Gingivitis o dumudugo ang gilagid ng ngipin: Gamot, lunas, sanhi, remedies

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Gingivitis at ang Mudugo Nitong Kinahihinatnan

Ang iyong gilagid ba ay masakit at nagdurugo tuwing simpleng nagto-toothbrush lamang? Kung nangyayari sa iyo ito, maaaring ikaw ay may gingivitis – ito ang pinakasimpleng halimbawa ng gum disease. Maraming tao ang nagkakaroon ng gingivitis sa ibat-ibang punto ng kanilang buhay, at dahil hindi nakakapangamba ang mga sintomas ay binabalewala ito palagi. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat isawalang-bahala ang nananakit na gilagid. Ang pagpapanatiling malusog ng ating ngipin at gilagid ay nag-iiwas sa ating magkaroon ng periodontitis, isang mas malalang form ng gum disease na maaaring ang dulot ay pagkawala ng ngipin. Buti na lang at madaling nagagamot ang gingivitis sa pamamagitan ng wastong oral care kaya naman talagang maswerte pa rin tayo.


Sanhi

Kung nakakalimutan mong magbrush, magfloss, at gumamit ng mouth rinse, naiiwan mong nakadeposito ang plaque, isang malagkit na kumpol ng bacteria, at pagkain sa paligid ng iyong ngipin. Pagkalipas ng 72 oras, ang plaque na ito ay tumitigas na ang dentist lamang ang marunong magtanggal. Ang mga tartar o tawag sa tumigas na bagay na gawa sa plaque ay pumupwesto sa gum line kaya naman nagiging mahirap ang paglinis sa mga ngipin at gilagid. Pagkalipas ng panahon, ang mga tartar at plaque deposits ay nakaka-iritate at nagpapamaga sa gilagid at ang resulta ay gingivitis. Kung susumahin lahat ng nasabi sa itaas ay magdidirekta sa atin sa pinaka-karaniwang sanhi ng gingivitis ay ang poor oral hygiene. Isa pang paraan para makagawa ng plaque ay sa pamamagitan ng pag-react ng bacteria sa starches at sugars na nasa pagkain. Hindi nakakahawa ang gingivitis. Wastong oral hygiene lamang ang pinakamabisang prevention dito.


Sintomas

Ang malusog na gilagid ay firm at pale pink ang kulay. Kung ang iyong gums ay puffy, mapula-pula at madaling nagdurugo, maaaring ikaw ay may gingivitis. Dahil ang gingivitis ay bihira lamang makapagdulot ng sakit, maaari kang magkaroon ng gingivitis nang hindi mo namamalayan. Ang mga sintomas ng gingivitis ay namamagang gums, soft, puffy gums, gums na umaatras pababa, masakit hawakan ang mga gilagid, nagdurugo agad ang gums kapag nagbrush o nagfloss, nag-iiba ang kulay ng gilagid mula sa malusog na pink tungo sa mamula-mula, idagdag pa ang mabahong hininga.

Gingivitis is a common and mild type of gum disease which leads to irritation, redness and inflammation of the gums. Compared to healthy gums which are firm and pale pink in color, gums with gingivitis are puffy, dusky red and may bleed easily. Signs of bleeding may be recognized when you observe a red tinge on your toothbrush or floss as you perform dental hygiene. Aside from these, gums may become tender occasionally and may recede (exposure in the roots of the teeth caused by a loss of gum tissue and/or retraction of the gingival margin). Lastly, the patient may also experience bad breath.



Lunas

Ang mabilis na pagtukoy at pagpapakonsulta kaagad ay nag-peprevent sa sintomas ng gingivitis at naaagapan ang progression nito tungo sa mas seryosong gum disease at tooth loss. Ang epektibong lunas ay nangangailangan ng professional na taga-alaga ng ngipin at kailangan rin ng maiging paglilinis ng toothbrush at bunganga. Ilan sa mga professional gingivitis care ay ang mga ito: isang initial evaluation at maiging paglilinis ng ngipin para matanggal ang lahat ng traces ng plaque at tartar. Mayroon ring instruction sa effective na home brushing at flossing techniques. Naghahandog rin sila ng professional check-ups at cleaning. Maaari ring maglagay ang mga professional ng crowns at dental fillings sa mga sirang ngipin. Ang mga problema sa misaligned teeth ay maaaring maka-irritate sa sa gilagid at nagiging mas mahirap kunin ang plaque. Kung ang iyong gingivitis ay dala ng teeth o dental restoration, ang dentist ay maaaring mag-recommend na ayusin muna ang problema ukol dito. Ang gingivitis ay karaniwang nawawala matapos ang masinsinang professional cleaning at ang pagpapatuloy nito sa bahay. Ang dentist ay maaari ring magkaroon ng epektibong at-home program para sa iyo.

The root cause of gingivitis is when bacteria lurk in the gum line where the teeth emerge. The condition worsens due to the formation of plaques which is made of bacteria, mucus, and small particles of food. If plaque was not brushed off within two days, it accumulates and forms a rock-hard layer called tartar.

Risk of gingivitis is higher among patients with puberty, pregnancy, menopause, smoking, poor-fitting fillings and crowns (also known as caps), mouth breathing, genetics, allergic reaction (e.g., cinnamon gum), vitamin C deficiency (scurvy), niacin (vitamin B3) deficiency (pellagra), medications (e.g., use of the female contraceptive pill), and poorly aligned teeth or poorly fitted mouth appliances (such as retainers or crowns).


Home Remedies, natural cures at prevention o paano maiwasan

Ang mga kaalaman na dapat nating sundin upang ma-reverse ang gingivitis ay kumuha ng regular na professional dental cleanings, gumamit ng soft-bristled brush, pwede ring gumamit ng electric toothbrush na maaaring mas epektibong makakuha ng plaque at tartar. Magsipilyo ng ngipin at least 2x a day o mas maiging magsipilyo matapos ang bawat meal o snack. Magfloss at least isang beses sa isang araw, gumamit ng mouthwash na nakakapatay ng bacteria. Kapag ikaw ay masunurin sa iyong home hygiene, dapat mong mapansin na unti-unti nang bumabalik sa pagiging pink ang gilagid sa loob lamang ng ilang araw o linggo. Kung ayaw mo namang magpabalik-balik ang gum problems, dapat magpractice ng good oral hygiene habang-buhay.

Several home remedies are known to manage the symptoms of gingivitis. One of these is aloe vera to soothe inflamed gums. It reduces inflammation, destroys bacteria and promotes quicker healing. Gel from the aloe vera leaves can be applied to the gums and then gargle with water. This remedy should be repeated until the condition subsides. Other remedies that can inhibit the growth of bacteria are baking soda, cranberry juice and lemon juice. Aside from this, you can also try adding a pinch of salt to a tablespoon of mustard oil and use the mixture to massage the gums. Use small circular strokes and continue massaging for a minute or two. Gargle with water and then repeat the treatment twice or thrice daily.


 

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Bigla po ako nagkaroon ng masasakit na sugat sa gilagid at mabaho ang hininga. Matatawag po ba ito na sakit sa gilagid?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Posible na ikaw ay may kondisyon na tinatawag na “acute necrotizing ulcerative gingivitis (ANUG)”, na kilala rin sa tawag na “trench mouth”. Ito ay malubhang klase ng “gum disease” o sakit sa gilagid, subalit nalulunasan naman ito.
Kabilang sa sintomas ng ANUG ay ang biglaang lumalabas at nananakit na sugat sa gilagid at mabahong hininga. Kung ikaw ay may ANUG, ang sugat ay madaling nagdurugo at nag-iiba ang “V” na hugis ng gilagid. Ang “gum disease” ay patuloy na nagde-develop at ito ay hindi naman sumasakit, ngunit ito ay biglaan at malubhang klase ng impeksyon sa gilagid. Ito ay sanhi ng mapaminsalang bacteria sa bunganga. Ikaw ay mas madaling makakuha ng ANUG kung ikaw ay naninigarilyo, hindi nagsisipilyo at nagfo-floss nang regular, kapag ikaw ay “stressed”, o kaya nama’y mayroong mababang resistensya dahil sa iba pang karamdaman.
Ang ANUG ay napakasakit – lalo na kapag kumakain o kaya’y nagsisipilyo ng ngipin. Kung ito ay nangyari at napakasakit nang magsipilyo, makipagkita na agad sa iyong dentista sa lalong madaling panahon. Ang pangunahing lunas sa ANUG ay ang propesyonal na paglilinis upang matanggal ang naimbak at namuong “plaque at tartar” sa apektadong lugar ng ngipin at gilagid. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglilinis ng dentist sa iyong ngipin nang maiging-maigi gamit ang espesyal na mga instrumento. Ito ay tinatawag na “root planing”. Maaari mong kailanganin ang maraming “appointments” sa iyong dentist. Ang iyong dentist ay maaaring mag-inject ng lokal na anesthesia sa iyong gilagid bago magsagawa ng paglilinis. Isa pang karagdagan, ikaw ay maaaring payuhan na gumamit ng mouthwash. Importanteng ikaw ay matututong sumunod sa wastong paglilinis ng ngipin gamit ang malambot na sipilyo. Kakailanganin mo ring I-floss ang iyong ngipin tatlong beses sa isang linggo. Kung ikaw ay may sobrang malubha na ANUG, maaari kang bigyan ng “antibiotics” upang tulungang malunasan ang impeksyon.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Buntis po asawa ko at nagka gingivitis. Mawawala po ba ito matapos niyang manganak?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang gingivitis ay pangkaraniwan habang nagbubuntis, subalit maaari naman itong mawala. Kapag ikaw ay nagdadalang-tao, mataas ang tsansang ikaw ay magka-gingivitis – na siyang unang sintomas ng “gum disease”. Kapag meron ka nang gingivitis, ang pagbubuntis ay mas nakakalubha dito. Ito ay marahil konektado sa pag-iiba-iba ng “hormones” sa katawan.
Maliban sa mga “hormones” ng pagbubuntis, maaaring may iba pang sanhi ang gingivitis. Kapag ang pagsisipilyo, pag-fofloss at ang lasa ng toothpaste ay hindi maganda sa iyong pakiramdam, maaaring hindi mo pinapangalagaan ang iyong mga ngipin nang maigi. Kapag naghahanap at kumakain ng matatamis na merienda, ito ay nakakasanhi na mamuo ang “plaques”, at nagdudulot ng gingivitis. Marapat na sumangguni sa iyong dentista kapag ikaw ay nagkakaproblema sa iyong gilagid.
Mayroong mga “dental treatments” o lunas sa mga sakit sa ngipin, tulad ng “fillings”, ang hindi ni-rerekomenda kung ikaw ay nagbuntis. Subalit, malimit sa mga karaniwang “dental treatments” ay ligtas kapag nagdadalang-tao, datapuwat ang iyong dentist ay maaaring magrekomenda na kung mayroong mga “procedures” na gagawin sa ngipin ay ipagpaliban na muna habang hindi pa natatapos ang “first trimester”. Kapag hindi ka sigurado sa mga gagawin na “procedures” sa iyo, mangyaring makipag-usap sa iyong dentista ukol dito.
Pagkatapos mong isilang ang iyong sanggol, ang iyong gingivitis ay dapat unti-unting mawawala kapag ikaw ay maayos na nagsisipilyo at nag-fofloss. Maaaring ikaw ay mahirapan na maglaan ng panahon para sa iyong sarili sa mga unang linggo mula sa iyong panganganak, subalit subukang bumalik sa nakasanayang dalawang beses na paninipilyo sa isang araw at regular na pagpo-floss sa lalong madaling panahon. Kung kakayanin, makipag-appointment sa iyong dentista dahil maaaring kailangan mong palinisan ang iyong ngipin mula sa isang propesyonal, tulad ng “scales at polish”, na nagagawa ng iyong dentist o “hygienist” kung tawagin.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Marami po sa mga ngipin ko gawa sa porcelain veneers at crowns. Kelangan ko pa rin po ba silang i floss?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Oo, kailangan mo pa ring mag-floss upang malinis ang mga pagitan ng iyong ngipin at ang ilalim ng iyong mga gilagid upang maiwasan ang pagka-imbak at pamumuo ng “plaque” o iyong naninilaw na bagay na dumidikit sa ngipin at nakakasira dito.
Datapuwat ang nakikitang parte ng iyong ngipin ay gawa sa porselana o ginto, ang “plaques” ay maaari pa ring makapamuo sa palibot ng gilagid kapareho pa rin kahit na walang “crowns” ang iyong mga ngipin. Depende kung gaano kasikip ang iyong “crown”, ang “plaque” ay maaaring pumasok at maimbak sa palibot at ilalim ng mga gilagid.
Ang ginto at porselanang parte ng ibabaw na parte ng ngipin ay artipisyal at hindi nabubulok. Subalit, kailangan mo pa rin silang sipilyuhin at i-“floss” nang maigi – kapareho ng pag-aalaga mo sa natural na mga ngipin. Datapuwat hindi mo nakikita ang mga gilid ng iyong “crowns” (karaniwang ang mga gilid ay naka-ipit sa ilalim ng iyong gilagid), kapag ang “plaque” ay naiwang mamuo sa pagitan ng mga ngipin, pagdating ng panahon ay magdudulot ito ng pagkabulok sa ugat ng ngipin at sa ilalim ng “crowns”. Kung ikaw ay may bulok na ngipin, ang iyong “crowns” ay maaaring lumuwag at matanggal. Ang pagkasira ng ngipin ay nagdudulot rin ng sakit ng ngipin.
Lei Castro
is in Taiwan
doc. my braces po ako. namamaga po ang gilagid sa tapat mismo ng ngipin ko at umuuga po ang ngipin ko..everytime ngwash nmn po ako ng teeth..ano po bng pwede kong gawin pra mawala ang pamamaga?
Dr. Freddy Castro
is a Medical expert in the Philippines
Malamang ang pamamaga ng gilagid mo ay dulot ng gingivitis. Madalas ito kapag naka-braces dahil mahirap magsepilyo ng maayos kapag may brackets saka wire na nakakabit. Madalas ang plaque o ang malambot na puti o dilaw na material ay nakadikit sa ibabaw o ilalim ng bracket na malapit sa gums. Kapag hindi ito natatanggal, magkakaroon ng pamumula, pamamaga at pagdurugo o tinatawag na "gingivitis".
Ugaliin na magsepilyo sa paligid ng brackets lalo na yung malapit sa gilagid. Sungkitin isa isa para siguradong malinis. Gumamit ng "interdental brush" para naman doon sa ilalim ng wire. Makakabili ng interdental brush sa mga pharmacy o grocery. Ugaliin ding mag mouthwash.
Kung hindi gumaling ng isang linggo, magpunta sa dentista at magpa oral prophylaxis. Pagkatapos ugaliin nang masinop ang pagsepilyo.
Normal naman na medyo umuuga ang ngipin kapag naka braces. Kasi ginagalaw ang mga ngipin tungo sa tamang posisyon. Pero kung grabe ang pag-uga, mababawasan yan kapag napagaling ang gingivitis mo.
Mheng Villa
is in the Philippines
Doc , regular naman po akong nagtotoothbrush at wala nman na po akong bulok na ngipin pero mabilis bumaho ang hininga ko , ano pong pwede kong gawin?salamat po!
Mikmik Smith
is in the Philippines
Doc, ako po 2x a day po ako nagtotoothbrush bago matulog at pagtapos ko po maligo pero parati na lang po mabaho yung hininga ko. Nung bata po kase ako tamad ako magtoothbrush tapos ngayon dumudugo po yung gilagid ko kung minsan. May gingivatis na ako. Paano ko po maiiwas at ano po yung pwede at mabisang moutwash na pwede ko gamitin para maiwas. Hindi ko na po alam ano gagawin ko at nakakahiya na po sa mga nakapaligid sa akin at sa mga kaibigan ko po. Help me please. Thank you
Atsuck Lee
is a none in the Philippines
Doc. Gusto ku sana mg tanung kc about gums . Kc po sakin parang napapansin ko pg hndi ako nag ttootbrush pate yun gums ko nag kkaron ng tartar tas pag nag toothbrush ako makkita kupo yun parang pinag lagyan ng tartar sa gums ko pero hndi nmn po sia red or nag dudugo basta npapansin kulang parang pg katapus ko mg toothbrush pag didilaan ko yun gums ko parang magaspang pero hndi nmn po mabaho hininga ko . Normal lang puba yun o my gums disease npo ako .
Kim Tahimic
is in Japan
hi doc ask ko lang poh kung gingivitis po ba ung kumakapal yung gums tapos magaspang ung ngala ngala? thanks po doc.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
ask ko lng po . sobrang sakit po ng ngipin ko ilang araw na . my pustiso po ako sa unahan sa taas po tatlo . at yung katabe po na ngipin non ay sira . nasakit po sya . nakirot . at parang feeling kopo ay namamaga ang aking nguso at ilong.parang pati po panga ko ay nasakit. pag ginagalaw kopo yung bibig ko ay sumasakit din dahil po apektado sa ngipin. pero po pag nainum ako ng dolfenal ay nawawala din po . ano po kaya ang mas mabisang gamot ? salamat po sa pag sagot
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.