Paano makaiwas ng lamok sa bahay o ano panlaban sa kagat ng lamok?

Elaine Isidro
is a Manunulat in the Philippines

How to mosquito-proof your home, and avoid mosquito bites. Ano panlaban sa lamok sa bahay?

Kabilang sa mga nakakamatay na sakit ngayon ay ang Dengue. Isa lang ito sa mga sakit na naidudulot ng mga lamok. Just like houseflies, mosquitoes are both annoying and a possible sources of various vector-borne diseases such as dengue, malaria, chikungunya and elephantiasis.

Responsibilidad ng bawat tao ang gumawa ng aksyon laban sa mga lamok. At nararapat lang na alamin natin ang mga iba’t ibang paraan upang maiwasang mamahay sa ating mga tahanan ang mga ito. Kadalasang nananatili ang mga lamok sa mga madidilim na sulok. Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang mga lamok ay ang malinis na kapaligiran upang hindi magkaroon ng breeding sites ang mga ito. Narito ang mga ilang paalala mula sa Department of Health at World Health Organization upang makasiguro sa kaligtasan ng kalusugan ng iyong pamilya.


1. Pagiipon ng tubig sa bahay


Kung magiipon ng tubig sa bahay ay siguraduhing sapat lamang ito sa inyong mga pangangailangan. Huwag magipon ng madaming tubig dahil ang natirang tubig ay maaaring bahayan ng lamok lalo na kung ang mga lalagyan ay hindi natatakpan ng maigi. Araw-araw natin palitan ang tubig sa mga containers.


2. Linisin ang kapaligiran


May mga pagkakataon na hindi natin napapansin ang mga tubig na naiipin sa mga flower base, sa timba, sa mga lumang gulong at mga lumang bote. Ugaliin nating linisin ang ating paligid upang makaiwas sa sakit. Itaob ang mga timba at kung maaaro ay ibenta o itapon na ang mga lumang bote.Maaari ding butasan ang mga lumang gulong upang tumulo ang tubig at hindi maipon. Maglinis hindi lamang sa loob ng bahay kundi sa pati na rin sa labas, sa bakuran at sa mga gutters. Huwang hayaan magtagal ang basura sa bakuran.


3. Patayin ang mga lamok


Usong uso ngayon ang Mosquito Zapper. Ito ay hugis raketa na ginagamit sa pagpatay ng mga lamok. Maaari ding maglagay ng mosquito lamp or bulb upang mabawasan ang mga lamok. Nakagawian din natin na gumamit ng insecticide sa pagpatay ng mga lamok. Maging maingat lamang at siguraduhin na walang tao sa loob ng kwarto o ng bahay kapag nag spray ng insecticide. Ingatan din ang pagspray sa kusina at protektahan ang mga pagkain. Mayroong natuklasan na recipe sa pagpatay ng lamok gamit lamang ang mainit na tubig, brown sugar at yeast. Ang pakikipagugnayan sa mga barangay health officials ay makakatulong din. May mga proykto ang bawat barangay upang maiwasan ang dengue sa kanilang lugar tulad ng pagpapausok upang mamatay ang mga lamok.


Malaking tulong naman ang paggamit ng citronella oil. Isa ito sa mga epektibong paraan sa mundo. Maaaring magsindi ng mga citronella candles upang mabawasan ang mga lamok. Nakagawian nadin natin ang paghuli o pagpatay ng mga lamok gamit ang ating mga kamay. Sa tuwing dadapuan ng lamok ang ating katawan ay may instinct na tayo na patayin ang mga ito. Siguraduhin lamang natin na huwag kalimutan maghugas ng kamay upang maalis ang dugo ng lamok sa ating mga kamay na maaaring may dalang dengue virus. Ituro natin sa mga kasama sa bahay lalo na sa mga bata ang wastong paghuhugas ng mga kamay.




4. Huwag papasukin ang lamok


Lagyan ng screen ang mga pinto at bintana upang di makapasok ang mga lamok. Turuan nating magsara ng pinto sa pagpasok at paglabas ang mga bata pati na rin ang mga ibang tao sa bahay.


5. Protektahan ang mga sarili


Ipaaalam sa bawat miyembro ng pamilya na dapt protektahan ang sarili. Maaring maglagay ng insect repellant lotion sa mga kamay at paa. Sa mga panahong madaming lamok at nagkaroon ng insidente ng dengue sa inyong lugar, mas maigi na na magingat sa pamamagitan ng pagsuot ng pajama at long sleeves naman sa pang itaas. Maari din naman gumamit ng kulambo sa pagtulog upang hind I makagat ng lamok.

To control mosquitoes at home, we tend to use chemical insecticides which are harmful to our health and can sometimes cause an allergic reaction. However, there are also natural ways to get rid of mosquitoes. The following will tell us how to keep off mosquitoes without using chemical substances.

Eucalyptus and lemon oil is recommended by the Center for Disease Control (CDC) as a natural mosquito repellent. A mixture of an equal proportion of these oils is effective due to its active component cineole, which has both antiseptic and insect-repellent properties.

Camphor also works as a mosquito repellent. Made from the extract of a tree, this compound has been found to have the longest mosquito repellent activity when compared to other natural products. Light camphor in a room and close all the doors and windows. Leaving it this way for about fifteen to twenty minutes will result to a mosquito-free environment.

Citronella is also helpful in keeping mosquitoes away. A candle containing citronella essential oil will release an aroma that mosquitoes hate.

Lavender oil can also ward off mosquitoes. The scent of this flower is often quite strong for mosquitoes making them unable to bite. So to use this home remedy, use lavender oil as a natural room freshener or apply it on your skin (you can mix it with your cream).

Remove any reservoir of stagnant water. Mosquitoes lay eggs in standing water. Getting rid of standing water will cut down the number of mosquitoes in the immediate vicinity. Standing water can include bird baths, puddles and pet water bowls. Make sure gutters are draining well and empty any garden items that collect water.

Maintain a clean environment. Trim your vegetation because these can lead to damp areas and can possibly become breeding places of mosquitoes. Mosquitoes feast on plant nectar when they aren’t prowling for blood, so they spend a lot of time in tall grasses or around shrubs and bushes.


Lagi nating tandaan na ang paglaban sa dengue ay dapat lamang na magsisimula sa ating mga tahanan!





About the author

Elaine Isidro

Profession: Manunulat
Philippines , Manila , Manila

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.