Dr. Jen Cruz is a Medical expert currently in United States

Paano magpatahan ng sanggol? Bakit ayaw tumigil umiyak ng baby? Aligaga Nagngingipin Gusto magpakarga

Ang pag-iyak ng sanggol ay isa sa mga karaniwang sitwasyon kapag may bagong panganak. Ito ay normal na proseso, pero ang ibang magulang ay hindi alam kung paano mapatahan ang sanggol. Para sa kanila ito ang pinaka-ayaw nila sa pag-aalaga. Ang pag-iyak ng sanggol ay isa sa mga abala na dati ay hindi nila nararanasan, dahilan ng pagod at pinaka nababahalang trabaho ng pagiging isang magulang. Ito ay dahilan din ng pagkaasar dahil hindi mo alam kung ano ang gusto ng bata at kung pano sya mapapatahan.

Ito ay hindi matatakasan: pag-iyak ng sanggol. Ito ang paraan nila upang ipahiwatig kung sila ay nagugutom, nasasaktan, natatakot, inaantok, at marami pang iba. Paano nga ba malalaman kung ano ang gustong ipahiwatig ng sanggol? Mahirap hulaan kung ano ang gustong ipahiwatig ng sanggol na umiiyak lalo na sa una.



Nagugutom

Ito siguro ang unang dahilan na maiisip kung bakit umiiyak ang sanggol. Ang pag-alam ng senyales ng pagkagutom ay makakatulong sa pagpapadede sa sanggol bago pa ito tuluyang umiyak. Kasama sa mga senyales na ito ay pagkayamot, pagpapatunog ng bibig, rooting (ang reflex ng bagong silang na kung saan nagrereak sila o titingin sa direksyon ng kamay tuwing hinahawakan ang kanilang pisngi), at pagsubo ng kamay nila.


Pagsakit ng tiyan dulot ng kabag

Ang pagsakit ng tyan na sanhi ng kabag ay isa sa dahilan ng matinding pag-iyak ng sanggol. Ito ay karaniwang naiilarawan ng pag-iyak tatlong oras sa isang araw o mahigit, tatlong araw sa isang linggo o mahigit, tatlong linggong magkakasunod.

Kung ang sanggol ay nayayamot at umiiyak pagkatapos nitong mapadede, maaaring makaramdam sya ng pagsakit ng tyan. Marami sa mga magulang ay bumibili ng over-the-counter na gamot o gripe water (gawa sa halamang gamot at sodium bicarbonate), kahit na wala pang kasiguradohan na ito'y eepekto. Hingin ang opinyon ng doktor bago gamitin.

Kahit ang sanggol ay hindi nayayamot pagkatapos nitong magdede, ang paminsan minsan na pagbuo ng kabag ay magiging sanhi ng pag-iyak nito. Kapag napansin na may kabag na ang sanggol, ipahiga ito, kunin ang paa, at igalaw ang paa na parang ito ay nagbibisikleta.



Kailangang padighayin

Ang pagdighay ay hindi kailangan pero pag ang sanggol ay umiyak pagkatapos nitong magdede, ang pagdighay ang kailangan nito. Ang mga sanggol ay nakakakuha ng hangin pag sila ay nagdedede at ito ang maaaring dahilan ng pag-iyak nito kung hindi ito maididighay. Ang ibang sanggol ay kailangang magdighay habang ang iba naman ay hindi nangangailangan nito.



Maruming lampin o diaper

Ang ibang bata ay nagpapahiwatig kung sila ay nangangailangan ng palitan. Ang iba naman ay kaya nilang tiisin ng sandali. Alin man dito, ito ay madali lamang i-tsek at madaling solusyonan.



Inaantok

Ang mga pagod na sanggol ay nakakatulog agad kahit na anong oras at lugar. Sa halip na sila ay matutulog na lang na sila lang, maaari din silang mayamot at umiyak - lalo na kung sila ay pagod na pagod.



Gustong magpakarga

Ang mga sanggol ay nangangailangan ng yakap o pagkarga. Gusto nilang makita ang mukha, madinig ng boses, mapakinggan ang tibok ng puso, at maamoy ang kanilang mga magulang. Ang pag-iyak ang nagsisilbi sa kanilang paraan para magpakarga.

Marami sa magulang ang nagtataka kung masasanay ba ang bata sa pagkarga, ang sagot ay hindi lalo na sa mga unang buwan ng sanggol. Para makatulong at hindi mangawit, subuking gumamit ng carrier o sling.

Ano Kapalaran ko sa 2018?

 

Swerte ba o Malas sa Negosyo sa 2017 at 2018?

 

Bagay ba kami ng Crush ko?



Masyadong malamig o masyadong mainit

Pag ang sanggol ay nilalamig, tulad pag tinatanggal ang damit nya para palitan o pag pinupunasan ng wipe, sya ay iiyak.

Mas gusto ng mga bagong panganak ang binabalot sila at pinapainit - pero hindi masyadong mainit. Bilang kaalaman, komportable sila na nakasuot ng dalawang patong o layer.

Ang mga sanggol ay mas umiiyak kapag masyadong malamig kaysa sa masyadong mainit.



May masakit na mahirap na mapansin

Ang mga sanggol ay umiiyak sa mga sitwasyong mahirap na mapansin, tulad ng nabuhol na buhok sa maliliit na daliri sa kamay o paa na pwedeng sanhi ng hindi maayos na pagdaloy ng dugo. (Ang tawag ng mga doktor dito ay "hair tourniquet," at ito ay isa sa mga bagay na tinitignan kung ang sanggol ay umiiyak sa hindi alam na dahilan.

Ang ibang sanggol ay mas sensitibo tulad sa mga etiketa sa mga damit o tela. At sila ay may pagkakataong mapili sa mga nakasanayan tulad ng posisyon ng paghawak at sa mga boteng pangdede na ibinibigay.



Sakit sanhi ng pagngingipin

Ang pagngingipin ay makirot dahil ang mga bagong tubong ipin ay lumulusot sa mga malalambot na gilagid. Ang iba sa mga sanggol ay mas nagdadanas ng sakit kaysa sa iba, pero karamihan ay nayayamot at umiiyak pag nangngingipin.

Pag ang sanggol ay nakakadanas ng pagkirot at hindi mo alam ang dahilan, subukang pakiramdaman ang gilagid gamit ang mga daliri. Mararamdaman dito ang umbok ng tumutubong bagong ipin. (Karaniwan, ang unang ngipin ay tumutubo pagitan ng 4 at 7 na buwan, pero maaaring mas maaga.)



Nais mabawasan ang kasiglahan ng kapaligiran

Ang mga sanggol ay natututo sa apaligiran, pero may mga pagkakataong nahihirapan silang iproseso ang lahat - ang ilaw, ang ingay, ang pagpasa pasa sa pagkarga sa kanya. Ang pag-iyak ay maaaring paraan ng sanggol na ipahayag na, "Pagod na ko."

Marami sa mga bagong panganak ang may gustong sila ay binabalot para maramdaman nila ang matiwasay sa paligid na napakalaki. Kapag ang sanggol ay matanda na sa pagbabalot o ito ay ayaw na nya, subukang pumunta sa tahimik na pwesto at hayaang kumalma muna.



Nais madagdagan ang kasiglahan ng kapaligiran

Ang "demanding" na sanggol ay maaaring papalabas at nananabik na makita ang kapaligiran. Madalas, para mapatahan ang sanggol, ay maging aktibo. Ito ay nakakapagod sa iyo!

Subukang ipasakay si baby sa carrier na nakaharap para makita nito ang mga nangyayari sa paligid nya. Magplano ng madaming aktibidades. Makipagkita sa ibang magulang. Pumunta sa mga regular na pagliliwaliw sa mga lugar na maraming bata, tulad sa mga palaruan, museo, o sa zoo o palahayupan.



Masama ang pakiramdam

Kapag nagawa at nabigay na ang mga batayang kailangan ng sanggol at pinapatahan na pero siya'y umiiyak pa din, maaaring masama ang pakiramdam nito. Maaaring itsek ang temperatura nito at maging alerto sa mga ibang senyales ng pagkasait.

Ang iyak ng isang may sakit na sanggol ay naiiba sa iyak sanhi ng gutom o pagkasiphayo. Kapag ang iyak ng sanggol ay tunog na may mali, sundin ang utob at tumawag o ipakita sya sa doktor.


 

...Continue reading

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Since you're here... May we ask for a small favor?

Unlike others, we don’t charge user fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

 

But it’s difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues across are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

 

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends – then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

 

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)