Dr. Jen Cruz is a Medical expert currently in United States

Paano maiwasan ang UTI? Ano pinakamabisang gamot sa Urinary Tract Infection?

Ang impeksyon sa daluyan ng ihi o UTI ay isang impeksyon na kinakasangkutan ng bato, yuriter, pantog o urethra. Ang UTI ay napakasakit, ngunit may mga paraaang maaaring gawin para mabawasan ang sakit hanggang magamot ito ng antibiotics.

Wipe tissue front to back ass butt vagina from rectum punas pwet palabas

Dahilan

Ang ihi ay karaniwang baog o walang laman. Nagkakaimpeksyon lamang kung may bacteria na nasasama sa ihi at nagsimulang tumubo. Ang impeksyon ay karaniwang nagsisimula sa buka ng urethra kung saan lumalabas ang ihi sa katawan at umaakyat papasok sa daluyan ng ihi.

Ang salarin ng hindi bababa sa 90% ng hindi kumplikadong impeksyon ay isang uri ng bacteria na tinatawag na Escherichia coli o mas kilala bilang E. coli. Ang mga bacteriang ito ay karaniwang nabubuhay sa colon o bituka at sa paligid ng puwit.

Ang mga bacteriang ito ay kayang gumalaw mula sa area sa puwit hanggang sa bukana ng urethra. Ang dalawang pinakakaraniwang dahlan nito ay ang hindi tamang pagpunas at pakikipagtalik.

Kadalasan, ang proseso ng pag-ihi ay nagpapalabas ng bacteria sa urethra. Kung masyadong madami ang bacteria, hindi kayang mapipigilan ng simpleng pag-ihi ang pagdami nila.

Ang bacteria ay kayang maglakbay pataas mula urethra hanggang sa pantog kung saan sila tutubo at magdudulot ng impeksyon.

Ang impeksyon ay maaari pang kumalat habang naglalakbay ang bacteria pataas mula sa pantog gamit ang ureters.

Kapag narrating na nila ang bato, sila ay nagdudulot ng impeksyon sa bato (pyelonephritis) na maaaring maging seryosong karamdaman kapag hindi agad nagamot.

Urinary tract infection UTI nasusuka masakit pantog

Gamot Pambahay, Paggamot, Lunas At Pagpipigil

May iilang mga pangkalahatang alituntunin at suhestiyon na makakatulong sa mga kababaihan na maiwasan ang impeksyon sa daluyan ng ihi o UTA sa pinakakadalasang sitwasyon. Ito ay madaling mahati sa mga kategoryang pangangalaga sa kalusugan, pananamit, pagkain, pamumuhay at mga gamot. Karamihan ng mga UTI ay palalang impeksyon ng bacteria na tumutubo sa vaginal walls at kinalaunan sa urethra. Mula sa urethra, ang bacteria ay maglalakbay pataas ang aapektuhan ang bladder (lower tract infection) o magpapatuloy mula sa bladder, pataas ng ureters at iimpeksyonan ang mga bato mismo (upper tract infection). Ang pinakaepektibong paraan para mapigil ito ay makakabigil sa paglalakbay ng bacteria.

Pangangalaga sa Kalusugan

Magpunas mula sa harap palikod. Laging magpunas mula sa harap palikod matapos gumamit ng banyo. Huwag subukang umabot mula sa likod dahil ang mga germs sa puwit ay kayang mapasa papunta sa kamay at tissue.

Wipe anus front to back infection UTI prevention rectum punas pwet palabas

Punasan ang puwet mula harap papunta sa likod

Matapos tumae, linisin ng dahan dahan ang butas ng puwit, habang nagpupunas mula sa harap palikod. Huwag susubukang magpunas ng pangalawang beses gamit ang parehong tissue. Ang kahit anong pagpunas na nagmumula malapit sa butas ng puwit at lumalapit sa labasan ng ihi ay gumagalaw ng posibleng pathogenic bacteria palapit sa pantog. Iklian ang paliligo at iwasang magbabad ng matagal lalo na sa bath tub. Ang tubig dito ay madaling ma kontamina ng mga bacteria galing din mismo sa katawan ng tao. ang pag-upo ng matagal sa bathtub ay nagbibigay oras para marating ng bacteria ang bukana ng pantog. Maghugas ng maayos mula harap palikod kapag naliligo. Magbanlaw ng mabuti at tandaang magpunas ng maaayos mula harap palikod. Ang mga douche ay walang napatunayang benepisyo sa pagpigil ng impeksyon sa pantog.

Gumamit ng tampon kapag nireregla.

Ang mga tampon ay inererekomenda kapag dinadatnan ang babae kumpara sa sanitary napkin o pad dahil pinapanatili nitong tuyo ang bukana ng puki at nililimitahan ang pagtubo ng bacteria kumpara sa sanitary pad.

Naiihi di mapigilan wag magpigil do not hold urinating bladder

‘Wag magpigil ng ihi

Ang pinakamabisa ay ang pag-iwas sa hindi pag-ihi ng matagal. Subukang umihi ng hindi bababa sa isang beses kada 4 na oras tuwing araw kapag gising, kahit na hindi ka pa naiihi. Kapag nararampaman mo na kailangan mo nang umihi, huwag itong pigilan hanggang sa mas maginhawang oras o panahon.

Ano Kapalaran ko sa 2018?

 

Swerte ba o Malas sa Negosyo sa 2017 at 2018?

 

Bagay ba kami ng Crush ko?

Do not wear tight jeans to avoid UTI wag magsuot masikip na pantalon

Kasuotan

Huwag magsuot ng masikip na salawal na gawa sa hindi nakakahingang material. Dahil sa materyal ng mga telang ito, nabubuo ang pawis. Ito ay nagdudulot ng paglambot ng balat at pagtubo ng bacteria malapit sa bukana ng ari. Salawal na gawa sa bulak para sa pang araw-araw na gamit ang inirerekomenda.

Pagkain

Uminom ng maraming tubig. Magsimula sa isang ekstrang baso ng tubig bawat kainan. Kapag mas madilim pa ang ihi kesa sa malabnaw na dilaw, ibig sabihin ay hindi sapat ang tubig na iniinom, at damihan pa ito.

Uminom marami tubig laban sa UTI urinary tract infection drink water

Ang cranberry juice at cranberry pills ay hindi pa napapatunayang nakakabenepisyo sa pagbawas ng impeksyon sa daluyan ng ihi. Ngunit nakikitang epektibo ito sa mga nakakabatang kababaihan.

Gawain

Kapag ikaw ay may ginagawang pisikal na gawin at ehersisyo, siguraduhing umihi ng madalas at uminom ng maraming tubig.

Mag-ingat kapag nakikipagtalik. Ang mga gawain tulad nito ay nakakadagdag sa panganib dahil ito ay maaaring maghatid ng bacteria sa ari. Ang pantog ay kailangang basyuhin matapos makipagtalik; uminom ng dalawang baso ng tubig. Ang ilang mga pasyente ay pinapayuhan ng kanilang doktor na gumamitng urinary antiseptic o antibiotic matapos makipagtalik. Siguraduhing inumin o gamitin ang gamot base sa rekomendasyon ng doktor.

Karagdagang paraan

Kapag nabuo ang impeksyon sa kabila ng mga ginawang mo, kumunsulta sa doktor. Ang ihi ay kailangang ibigay para suriin. Humingi ng agarang tulong para sa sobra sobrang tulo mula sa vagina o iba pang senyales ng impeksyon sa ari.


Gamutan at mga Gamot

Ang mga antibiotics ay kadalasang pangunahing gamot para sa impeksyon sa daluyan ng ihi. Kung anong klaseng gamot ang irereseta at kung gaano katagal ay depende sa kondisyon ng iyong kalusugan at sa uri ng bacteria na nakita sa iyong ihi

Simpleng impeksyon

Ang karaniwang ireresetang gamot sa simpleng UTI ay mga:

· Trimethoprim/sulfamethoxazole

· Fosfomycin

· Nitrofurantoin

· Ciprofloxacin

· Levofloxacin

· Cephalexin

· Ceftriaxone

· Azithromycin

· Doxycycline

Kadalasan, ang mga sintomas ay nawawala matapos ang ilang araw na gamutan. Ngunit baka kailanganing ipagpatuloy ay antibiotics ng isang linggo o higit pa. Siguraduhing inumin ang antibiotics base sa reseta.

Para sa hindi komplikadong UTI na nangyayari kahit na malusog ka naman, irerekomenda ng iyong doktor ang mabilisang gamutan, tulad ng pag-inom ng gamot ng isa hanggang tatlong araw. Ngunit kung ang madaliang gamutang ito ay sapat para magamot ang iyong impeksyon ay depende sa sintomas at kasaysayang medikal mo.

Ang iyong doktor ay maaari ring magreseta ng gamot sa pananakit (analgesic) na nagpapamanhid ng iyong bladder at urethra para mabawasan ang sakit kapag umiihi, ngunit ang sakit naman ay kadalasang nawawala kapag uminom ka na ng antibiotic. Isang kadalasang side effect ng analgesic sa daluyan ng ihi ay hindi tamang kulay – kahel o pula.

Kadalasang impeksyon

Kapag may kadalasang UTI ka, ang iyong doktor ay magmumungkahi ng ibang gamutan tulad ng:

· Mababang dosage ng antibiotics, panguna para sa anim na buwan ngunit tumatagal paminsan-minsan

· Gamot at pag diagnose sa sarili, kapag may kontak ka sa iyong doktor

· Isang dose ng antibiotic matapos makipagtalik kapag ang iyong impeksyon ay dahil sa pakikipagtalik

· Vaginal estrogen therapy kapag ikaw ay postmenopausal

Malalang impeksyon


Kapag malala na ang iyong UTI, kailangan mo na ng gamot gamit ang intravenous antibiotic sa isang ospital.


 

...Continue reading

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Since you're here... May we ask for a small favor?

Unlike others, we don’t charge user fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

 

But it’s difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues across are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

 

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends – then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

 

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity..
Nagsex pokami ng girlfriend ko nung april 4 nagkaroon siya ng mens march 12 ngayong march 15 wala parin sakanya nanganagamba kami dahil ang nagyari nilabasan ako sa loob niya ng nakacondom pero hindi kopa tinangal at nagpatuloy pa , ngunit nung tinggal kuna laking gulat ko nang nakita kong butas ng malaki ang condom at wala cells na naiwas sa condom , posoble po bang nabuntis siya pinagaralan ko ang calendar method at ang araw naman na yun ay safe siya sana tama at mali ang hinala naming buntis siya .