Orgasmic Dysfunction o Nakakabitin: Paano hindi mabitin? Bakit nabibitin pag nakikipagtalik?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Orgasmic Dysfunction: Bakit nabibitin ang babae sa pakikipagtalik?
Masasabing masarap ang sex kapag parehong nakapagpalabas ang babae at lalaki. Ngunit ayon sa pag-aaral hindi lahat ng babae ay nilalabasan habang nakikipagtalik. Ang Orgamic Dysfunction ay isang tawag kung saan ang babae ay hindi nakakapagpalabas o hirap magpalabas habang nagse-sex sa kapareha.

Bakit matagal labasan? Hindi naabot ng babae ang pinakasukdulan. Kumbaga sa istorya, bitin ang pinaka-climax nito. Hindi madali sa babae ang pagpapalabas, hindi gaya ng lalaki na mabilis lang sila malabasan. Dalawampu't minuto madalas ang kailangan ng babae upang mapukaw ang kanilang pagnanasa at mapabilis ang pag-orgasm. Masasabing napakatagal ng 20 minuto ngunit para sa mga lalaking bihasa ay hindi ito alintana.

Maaring magkaroon ng problema ang pagsasama ng magkapareha kung ang babae ay may problema sa pagpapalabas. Dito magsisimula ang walang gana ng babae sa sex, hanggang sa magiging malamig na ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa at mauwi sa hiwalayan. Kung hindi nakakapagpalabas o hirap ang babae hindi ito nangangahulugang siya ay isang abnormal. May mga dahilan at dapat baguhin ang babae upang siya ay makaramdam ng ligaya oras na makikipagtalik.

Hindi pwedeng iasa na lang sa lalaki para malabasan, kailangang kumilos din ang babae. Gumawa ng paraan.

Ano mga Dapat Gawin upang hindi mabitin sa Sex?
Ayon sa pagaaral nasa sampu hanggang labinglima porsyento ang mga babaeng hindi nilalabasan at halos kalahati ang hindi nasisiyahan pagdating ng pakikipag-sex.

Tanggalin ang hiya- Minsan may mga lalaking atat na atat ng makipagtalik, habang ikaw naman ay hindi pa handa. May mga babaeng hindi agad nakakaramdam ng init ng katawan at ayon sa pagaaral nasa dalawamput minuto bago sila makaramdam ng libog. Huwag mahiyang ipaalam sa kapareha ang mga nais na gusto. Laging tandaan hindi ka makakarating sa langit kapag puro hiya ang pinapairal.

Magkaroon ng Pokus- Kapag nakikipagtalik sa asawa o kapareha kailangan ng matinding pokus. Halimbawa napansin mo na may nunal pala siya sa dibdib, dahil dito nawala ang isip mo sa pakikipag-sex. Mawalan ka ng pagnanais na malabasan. Sa kagustuhang malabasan, kailangang namnamin ang sarap ng pakikipag-sex dahil parte ang utak sa pakikipagtalik.

Pagpapahinga- Matulog ng mahaba at kumain ng mga masustansiya. Nakakatulong din ang pagiwas o pagbawas sa paginom at paninigarilyo.

Iwasang Umihi- Minsan sa pagtatalik, hindi maiwasang makaramdam ng pag-ihi. Ang kadalahilanan ng pagkaramdam ng pagiihi ay kapag ang kapareha nasasagi ang G-Spot o isang parte sa loob ng vagina mo na konektado sa bladder o pantog. Minsan ito din ang mga dahilan kung bakit hindi ka nilalabasan.

Pagehersisyo- Epektibo ang pagpraktis ng Kegel exercises o ang pagpraktis ng pagpigil ng ihi. Mainam din ito sa mga buntis upang hindi sila mahirapan sa pagluwal ng sanggol.

Iwasang Papalit palit- Ang sex ay para ka lang nag-eehersisyo, pinagpapawisan at napapagod ka din. Ang pagpapalit palit ng posisyon sa pakikipagtalik ay isa din sa mga sanhi kung bakit hindi nakakapagpalabas ang babae. Kadalasan ang babae nakakaramdam na ng sarap ngunit bigla na lang magbabago ng posisyon ang kapareha. Dahil dito nauudlot ang babae sa pagpapalabas na maging resulta ng pagkabitin.

Pagbibigay Buhay- Isa sa mga paraan upang mapukaw ang pagnanasa ng babae ay ang pagmamasahe sa kanyang mani o tinggil. Isa ito sa makakatulong upang maabot ng babae ang pinakasukdulan habang nakikipagtalik. Kapag nahirapang gawin, humingi ng tulong sa lalaki o di kaya sikaping magpaligaya ng sarili.

Magaral- Alamin at magsaliksik tungkol sa mga ibat ibang uri ng aktibidad pagdating sa usaping sekswal.Hindi lang parating pakikipagtalik.

Birth Control- Gumamit ng contraceptive pills na pareho niyong napagdesisyunang magasawa, lalo na kung kayo ay hindi pa handa sa pagkaroon ng anak.

Pananakit- Kung may mga problema kayo pagdating sa pages-sex, pagusapan agad. Halimbawa, kapag ang babae ay nakaramdam ng sakit sa ari kapag nakikipagtalik. Pumunta agad sa doctor at isangguni ang problema para masolusyonan kaagad.

Ano mga Sanhi o Dahilan kung bakit bitin sa sex?

- Kapag may masamang nakaraan ang babae gaya ng paggahasa o pagabuso.

- Pagkainip habang nagse-sex at malamig na ang samahan ng magpartner.

- Matinding pagod o maraming problemang iniisip.

- Kawalan ng kaalaman pagdating sa pakikipagtalik, pagkainosente o ignorante.

- Kung negatibo ang iniisip sa pakikipagtalik. Madalas natutunan ito noong kabataan pa lang o nagdadalaga pa lang.

- Pagkamahiyain sa kapareha, dahil dito hindi nasasabi sa partner kung anong gusto ipahimas o ipahalik.

- Problema sa Pangkalusugan

- Mga gamot na nereresita ng doctor. Mga gamot sa depresyon ang madalas na nereresita ng doctor at nakakasanhi ito ng hindi pagoorgasm ng babae. Ang mga gamot na ito ay fluoxetine (Prozac), paroxetine (Paxil), at setraline (Zoloft).

- Hormonal disorder gaya ng pagminopos.

- Chronic illnesses o sakit na pangmatagalan na nakakaapekto sa kalusugan at sa sexlife.

- Pananakit sa Pelvis gaya ng sakit na Endometriosis. Ang endometriosis ay isang kondisyon kung saan hindi tama ang posisyon ng ilang mahahalagang bahagi ng uterus o bahay-bata sa loob ng katawan ng isang babae.

- Pagkasira ng ugat na nakakonekta sa ating buto sa bewyang. Ang sakit na dulot nito ay multiple sclerosis o tumutukoy sa isang grupo ng mga sakit kung saan ang sistema ng imyunidad ay nagkakaroon ng depekto na sumisira sa ibat ibang parte ng katawan. Pagkasira ng nerves sa utak dala ng diyabetes, at pagkabali ng spinal cord o buto sa likuran.

- Paninigas ng kalamnan sa paligid ng vagina.

- Pagkatuyo ng ari.

References:

Rellini, AH., Clifton, J. (2011, October 10). Female orgasmic disorder. Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/22005203

MedlinePlus. (2018, April 19). Orgasmic dysfunction in women. Retrieved from https://medlineplus.gov/ency/article/001953.htm

Cleveland Clinic. (2015, January 24). Sexual dysfunction. Retrieved from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9121-sexual-dysfunction

 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
baket po pag ng tatalik kami ng asawa sumasakit po yung part ng ari ko and yung labi po ari ko ay nadedeform?

thank you po godbless
Mister Blue
is a N/A in the Philippines
Pa check-up ka.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.