Ano Myoma, Uterine fibroids, matris, bahay bata? Sintomas, medication, symptoms, gamot, sanhi, lunas

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ang “uterine fibroids o myoma” ay mga “noncancerous growths” o mga hindi kanser na tumutubo sa matris, bahay bata o puson na karaniwang lumalabas sa mga kapanahunan na pwede pang manganak ang mga babae. Ang mga myoma ay hindi naman nauugnay sa mataas na tsansang magka-uterine cancer at napakabihira lamang maging kanser. Hindi matukoy ang tunay na kadahilanan ng myoma. Maraming kababaihan na may myoma ang walang dinaranas na sintomas. Subalit ito ay maaaring magdulot ng mga sintomas depende sa laki, lokasyon sa matris, at kung gaano sila kalapit sa iba pang organs na sa “pelvic area”. Natutukoy ang uterine fibroids sa pamamagitan ng “pelvic exam at ultrasound”. Itinatayang 3 sa apat na kababaihan ang nagkakaroon ng myoma minsan sa kanilang buong buhay ngunit ang karamihan ay walang dinaramdam na sintomas.

Ano ang mga Sanhi? / Unsa ang gasugdan sa sakit? Causes

Hindi pa matukoy ng mga doktor kung ano ang sanhi ng myoma, subalit ayon sa mga pagsasaliksik at karanasan ay narito ang mga dahilan:


· “Genetic changes” o pag-iiba-iba sa namamana nating mga katangian mula sa ating ninuno. Marami sa mga myoma ay naglalaman ng “genes” na naiiba sa normal na “uterine muscle cells”. Mayroon ring mga ebidensya na ito ay nananalaytay sa dugo ng magkakapamilya at sinasabing ang mga kambal na “identical” ay mas mataas ang tsansang makakuha nito kumpara sa mga “non-identical twins”.


· “Hormones”. Ito ay mga kemikal sa katawan na may epekto sa mga parte nito. Ang “estrogen at progesterone”, ang dalawang hormone na konektado sa pagdedevelop ng “uterine lining” kada buwanang-daloy na preparasyon para sa pagdadalang-tao, ay nagpapakitang siyang tumutulong sa pagtubo ng myoma. Ang mga myoma ay naglalaman ng mas maraming estrogen at progesterone “receptors” kumpara sa normal na “muscle cells” ng puson. Ang myoma ay sinasabing lumiliit matapos mag-menopause dahil sa pagbaba ng antas ng paggawa ng “hormones”.


· Iba pang mga “growth factors”. Ang mga bagay na tumutulong sa pagpapanatili sa pagpapagana sa katawan, tulad ng “insulin-growth factor”, ay maaaring makaapekto sa pagtubo ng myoma.

The root cause of myoma remains unclear. However, some studies suggest that estrogen and progesterone play a major role. Fibroids tend to develop and grow when the body produces hormones at very high levels. Hence, during a woman's childbearing years. Once a woman enters menopause, hormone production is greatly reduced and fibroids typically stop growing and may even shrink. Since fibroids are sensitive to estrogen and progesterone, it would seem logical to assume that birth control pills might be a cause of fibroid growth. However, that is not the case. Rather than being a cause of fibroid growth, oral contraceptives have been shown to lower risk of fibroid development in women and slow tumor growth in women already affected by fibroids.


Ano mga Sintomas? Unsa ang mga sintomas?

Para sa mga kababaihang may sintomas, ang mga pinaka-karaniwang sintomas ng myoma ay malakas na buwanang-daloy, mas mahabang buwanang-daloy (mga 7 o higit pang araw ng pagdurugo), pananakit o pressure sa “pelvic area”, madalas na pag-ihi, hirap sa pagpapalabas ng lahat ng laman ng ihi sa pantog, hirap sa pagdumi, pananakit ng likod o mga paa. Madalang lamang na mangyari, ang myoma ay nagsasanhi ng kirot habang ito ay lumalaki at nakukulangan sa pinagkukunan ng dugo. Dahil kulang na ang nutrisyon na pumupunta dito, ang myoma at ay nagsisimulang mamatay. Ang ibat-ibang lokasyon ng myoma ay “submucosal, subserosal, at intramural”.

Myoma, also called uterine fibroid or leiomyoma, is a health condition affecting the female reproductive system. It is characterized by the presence of noncancerous growths of the uterus that often appear during childbearing years. These growths range in size from seedlings, undetectable by the human eye, to bulky masses that can distort and enlarge the uterus. They can be single or multiple, in extreme cases expanding the uterus so much that it reaches the rib cage. Aside from this, patients with myoma may also complain of heavy menstrual bleeding, prolonged menstrual periods — seven days or more of menstrual bleeding, pelvic pressure or pain, frequent urination, difficulty emptying your bladder, constipation and backache or leg pains.


Ano Paggamot at Lunas? / Unsa ang mga tambal para ani?

Walang tiyak at natatanging lunas sa myoma – maraming pagpipilian sna mga gamot. Kung ikaw ay may sintomas, makipag-usap sa iyong doktor para sa lunas sa mga sintomas. Ang mga medikasyon para sa myoma ay:


· “Gonadotropin-releasing hormone (Gn-RH) agonists”. Ang mga gamot na ito ay linulanasan ang myoma sa pamamagitan ng pagpigil sa paggawa ng katawan ng “estrogen at progesterone”, at nilalagay ka sa pansamantalang “postmenopausal” na estado. Dahil dito, titigil muna ang iyong buwanang-daloy, lumiliit ang myoma at nag-iimprove ang anemia.


· “Progestin-Releasing Intrauterine Device (IUD)”. Ito ay nakakapigil sa malalakas na buwanang-daloy dulot ng myoma. Nababawasan ng IUD ang sintomas ngunit hindi nito napapaliit o napapawala ang myoma.


· Ibang mga medikasyon. Ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda ng ibang medikasyon tulad ng “oral contraceptives o progestins” na tumutulong magkontrol sa napakalakas na pagdurugo ngunit hindi nila pinapaliit ang myoma. Maaari ring ibigay ang “Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDS)” na epektibo sa pagbawas ng sakit. Ang pag-inom ng bitamina at iron ay maaari ring irekomenda sa iyo kapag meron kang anemia at napakalakas na pagdurugo.


· Operasyon. May tinatawag tayong “abdominal myomectomy at hysterectomy” na pawang mga operasyon upang tanggalin ang mga myoma o ang puson na mismo.

Fibroids, especially if they do not produce disabling symptoms, usually do not require treatment. Hence, there are several factors to consider that may signal the need to undergo certain procedures and treatment to manage myoma. These include rapid growth, abnormal bleeding, fertility problems and when fibroids are growing large enough to cause pressure on other organs, such as the bladder. Treatment option varies depending on the size, location and number of fibroids. Drugs such as hormones may be used in combination to shrink the fibroids prior to surgery. Aside from this, hysteroscopy may also be done to remove fibroids via the cervix, laparoscopy or keyhole surgery to remove the growths through the abdomen and hysterectomy to remove the affected part of the uterus.


Paano maiwasan, Prevention o Unsaon paglikay aning mga sakita?

Dahil hindi tumitigil ang pagsasaliksik ukol sa sanhi ng myoma, may maliit pa lamang na sayantipikong ebidensya sa kung paano sila maiiwasan. Ang pag-iwas sa myoma ay maaaring mahirap, subalit maliit lamang na porsyento ng tumor na gawa nito ang nangangailangan ng lunas.


About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Larah Cinco
is in the Philippines
Masakit pag nag penetrate si mister di ko maenjoy ang lovemaking sa bungad plng parang may nkabara ano po kaya ito?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.