ANO PAMPATABA SA BATANG UHUGIN? PARAAN MAPATABA MAPALUSOG MAPAYAT BATA

Medical Team
is a Medical expert in United States

May pagasa pa ba mapataba o mapalusog ang mapapayat na bata?

Kung isa kang magulang at payat ang anak mo, baka nalilito ka at na sstress sa kaka-isip kung anong mga pagkain ang dapat mong ipakain sa kaniya. Sabi ng isang nanay na ininterview sa isang tv show, “Hindi porket payat ang anak mo, eh papakainin mo na siya ng junk food’’. Halos lahat ng mga programa sa tv tungkol sa kalusugan, naka-pokus sa mga batang over-weight o yung mga mataas ang timbang na hindi akma sa edad nila.

ANO PAMPATABA SA BATANG UHUGIN, PARAAN MAPATABA MAPALUSOG MAPAYAT BATA

Paano naman ang mga magulang na nahihirapan din sa mga sobrang payat nilang anak? Baka kahit anong gawin mo, o kung feeling mo puro masusustansya naman ang pinapakain mo sa kanila eh payat pa din sila. Kung minsan, dahil yan sa genes. Baka lahi niyo talaga ang payat. Pero hindi porket payat ang isang bata, eh malusog na siya. Pero ang sigurado, mas mahalaga na makatiyak ka kung malusog sila, anuman ang itsura ng katawan nila. Ano ba ang pwede mong magawa? Eto ang mga tips na pwede mong subukan:

-Pakain ang anak mo ng hindi bababa sa anim na beses. Kailangan mo itong gawin sa angkop na panahon. Palagi siyang tawagin para painumin o pakainin sa twing nag-lalaro siya. Syempre, bantayan mo din kung kinakain niya ba yon at lalo na kung nasa tamang oras ang pagkain niya. Ugaliin mo din ang kumain na kasama niya. Tiyakin mo din na na-eenjoy nila ang kinakain nila. Kapag nalibanan siya ng kahit isang pagkain, hindi mo maabot ang goal mo. Subukan yan sa loob ng 1 o 2 buwan at makikita mo agad ang resulta. I-monitor mo din ang dami ng kinakain niya. Kung dati eh dalawang tinapay lang, gawin itong dalawa. Mas malaking baso ng gatas kesa nakasanayan, mas malaking plato o mas madaming kanin lalo na sa umaga at tanghali. Piliin yung mga pagkaing mataas ang calorie gaya ng kanin, tinapay, biskwit, cereal at iba pa. Syempre mas mahalaga ang bitamina at nutrisyon na nakukuha dito kesa sa dami ng ipapakain mo. Kahit gano pa kadami ang kinakain niya pero wala naman sustansya, wala din. Ugaliin mo na basahin ang label ng pagkain. Kung hindi niya hilig ang prutas o gulay, gawin mong kapana-panabik ang luto o itsura nito para maging maganda at masarap sa tingin nila.

-Sa halip na puro tubig ang ipainom mo sakanila sa twing nauuhaw sila, paltan iyan ng fruit juice o low-fat na gatas. Mas makakatulong yan sakanila na ganahan sa pagkain at lalakas pa sila. Makakatulong din ang mga mani o prutas gaya ng avocado kung gusto mo na madagdagan ang timbang nila.

-Samahan sila kapag nageehersisyo. Baka isipin mo na bata pa sila para dito. Ang totoo, may mga ehersisyo na para din sa kanila. Mas pagod sila, mas malaki ang tyansa na magutom sila.

-Wag maglagay ng panggambala sa tuwing kakain sila. Iwasang pakainin sila sa harap ng mga laruan o Tv. Ilagay sa harap nila ang pagkain at gawin mo itong katakam-takam. Baka pwede kang maging mas malikhain sa paglalagay ng pagkain sa plato. May mga food dressing na masusustansya ang mabibili sa palengke o grocery. Alisin din ang mga patakaran sa bahay gaya ng “Ang huling maiiwan sa hapag ay mag huhugas ng plato”. Hayaan silang kumain kahit mabagal. Iparamdam sa kanila na gusto mo silang maging malusog.

- Baka hilig ng anak mo ang junk food o desserts. Wala namang masama sa paminsan-minsan. Mag-isip ka din ng pamalit na pagkain jan na masarap at masustansya din naman.

-Painumin sila ng mga vitamins na angkop sa edad nila.


Wag kang masisiraan ng loob. Sayo magmumula ang disiplina at malaki ang magagawa niyan sa anak mo. Ang goal mo? Tiyakin na nag eenjoy sila sa pagkain. Nakatulong sana ang mga tips na yan sayo.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.