Bakit sobrang init ng katawan ng bata baby o sanggol?
Kung matagal ka ng nanay, malamang na naranasan mo na din ang sobrang mag-alala. Nagising ka, disoras ng gabi at nakitang mong inaapoy ng lagnat ang anak mo. Baka maisip mo na tumawag agad ng doktor o isugod siya agad sa pinaka malapit na ospital. Pero ano ang pwede mong gawin kung napakalayo ng bahay niyo sa ospital o wala kang mahingan ng tulong?
Kapag tinaasan ng lagnat ang anak mo, maling-mali na ipagwalang-bahala na lang yan at mali din naman kung mag papanic ka. Pero ang totoo, kapag nilalagnat ang anak mo, senyales yan na gumagana ang immune system niya, o yung natural na sangkap ng katawan natin na lumalaban sa sakit. Basahin ang ilang mga paraan na dapat mong gawin:
-Para makatiyak ka kung gaano na kataas ang lagnat ng bata, gumamit ng thermometer. Karaniwan na yan sa pagkuha ng temperatura ng isa na may lagnat. Pwedeng sa tainga, sa kili-kili o iba pa. Wag na wag kang mag-papawala ng thermometer sa bahay. Palagi mong kakailanganin yan. Kung ang lagnat niya ay mas mataas pa 100.4F o 38C( celsius ), pumunta na agad sa doktor lalo na kung sanggol palang ang pasyente.
- Makakatulong a pagpapababa ng lagnat ang pagpupunas sa bata ng maligam-gam na tubig gamit ang panyo o tuwalya. Kapag napansin mo na may mga pantal ang bata, wag siya agad painumin ng kahit anong gamot hanggat hindi ito inererekomenda ng doktor. Iba-iba ang maaaring dahilan niyan, baka dengue, allergy o infection kaya iba-iba din ang gamot.
-Painumin siya ng tubig o laging suplayan ng mga pagkain o inumin na tutulong para hindi siya matuyuan ng tubig o made-hydrate.
-Wag pa-iinumin ng aspirin ang mga bata na edad 18 pababa dahil pwede silang magkaroon ng komplikasyon sa utak. Mas makabubuti lagi na mag tanong sa doktor. Pero maaari mo silang painumin ng mga over-the-counter na gamot gaya ng mga pampababa ng lagnat gaya ng ibuprofen. Hindi din tama na punasan sila gamit ang alcohol. Maari itong manuot sa mga ugat at mahihirapan ang bata na huminga na kadalasang nag reresulta sa pag-didiliryo o seizure pa nga. Alisin ang kahit anong damit na hindi makakapag pakomportable sa kanya kasi lalo lang siyang lalagnatin.
-Kapag nagdidiliryo o parang nahihibang na ang bata na may lagnat, malamang na seryoso na ang lagay niya pero huwag mag panic. I monitor agad ang temperatura niya at mas makakabuting pumunta na sa doktor. Baka dahil sa infection o sa gamot na pinainom sa kanya kaya siya nag diliryo. Maaaring mangyari sa kanya ang mga sumusunod:
- Nagsasalita o nakakarinig ng mga hindi totoo
- Hindi makatulog
- Nahihibang o parang wala sa sarili
- Kinukuha ang kung ano-anong bagay sa paligid niya
- Nagiging magagalitin
Kapag nangyari yan, ipakita sa kanya ang mga bagay na pamilyar sa kanya at pakalmahin siya. Wag makipag talo sa kanya at sikaping maging relax kapag kinakausap siya. Ang sekreto lang ay maging relax at humngi ng tulong sa doktor sa halip na gamutin siya sa ibang paraan na alam mo o sinasabi ng iba. Painumin siya ng gamot na sinabi ng doktor sa tamang oras lalo na ang mga antibiotics. Sa tamang alaga, gagaling din ang anak mo. Nakatulong sana ang artikulong ito sayo.