ANO MABISANG GAMOT SA NALALAGAS NA BUHOK? Sanhi, Lunas, Pangontra

Medical Team
is a Medical expert in United States

Paano maagapan paglalagas O Pagkalagas ng Buhok?
Normal lang na malagasan tayo ng buhok at kahit ang may pinakamakapal na buhok ay hindi makakaiwas dyan. Pero kung saobra pa dyan, ibang usapan na yan.
Karaniwan ng nalalagasan tayo ng buhok araw-araw ng humigit kumulang 100 hibla.

Pero kung nasa lahi niyo talaga ng paglalagas ng buhok, malaki ang tsansang pag edad mo ng 40 hanggang 50, manlulugon ito at kung lalaki ka, pwede kang makalbo o mapanot. Kung babae ka naman, posibleng maging manipis ang mga buhok sa tuktok. Talaga namang nakaka-bawas ng kumpyansa ang bagay na yan. Peo maraming paraan para maiwasan yan hanggat maaga o kung nangyayari na sayo eh may mga paraan naman. Bakit nga ba nanlalagas ang buhok?

- Pwedeng nasa genes mo yan. Kung may lahi kayo ng pagkapanot o manipis na buhok, mararanasan mo nga yan at pati ng magiging mga anak mo.

- Kapag tinaasan ka ng lagnat, nagpa-opera ka, chemotherapy kung may kanser o baka naman labis kang naiistress.

- Kung lagi kang nagkukulay ng buhok o na hahantad masyado ang buhok mo sa dumi, matatapang na gamot galing sa conditioner, shampoo o hair treatment, o yung mahigpit na pagtatali ng buhok gaya ng tirintas.

- Maling lifestyle o kakulangan ng protina o iron na kailangan ng buhok. Pwede ring dahil sa balakubak, o dahil sa edad mo.

Kung ang dahilan eh stress o mga pag gagamot, babalik din ang sigla at daminng buhok mo kapag nawala na ang mga yan. May iba na sinusubukan ang mga hair transplant o ibat-ibang mga pag gagamot sa pagapalago ng buhok. Kung handa ka namang gumastos, pwede mo din na gawin yan. Pero paano mo ba pwedeng maiwasan ang paglugon ng buhok?

- Gumamit ng mga suklay na malalaki ang ngipin sa halip na yung maninipis. Iwasan din na sobrang suklayin ang buhok kapag basa ito. Lagi ding linisin ang suklay mo dahil papasukin ng dumi ang anit mo na magpapahina sa kapit ng ugat ng buhok mo.

-Wag masyadong kaskasin ng tuwalya ang buhok. Iwasan na magipit kapag basa pa ito o magbabad sa araw ng walang sumbrero o payong. Nakakatulong din ang hot oil. Iwasan ang araw araw na pag gamit ng treatment, shampoo o conditioner. Hugasan ang buhok gamit ang shampoo kada makalawang araw.

- Iwasan ang sobra sobrang pagkukulay ng buhok. Minsan depende din yan sa kemikal ng pangkulay. Subukan ang mga herbal hair coloring treatments. Wag araw araw na magblow dry o magplantsa ng buhok.

- Kumain ng mga pagkain na mayaman sa iron at protina gaya ng isda, gatas , almond at iba pa. Uminom ng sapat na dami ng tubig. Mahusay din ang gata ng niyog. Subukang pakuluan muna ito para maglabas yan ng sariling langis. Ilagay ito sa buhok at imasahe sa anit. Iwasan din muna ang labis labis na matatamis. May epekto yan sa paglalagas. Sinasabi din na epektibo ang pagkain ng sibuyas o paglalagay ng sibuyas sa anit.

-Uminom ng mga supplement na mayaman sa zinc.

- Gumawa o maghanap sa internet ng mga hair mask ng mga natural na sangkap na pwedeng nasa paligid mo lang. Halimbawa, subukan yung avocado at itlog. Mahusay din ang pagbababad ng aloe vera sa anit na may kasamang langis ng niyog.

- Iwasan ang stress. Baka napapansin mo na mas madalas na malagasan ng buhok yung mga taong madaming problema o sobra sobrang iniisip ang problema.


Kung gusto mo ng mas mabilisang paglago ng buhok, makabubuting kumunsulta sa doktor gaya ng dermatologist. Madami ding gamot o spray na anti-hair fall ang mabibili. Talaga namang nakakastress kapag unti-unting nanlalagas ang sabi nga nila eh “crowning glory” ng usang tao. Nakatulong sana sayo ang mga yan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.