Ano Kahulugan at Ibig Sabihin ng Nunal Sa Mukha at Katawan-Moles meaning on face

Belinda Salvacion
is a Nurse/ Entrepreneur in Hong Kong

Ang mga nunal sa ating katawan ay may kahulugan ayon sa paniniwala ng mga Filipino.

Depende kung saang parte ito ng ating katwan makikita ang mga kahulugan ng ating ga nunal. Maaaring maganda ang kahulugan at maaari din naman hindi.

Ayon sa paniniwala ng mga Chinese, hindi lahat ng nunal ay may masamang kahulugan, karamihan ay nagbibigay lamang ng babala o paalala upang maprotektahan natin ang ating mga sarili. Ang mga “good moles” daw ay kadalasang hindi masyado kapansinpansin at mas dark ang kulay ng mga ito kung ikukumpara sa ating balat. Nagbibigay ang mga ito ng good fortune ayon sa mga Chinese. Naririto ba ang ibang mga paniniwala at pamahiin tungkol sa mga nunal:

- Pinaniniwalaan ng mga Pilipino na ang taong may nunal sa paa ay mahilig sa adventure. Mahilig silang maglakwatsa at pumunta sa iba-ibang lugar.

- Ang mga nunal naman sa mukha ay pinaniniwalang nagdadala ng swerte.

- Magiging matagumpay daw sa business ang mga taong may nunal sa mukha at yayaman ang mga ito ayon sa mga Pilipino.

- Ang mga nunal ay maaaring dark black, black, light black, gray, brown, purple at red. Kapag ang nunal ay pure black o pure red, ito ay mga “good moles” ayon sa mga Chinese.

- Ang mga nunal naman na may halong kulay na pula, puti o dilaw ay may dalang malas sa mga pakikipagrelasyon.

- Sa China, ang mga nunal na makintab at makinis ay mga “good moles” din kung ituring. Ang nunal naman na may buhok ay pinaniniwalaang buhay at isa din itong “good mole”.

- Maaring putulin ng mga babaeng Chinese ang buhok sa nunal ngunit hindi dapat putulin ang buhok sa nunal ng mga lalaking Chinese.

- Sa mga Pilipino, ang nunal na malapit sa mata ay nagsasabing kaakit-akit ang taong ito sa mga ibang tao

- Ang mga taong may nunal naman sa kamay ay pinaniniwalaang may puso ng magnanakaw at maaari itong kumuha ng mga bagay mula sa mga ibang tao.

- Ang hula sa mga paniniwala ng mga Filipino ay kapag ang isang tao ay may nunal sa likod, isa itong tamad at mas nanaisin pa niyang humiga maghapon kaysa sa magtrabaho.



Bukod sa mga paniniwala tungkol sa mga nunal, mayroon din itong medical explanation. Ang nunal ay “mole” sa ingles at tinatawag itong nevi sa medical na aspeto. Ito ay mga pigmented cells na lumilitaw sa iba’t ibang kulay at maaring makita sa iba’t ibang parte ng ating katawan. Sanhi ito ng pagkukumpol kumpol ng skin cells na tinatawag na melanocytes. Ang melanocyte cells ang nagbibigay ng melanin sa ating katawan upang magkaroon ng kulay ang ating balat. Karamihan ng mga nunal o moles ay harmless ngunit may mga rare na pagkakataon na nagiging cancerous ang mga ito. Ang hugis ng mga nunal ay maaring bilog na bilog at mayroon din naman na bilog na pahaba. Hindi rin masasabi kung gaano lamang dapat kalaki ang nunal dahil maaring kasing liit lang ito ng tuldok at mayroon naman na sa laki ay maaaring takpan ang isang parte ng katawan. Ang mga nunal ay maaring makinis o kulubot, flat o may bukol. Minsan, may mga nunal na naguumpisang flat at brown at sa paglipas ng panahon ay nagkakaroon ng kaunting bukol at nagiging light ang kulay. May mga nunal na nawawala sa paglipas ng panahon. Kahit karamihan sa ating mga nunal ay lumilitaw sa panahon na tayo ay nasa ating kabataan pa o kapag nagbibinata o nagdadalaga, maaaring may lumitaw pa na mga nunal hanggang paglaki. Nagbabago din ang hugis at kulay ng mga ito depende sa iba’t ibang sanhi na makakadulot nito tulad ng hormonal changes dahil sa pagbubuntis. Kung nakakaranas ng mga sintomas sa ibaba ay nararapat lamang na pumunta sa iyong doktor upang masuri ang iyong nunal:

    • Kung ikaw ay may edad na 30 years old pataas at may bagong nunal na lumitaw
    • May pananakit na nararamdaman sa nunal
    • Nangangati ang nunal
    • May mahapding pakiramdam sa nunal
    • May pagdurugo sa nunal
    • Hindi pantay na hugis o kulay ng nunal, kung ang kalahati ay iba ang itsura

About the author

Belinda Salvacion

Profession: Nurse/ Entrepreneur
Hong Kong , Hong Kong , Hong Kong

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nag-iiwan po ba ng peklat ang pagpapatanggal ng nunal? Gabilin ba og peklat ang pagpakuha og alom?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, ang pagpapatanggal ng nunal ay nag-iiwan ng peklat.
Maraming mga bagay ang makaapekto sa laki ng peklat galing sa pagpapatanggal ng nunal. Kadalasan, depende sa laki ng nunal ang haba ng iyong peklat. Kapag nasa iyong mukha ang nunal, napakaingat nitong tatanggalin ng doktor para mabawasan ang pagpepeklat.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po dapat kong gawin kung mukhang nagbabago ang aking nunal? Unsa ang dapat nako buhaton kung paminaw nako nga naay kabag-uhan sa akong alom?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Importanteng puntahan ang iyong doktor sa lalong madaling panahon.
Bisitahin ang iyong doktor kapag napansin ang:
• Nunal na biglang lumaki
• Nunal na hindi pantay ang gilid
• Nunal na hindi pantay ang kulay
• Nunal na dumudugo, tumatagas o nagbabalat
• Nunal na masakit hawakan o makati
• Nunal na hindi simetriko ang kulay o hugis
Pwede mong gamitin ang ABCDE method para malaman kung nagbabago ang itsura ng iyong nunal.
A – “asymmetry” (kawalan ng simetriya)
B – “border” (gilid)
C – “color” (kulay)
D – “diameter”
E – “elevated” (nakaalsa) o “evolving” (halimbawa nito ang nunal na lumalaki o nag-iiba ang hugis o kulay)
Kung ikaw ay nababahala, bisitahin ang iyong doktor. Mabibigyan ka niya ng karagdagang impormasyon batay sa iyong sintomas at matapos masuri ng iyong nunal.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Mas mabuti po ba na ipatanggal ang nunal para maiwasan ang kanser sa balat? Mas makaayo ba kung ipakuha ang alom para malikayan ang kanser sa panit?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Karamihan ng nunal ay hindi nagdudulot ng anumang problema.
Kapag nabahala ang doktor sa iyong nunal, isasangguni ka niya sa isang espesiyalista na tatanggal nito. Kapag maliit lang ang pagbabago sa iyong nunal, maaari kang payuhan ng doktor na bantayan ang iyong nunal. Kapag nakapansin ka ng iba pang pagbabago, magpatingin ulit sa doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Posible po ba para sa isang malaking nunal na maging cancer? Posible ba mahimong kanser ang dako nga alom?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Maaari, pero malayong mangyari.
Karamihan ng mga nunal ay hindi nagiging kanser. Subalit, mahalaga pa ring bantayan ang iyong mga nunal lalo na kung meron kang kamag-anak na nagkaroon ng kanser sa balat. Pumunta sa doktor kapag napansin ang ilang pagbabago tulad ng:
• Nunal na biglang lumaki
• Nunal na hindi pantay ang gilid
• Nunal na hindi pantay ang kulay
• Nunal na dumudugo, tumatagas o nagbabalat
• Nunal na masakit hawakan o makati
• Nunal na hindi simetriko ang kulay o hugis
Chin Dumandan
is in the Philippines
Paano po yung nunal ay kumikirot tpos medyo msakit po kpag kumikirot
Lord Vapo
is in Singapore
May katotohanan yan. at napatunayan ko na ang may nunal sa tuluan ng luha sa pamamagitan ng internet at telebisyon. Kaibigan at mga kakilala.

1.Mga kakilala sa fb namatayan ng asawa.

2.Artista

3.SAF 44

4.Tado

5.Lorna Tolentino

6.Masculados /Ozu Ong

7. Etc. Kadalasan sa mga nadi disgrasya sa motorcycle na namatayan at umiiyak ang asawa.

Pero nasa sa atin parin at nagbibigay babala lang ang mga ito
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.