Lugain: Paano paglinis o magtanggal ng tutuli o luga sa tenga o tainga?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mga paraan sa tamang paglilinis ng tainga at pag-aalis ng tutuli!

Problema naman ng halos lahat ng tao sa mundao ang tutuli o earwax. Nag-lalabas talaga ng tutuli ang tainga natin para protektahan ito sa mga dumi o insekto na pwedeng makagambala sa pandinig mo. Pero minsan, sobra-sobra ang inilalabas nito. Kapag mas madami ang earwax, mas magiging aktibo ang mga bacteria.

Lugain Paano paglinis o magtanggal ng tutuli o luga sa tenga tainga

Dalawa lang ang pwedeng mangyari kung magkakaganyan ka: Mabibingi ka dahil sa babarahan nito ang tainga mo, o lilinisin mo ang tainga mo ka-agad. Iba-iba ang sinasabi ng mga tao kung pano tamang linisin ang tainga. Pero heto ang tamang solusyon. Wag mong hayaang mawala ang pandinig mo dahil lang sa kapabayaan. Tignan ang sumusunod:


- Gumamit ng cotton swabs. Pinaka karaniwan na nga yan sa lahat ng paraan na maiisip mo! Kahit saan ka pumunta, botika, supermarket, o kahit sa simpleng sarisari store eh may mabibili kang cotton swabs. Pero mag-doble ingat kapag ginagawa mo yan. Baka kapag napadiin ka, may madali ka na mas magpapalaki sa problema mo gaya ng eardrum mo. Pero sa totoo lang, habang mas palalim ng palalim ang pagpasok ng cotton swabs sa tainga mo, mas palalim din ng palalim ang tutuli. Konti lang talaga ang makukuhang tutuli sa earcanal mo.


- Hydrogen Proxide. Pinapalambot niyan ang tutuli at kusa nalang yang lalabas sa tainga mo. Pero tandaan na hindi ka pwedeng humigit sa isang beses sa dalawang araw sa pag-gamit niyan. Delikado din ang hydrogen peroxide kapag napasobrahan. Magtanong sa mga botika kung paano ito mas magagamit ng maayos at wag basta bumili sa kung saan saan lang.


- Asin at maligamgam na tubig. Halos pareho lang din ang paraan sa hydrogen peroxide.


- Baby Oil. Lagyan ng baby oil ang eardropper o kahit ang cotton swabs nalang. Patagalin ang baby oil sa taingamo sa loob ng ilang minuto at linisin sapamamagitan ng bulak.


- Suka at rubbing alcohol. Matagal na ang proseso na yan at subok na. Paghaluin ang dalawa. Makakatulong ang suka para patayin ang mga mikrobyo at lumambot ang tutuli. Ang alcohol naman ang magtutuyo sa loob ng ear canal mo. Makakatulong yan sa mga pinasok ng tubig ang tainga habang nags-swimming. Paghaluin at ilagay ang konting likido sa tainga. Mag-intay ng ilang minuto. Ibaliktad sa kabilang posisyon ang tainga para lumabas ang likido at tutuli.


- Kung sa palagay mo eh hindi na uubra ang mga nabanggit na solusyon dahil may nararamdaman ka ng hapdi o kirot sa loob ng tainga mo, mas makakabuti kung pupunta ka na sa doktor o yung mga ENT Specialist. Maaring sila na mismo ang gumawa ng paglilinis para sa iyo gaya ng ear irrigation o ear syringing.



Gaano kadalas ka naman dapat na mag-linis ng tainga mo? Depende ang dalas ng pag-lilinis sa dami ng tutuli na nasa tainga mo. Kung hindi naman sobra-sobra, ang tainga mo na mismo ang maglilinis ng sarili nito. Kadalasan na, ang doktor ang mas makakapagsabi sayo kung gaano kadalas mo yan dapat gawin. Pero lagi pa ding tandaan na magtanong sa mga propesyonal sa tuwing hindi ka sigurado sa dapat gawin. Sana’y nakatulong sayo ang artikulo na yan.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.