Bakit hindi pa ako dinadatnan? Menstrual blood problems: Average cycle, colors, clots, thickness
Ipapaliwanag nitong artikulo ang buwanang dalaw o menstrual cycle and periods (menstruation). Tatalakayin din ang iilan sa mga karaniwang problema sa regla ng babae, tulad ng malakas na pagregla, pananakit ng puson o pagregla, irregular periods at dinudugo ng kaunti.
Marahil alam mo na noong high school ka pa na ang menstruation or regla ay ang buwanang pagpapadanak ng lining ng uterus. Kahit na ang menstruation ay may dulot na konting kirot o pagkahilo sa’yo, ito ay ang paraan ng iyong katawan na nagsasabi sa’yo na ang iyong reproductive system ay gumagana ng maayos.
Ngunit tulad nga pagkakaiba ng personalidad ng bawat tao, paiba-iba rin ang menstruation. Ang ibang regla ay matagal habang ang iba naman ay maikli lamang. Ang ibang regla ay malakas habang ang iba naman ay mahina.
Ngunit sadya bang may tinatawag na “normal period”?
Ang sagot dito ay wala. Ang karaniwang babae ay mayroong menstrual cycle na ang haba ay 28 days, at ang karaniwang regla ay tumatagal ng 3-5 na araw bawat buwan. Ngunit ang kahabaan ng regla ay paiba-iba din sa bawat babae. Kaya, huwag kang mag-alala kung normal ba talaga ang regla mo o hindi. Sa halip, pagtuunan mo ng pansin kung nag-iba ba ang cycle ng regla mo o hindi.
Ano ba ang ilan sa mga karaniwang problema sa regla? Ang isang problema ng mga babe ay ang paghinto o pagbagal ng regla. Kung ikaw ay nakakaranas nito, ang dapat itanong mo sarili ay, “Ilang taon na ba ako?”
Ang paghinto ng menstruation ay nababatay sa edad ng babae. Kung ikaw ay 25 years old pa lamang, hindi ito normal, habang kung ikaw ay 50 anyos na, malamang normal na ito sa’yo dahil menopausal age ka na.
Kung ikaw ay nasa edad 20s or 30s at aktibo sa sex, baka buntis ka. Kahit na ang isang babae ay nagsasabi na protektado siya ng contraceptives o condom, hindi pa rin ito basehan na hindi siya mabubuntis.
Kapag huminto ang menstruation sa isang babae na nasa edad na 45 pataas, malamang ito ay dahil sa menopause. Sa menopause, humihinto ng paggawa ng estrogen ang iyong mga ovaries, na nagdudulot ng paghinto o pagbagal ng iyong regla. Kung isang taon ka nang hindi dinadatnan at nasa edad 45 ka na pataas, ikaw ay nagmemenopause na.
Ang labis na pag-ehersisyo ay makakadulot din ng pagbagal o paghinto ng regla. Ang tawag ng mga duktor dito ay exercise-induced amenorrhea, at ito ay karaniwang makikita sa mga runners at ballet dancers. Kung ikaw ay nagdidiyeta ng labis, pwede ring huminto ang iyong regla. Ang iba pang mga posibleng dahilan ng paghinto ng regla ay ang mga sakit sa thyroid or pituitary glands, sakit sa hypothalamus, pagpapasuso sa anak, labis na katabaan, pag inom ng oral contraceptive pills, stress, polycystic ovarian syndrome, ovarian failure at sakit sa uterus o bahay-bata ng babae.
Kalimitan nagtatagal ang regla ng 2-7 araw. Ang average length of time naman ng regla ay 3-5 araw. Ang pagiiba ng kulay at lapot ng dugo ng regla ay nangyayari sa karamihan na kababaihan. Ngunit mayroon din mga problema na nagdudulot ng hindi normal na namuong dugo. Tandaan na importante makipagusap sa doctor tungkol sa anumang karamdaman o problema sa kalusugan. Iilan sa mga maaaring magdulot ng pagbabago o problema ay: Kapag nakunan, Fibroids, Thyroid abnormalities, at Hormonal changes.
Sa susunod, ating tatalakayin ang mas malakas na pagdugo ng isang babae habang nireregla.
(Last reviewed: 28 December 2018)
References:
National Institute of Child Health and Human Development. (2017, January 31). What causes menstrual irregularities? Retrieved from https://www.nichd.nih.gov/health/topics/menstruation/conditioninfo/causes
Office of Women’s Health. (2018, March 16). Period problems: Irregular periods. Retrieved from https://www.womenshealth.gov/menstrual-cycle/period-problems
Cleveland Clinic. (2015, January 16). Abnormal menstruation (Periods). Retrieved from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14633-abnormal-menstruation-periods