Ano Laygit o Tubal ligation? Sigurado ba di mabuntis kapag Itinali na?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang laygit o tubal ligation sa English, o mas kilala bilang pagtatali, ay isang operasyon kung saan ang fallopian tubes ng isang babae ay hinaharangan, itinatali o pinuputol. Ang mga tubal implants tulad ng Essure ay mga maliliit na metal na spring na nilalagay sa mga fallopian tube nang hindi sumasailalim sa operasyon (hindi kailangang hiwain ang katawan).

Sa paglipas ng panahon, may mga scar tissues na tutubo sa paligid ng implant at permanenteng babara sa mga tubo. Ang parahang ito ay posibleng pumipigil sa mga itlog na makapaglakbay mula sa obaryo patungo sa fallopian tube kung saan ito ay nafi-fertilize ng semilya.


Ang tubal ligation at mga tubal implants ay itinuturing na permanenteng paraan ng pagpapaplano ng pamilya para sa mga kababaihan. Ito ay kadalasang isinasagawa ng isang gynecologist. Pwede din itong gawin ng isang pampamilyang doktor o general surgeon.


Ang Paraan ng Tubal Ligation

May ilang mga paraan para masara ang mga fallopian tubes, kabilang na ang paggupit o pagtali sa kanila pasara o di naman kaya ay paggupit at pagtahi o pagsunog sa kanila pasara. Maaaring isa sa mga paraang ito ang gawin sa iyo ng iyong surgeon.


Gaano ka epektibo ang Tubal Ligation?

Ang tubal ligation at mga tubal implants ay hindi 100% epektibo sa pagpipigil ng pagbubuntis.

1. Tubal ligation

May kaunting posibilidad na mabuntis matapos sumailalim sa tubal ligation. Ito ay nararanasan ng halos 5 sa bawat 1,000 babae matapos ang isang taon. Matapos ang halos 5 taon pagkatapos magpa tubal ligation, halos 13 sa bawat 1,000 ang nabubuntis.

Maari kang mabuntis kung:

Ang mga tubo ay tumutubo ulit o may bagong daan na nabubuo (kilala bilang recanalization) na nagbibigay paraan upang mafertilize ng semilya ang itlog. Pwedeng talakayin ng iyong doktor kung aling paraan ng ligation ang mas magiging epektibo para mapigilang tumubo ulit ang mga tubo.

Hindi maayos na nagawa ang operasyon.

Ikaw ay buntis ng panahon ng operasyon.

2. Tubal implants

May mga pagsasaliksik na ipinapakitang sa halos dawalang taon, hindi aaabot sa 1 sa bawat 100 babae na may implants ang nabubuntis.

Ang tubal implant ay mahirap ipasok. May ilang mga babaeng kailangang ulitin ang procedure bago maipasok ang dalawang tubal implants nang maayos.

Tawagan agad ang iyong doktor kung ikaw ay nagpa tubal ligation o tubal implant at ikaw ay nagkakaroon ng: sintomas ng pagbubuntis tulad ng hindi pagdating ng regla, pananakit ng dibdib at pagsusuka. Pananakit ng isang bahagi ng iyong tiyan o pagkahilo.


Panganib at Komplikasyon

Tubal Ligation. Ang tubal ligation ay karaniwang ligtas. May mga seryosong kaso ng komplikasyon ngunit hindi ito sosobra sa 1 sa bawat 1,000 babae. Kakailanganin mong pumirma ng consent form na nagsasaad ng panganib at problemang maaaring ihatid ng operasyon sa’yo. Ang ilang mga problemang maidudulot nito ay ang mga sumusunod:

- Pagdudugo ng sugat mula sa operasyon o sa loob ng tiyan

- Impeksyon

- Impeksyon o pagkasira ng laman loob sa tiyang bahagi

- Side effects mula sa anesthesia

- Ectopic Pregnancy (pagkabuntis kung saan ang itlog ay nafe-fertilize sa labas ng uterus)

- Hindi tuluyang pagsara ng fallopian tube na nagreresulta sa pagkabuntis

Ang panganib na dala ng operasyon ay mas mataas kung ikaw ay may diabetes, overweight, naninigarilyo o may problema sa puso.

Tubal implants. Karamihan sa mga kababaihan na may tubal implants ay hindi nagkakaproblema. Ngunit may mga babae ding nakakaranas ng mga problema tulad nito:

- Pananakit ng balakang

- Rashes at pangangati kapag siya ay allergic sa nickel

- Paggalaw ng implant papasok ng fallopian tube papunta sa kanyang tiyan o balakang

- Punit sa uterine wall o sa fallopian tube

Bago ka magpa implant, kailangan mo munang magpa test para masigurado na ikaw ay walang impeksyon sa vagina o kaya naman ay sexually transmitted infection (STI).


Ang tubal ligation o pagpapalagay ng tubal placement ay isang permanenteng paraan ng pagpaplano ng pamilya. Ikonsidera lang ito kung ayaw mo na talagang mabuntis sa hinaharap.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.