Magaspang ang balat: Paano ba maiiwasan ang panunuyo ng balat? Hiyang

Medical Team
is a Medical expert in United States

Nanunuyo, makati at magaspang na balat- iyan ang karaniwang problema kapag malapit na ang tag-lamig o sobrang init ng panahon.

Magaspang ang balat Paano ba maiiwasan ang panunuyo ng balat Hiyang

Baka nahihiya kang magsuot ng walang manggas o mag short at mini skirt dahil nanunuyo ang balat mo. Dahilan niyan ang genes mo, hindi tamang diet, sobrang pagkalantad sa araw o kung umi-edad ka na. Ano ba ang mga pwede mong gawin? Wag ka ng mag-alala. Kung wala kang pera o handa ka namang gumastos, heto ang ilang solusyon dyan at mga dapat iwasan:

- Iwasan ang paliligo ng mainit na tubig. Okay ang maligamgam. Gumamit ng mga sabon na hindi masyadong matapang ang amoy. Nakaktuyo kasi yan ng balat pati nadin yung mga anti-bacterial, kaya gumamit ng sabong moizturizer pero fragrance-free. Kaya ugaliin mo na magbasa ng label. Kung di mo papalitan ang sabon mo, mas lalo lang manunuyo ang balat mo.

- Gumamit ng ointment o cream sa halip na lotion. Kung gagamit ka naman ng lotion o cream hanapin kung mayron itong shea butter, olive oil, petrolatum, lactic acid o glycerin.

- Kapag maghuhugas ng kamay, palaging maglagay ng non-greasy cream o yung hindi malalagkit na pamahid para maiwasan ang panunuyo. Mag lagay ng guwantes kapag hahawak ng makemikal o magrasang mga bagay.

- Kapag lalabas sa initan ng araw, magsuot ng mga pang-ginaw o mahabang manggas na cotton at hindi yung magagaspang na tela. Laging mag-dala ng payong lalo na kapag bandang alas 9 hanggang 12 sa tanghali o ala una hanggang alas 4 sa hapon. Maglagay ng spf30 na lotion. Kapag gagamit ng sabong panlaba, piliin ang may label na “hypo-allergenic”.

Kung napapansin mo na nagbabakbak na ang balat mo o sobra-sobra ang panunuyo, baka kailangan mo ng magpatingin sa isang dermatologist. Pwedeng ibang mas seryosong kondisyon yan at pagmulan ng psoriasis.

Heto ang ilang natural na pang remedyo sa nanunuyong balat:

- Gatas o mga milk cream. May lactic acid ang gatas na tamang tama naman sa pagpapanumbalik ng sigla at kinis ng balat. Ipinapaligo ito ng iba at ibinababad sa katawan ng 10 hanggang 15 minuto. Mas maganda yan sa maligamgam na tubig. Lagyang ng lemon o kalamansi juice ang 1 kutsaritang gatas at 2 kutsaritang milk cream. Ilagay sa mukha at balat.

- Pulot o Honey. Mayaman yan sa antioxidant na kailangan ng balat at sinasabing malaking tulong yan para sa pagpapakinis at lambot ng balat. Araw araw na magbabad ng honey sa katawan sa lob ng 10 minuto bago maligo gamit ang hypo-allergenic na sabon.

- Langis ng niyog o coconut oil. Bago matulog at bago maligo I-apply ang langis sa katawan. Kapag nilalagay ito sa gabi, hayaan lang ito na nakababad at saka banlawan kinabukasan.

- Kumain ng avocado. Mayaman yan sa anti-oxidants at ang langis nito ay mahusay na pampasigla ng balat. Gumawa ng fruit shake na gawa sa avocado. Pwede mo ding gawing pamahid sa balat ang laman nito sa loob ng 15minuto. Kung gusto mo ng mas mabilis na resulta, samahan yan ng honey at gawin araw araw.

- Aloe vera. Buksan ang aloe vera at ipahid ang gel nito sa iyong balat. Bukod sa palalambutin nito at aalisin ang panunuyo sa balat mo, may kakayahan din ang aloe vera na linisin ang mga dumi sa balat.

Subukan ang mga tips na yan at huwag nang mahiyang ipakita ang balat mo. Makatulong sana sayo ang artikulo na ito.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.