit, tulad ng maraming medisina, maging mapagmatyag sa anumang hindi pangkaraniwan at makipag-usap sa iyong doktor kung ikaw ay nababahala.
Ang iyong doktor o “rheumatologist” – isang doktor na espesyalista sa mga kondisyon na umaapekto sa kasu-kasuan – ay maaaring magreseta sa iyo ng mababang “dosage” ng allopurinol habang nagsisimula ka pa lamang. Ito ay makakatulong sa iyo upang matukoy ang mga side-effects ng gamot tulad ng pantal, bago sila maging seryoso. Pagdating ng tamang panahon, ang iyong doktor ay dahan-dahang tataasan ang iyong “dosage”.
Maaari kang magkaroon ng sintomas ng gout sa unang mga buwan matapos kang uminom ng allopurinol. Maaaring ikaw ay bigyan ng reseta upang maiwasan ang mga sintomas. Maaaring kalakip nito ang “non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs), o mga medikasyon tulad ng “colchicine” na pwedeng inumin kasabay ng allopurinol. Simulan ang mga gamot na ito sa lalong madaling panahon at huwag titigilan ang pag-inom dito sa loob ng hindi bababa sa 3 buwan. Importante ring patuloy na uminom ng allopurinol kahit sa biglaang atake ng gout.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Meron daw po ako pseudogout. Ano ang kaibahan nito sa totoong gout?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang pseudogout ay dulot ng pagka-imbak ng ibat-ibang “cyrstals” doon sa totoong sanhi ng gout. Ang pseudogout ay tinatawag ring “calcium pyrophosphate crystal arthritis”.
Maaari kang magkaroon ng gout kapag meron kang sobra-sobrang uric acid sa katawan. Ang uric acid ay isang kemikal na tayong lahat ay mayroon sa ating mga dugo. Kapag ang lebel ng uric acid sa dugo ay napakataas, ito ay nakakabuo ng maliliit na “crystals” na nakokolekta sa mga “tissues”. Ito ay naiimbak pangkaraniwan na sa loob at sa paligid ng mga kasu-kasuan. Ito ay maaaring ang dahilan ng pamamaga at kirot.
Kung ikaw ay may pseudogout, ang mga “crystals” na nabubuo ay hindi uric acid “crystals”, tulad ng sa “totoong” gout. Sila ay gawa sa calcium salt na tinatawag na “calcium pyrophosphate”. Ang mga “crystals” na ito ay madalas makita sa X-ray sa iyong apektadong kasu-kasuan.
Ang pseudogout ay karaniwan sa mga taong edad 60 at pataas, at ang kababaihan at kalalakihan ay parehong apektado. Ito ay nakakaapekto sa kahit anong kasu-kasuan, subalit mas madalas itong nasa tuhod, sa kasu-kasuan malapit sa pulso, at sa bewang. Ang pseudogout ay tila nagsisimula sa kirot na napakasakit, paninigas at pamamaga, at nawawala lang nang walang ginagawa, at gumaganda ang pakiramdam sa loob ng 10 araw. Kung minsan, kung ikaw ay may ibang dinaramdam, maaari nitong pasimulan ang pseudogout, subalit malimit na walang matukoy na dahilan kung bakit ito nagsisimula.
Tulad ng gout, ang pseudogout ay pabalik-balik, o maging isang pangmatagalan na kondisyon. Ang “chronic illness” kung tawagin ay sakit na tumatagal ng napakahabang panahon, kung minsan ay sa buong buhay ng tao.
Maaaring malunasan ang pseudogout sa pamamagitan ng kaparehong gamot na ginagamit sa gout. Subalit kung ikaw ay matagal nang may pseudogout, mas lumillit ang pagpipilian sa mga gamot na pwedeng gamitin upang maiwasan o padalangin ang pagbabalik nito. Maaaring kakailanganin mo ang NSAIDS o steroids nang mahabang panahon. Ito ay dahil walang gamot na nakakapagpababa ng lebel ng gout crystals na nagdudulot ng pseudogout.
Kung sa tingin mo ay meron kang gout o pseudogout, kumunsulta sa iyong doktor para sa mga payo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Napag alamangan meron po akong gout. Meron bang mga pagkain na dapat kong iwasan?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Upang mabawasan ang sintomas ng gout at ang tsansang magkaroon nito, subukang huwag kumain ng mga pagkain na naglalaman ng mataas na antas ng “purines”. Ang “purines” ay mga bagay na pinaghihiwa-hiwalay hanggang maging “uric acid” at may kakayahang gawing mas malubha ang iyong gout. Ang mga pagkaing naglalaman ng mataas na antas ng purines ay ang ilang mga karne at lamang-dagat. Ang gout ay sanhi ng pagka-imbak ng uric acid, isang patapon na produkto mula sa purines. Ito ay makikita sa bawat “cell” sa katawan at sa ilang mga pagkain. Ang iyong “dieta” ay malaki ang ginagampanan sa pagkakaroon ng gout. Kapag meron kang ginawang mga pagbabago, maaaring lumiit ang tsansang magka-gout ka ulit.
Ang mga pagkaing may matataas na lebel ng gout ay ang:
• Karne, tulad ng atay at kidneys
• Mga karne ng manok at kuneho
• Lamang-dagat, tulad ng “mussels at scallops”
• Mamantikang mga isda, tulad ng sardinas at dilis
• Mga pagkain at inumin na naglalaman ng “yeast”
• Mga kabute
• Oatmeal
Hindi ibig-sabihin na hindi ka na pwedeng kumain ng lahat ng ito dahil naglalaman pa rin sila ng iba pang nutrisyon at protina. Datapuwa, limitahan lamang ang dami ng pagkain sa kanila dahil nakakagrabe ito sa gout. Ang mainam gawin ay kumain ng mas maraming mapagkukunan ng protina na mababa sa purines tulad ng gatas at produkto nito at ilang mga gulay.
Kung ano man ang iyong iniinom ay nakakaapekto rin sa sintomas ng gout. Halimbawa, ang matatamis na mga inumin ay nagpapataas sa dami ng uric acid sa iyong dugo at nagpapalubha sa gout. Ang pagbabawas sa alak na iyong iniinom, lalo na ang beer at “port wine” ay nagpapagrabe rin ng sintomas. Kapag ikaw ay umiinom ng sobra-sobrang dami ng alkohol, maaari itong makapasimula ng sintomas kahit pa umiinom ka ng gamot para mapigilan ang gout.
Kapag ikaw naman ay kumain ng mababa sa purine at balanseng pagkain, ikaw ay matutulungan sa pagkontrol sa iyong gout. Subalit, depende sa iyong kondisyon, maaaring kakailanganin mo ring uminom ng mga gamot upang malunasan ang iyong sintomas at maiwasang bulalik ulit ang gout.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.