Paano maiwasan, makaiwas sa atake sa puso? How to prevent heart attack

Medical Team
is a Medical expert in United States

Paano ba maiiwasan ang atake sa puso o stroke?

Taon-taon, libo-libo din ang namamatay sa buong mundo dahil sa stroke o atake sa puso. Yung iba naman na mapalad sila dahil naka-recover pero naaapketuhan naman ang pangaraw-araw na gawin nila kasi kalahati o baka nga buong katawan nila ang naparalisa dahil sa stroke.

Paano maiwasan, makaiwas sa atake sa puso, How to prevent heart attack

Baka iniisip mo na mga may edad lang ang pwedeng magkasakit nito. Pero ang totoo, wala na itong pinipiling edad ngayon. Di gaya ng ibang sakit na may malinaw na sintomas, basta-basta nalang itong aatake ng walang pasabi. Pero pwede mo yang maiwasan. Pababain ang tyansa na magkaroon ng kahit na anong komplikasyon sa puso. Eto ang ilang mabisang paraan para magawa yan:

- Magkaroon ng tamang dyeta. Pero mag-ingat sa pinipiling diet program na nagangakong papapayatin ka sa pag inom lang ng mga food supplements o capsule sa loob ng sandaling panahon. Ang talagang mahalaga eh yung kontrol at disiplina sa sarili. Malawak na usapan ang diet at hindi lang yan sa kinakain mo. Kasama dyan ang ehersisyo, sapat na tulog at balanseng paglilibang at pahinga.

- Mag-ingat sa kinakain mo. Wala naman talagang bawal na pagkain. Ang nagiging problema lang eh kapag nasosobrahan ka. Kapag tumaas ang cholesterol level sa katawan mo ng higit sa 150mg/dl, nabubuo na ang sakit sa puso. Meron na tayong cholesterol sa katawan kaya kung dadagdagan natin yan mula sa mga karne o taba ng hayop, at iba pang makemikal na pagkain, tataas ang tyansa mo na atakihin. Imonitor din ang calorie intake mo. Obesity o yung pagiging overweight ang pangunahing dahilan ng diabetes, at kung diabetiko ka eh mas mataas ang tyansa mo na magkaron ng sakit sa puso. Wag na wag hayaan na sa loob ng isang araw eh hindi ka makakakain ng gulay o prutas. Laging uminom ng tubig

- Mag ehersisyo. Bakit hindi mag-bike ng 20 minuto araw-araw? Piliin ang ehersisyo na babagay sayo. Mas gaganahan kang gawin yan kung ang pipiliin mo eh yung talagang gusto mo. Hindi lang sinusunog ng ehersisyo ang calories, kundi ginagawa din nitong aktibo ang mga genes na tutulong para maiwasan ang depression o stress.

- Kumain ng dark chocolate minsan sa isang linggo. Maniwala ka man o hindi, ayon sa ilang pag-aaral, may malaking nagagawa ang flavonid na nasa dark chocolate. Pinapatibay nito ang mga arteries o yung dakuyan ng dugo sa katawan. Pero syempre, hinay-hinay lang. Ang sobrang tsokolate eh magapataaa talaga ng cholesterol at calorie sa katawan mo.

- Uminom ng Vitamin B Complex tuwing umaga.

- Iwasan ang paninigarilyo o mahantad sa second hand smokers. Hindi na nakakapagtaka na yan talaga ang nakakabara sa mga ugat sa puso ng isang tao. Kung may lahi kayo ng sakit sa puso, dapat mo talagang itigil ang paninigarilyo. Iwasan din ang mga lugar na mahahantad ka sa mga naninigarilyo. Hindi lang sakit sa puso, pati na rin kanser sa baga ang pwede mong maging sakit.

- Kung may maintenance ka na gamot, wag itong balewalain at uminom sa tamang oras. Laging panatilihin na normal ang blood pressure mo. Sabi nga “ silent killer” ang hypertension o high blood pressure. Makakatulong ang ehersisyo at tamang diet sa pagpapanormal ng dugo.

- Ugaliing matulog ng maaga at iwasan ang stress. Madaling sabihin. Pero ayon sa Harvard, 70, 000 na mga babae ang nagsasabing tumataas ang blood sugar at blood pressure nila sa tuwing kulang ng 3 oras ang tulog nila.


Labanan ang tyansa na atakahin sa puso o mastroke. Nakatulong sana ang mga artikulo na yan.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.