Paano maiwasan makunan o mahulugan ng bata? Ano pangontra malaglag

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mga dapat iwasan para hindi makunan

Kung naranasan mo nang makunan noon, alam mo na malamang ang sakit na dulot niyan. Malamang na naranasan mo na din ang mas nakakalungkot na side effect: ang pagka-guilty o yung sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari. Nakunan ka kaya dahil sa nakainom ka ng alak o beer bago mo pa nalamang buntis ka? O baka dahil nagbuhat ka ng mabibigat o may nakain kang nakasama sa ipinagbubuntis mo bago mo pa malaman?

Ang totoo, yung mga nakukunan eh karaniwan ng dahil sa abnormalidad sa genes ng isang babae na hindi mo naman makokontrol palagi. “Kadalasan na, konti lang ang magagawa ang isang babae para pigilan na makunan siya” , ang sabi ng isang doktor. Pero kahit ganon, may magagawa ka pa din para maiwasan yan kaya iwasan mong sisihin ang sarili mo.“Kung sisikapin mo na magkaron ng malusog na katawan bago at habang nagbubuntis, mababawasan ang posibilidad na makunan ka”, ang sabi ni Erika Nichelson ng Mercy Medical center sa Baltimore. Eto ang listahan ng mga pwede mong gawin:

- Habang di ka pa buntis, magpa-schedule na agad sa iyong gynecologist. Kung may mga kamag-anak ka na nakunan na o baka nasa lahi niyo, kailangan mo ng ilang mga check-up gaya ng blood testing at Rh factor. Ipapaliwanag yan sayo ng doktor mo kasama na ang kahalagahan ng bakuna. Kapag buntis ka na, hindi ka na pwedeng magpabakuna laban sa mga sakit kaya eto na ang panahon para gawin yan. Isa pa, bago ka maglihi, ihanda mo na ang sarili mo at kasama jan ang Fertility Cleansing. Ipaliliwanag din yan sayo ng doktor mo.


- Magkaroon ng balanseng diyeta kasama na ang Fertility Diet. Pasiglahin ang katawan mo. Sundin ang Fertility Diet. Listahan yan ng mga ehersisyo, pagkain at schedule ng tamang pagkain ng isang nagbubuntis. Malaki ang epekto ng kinakain mo sa abnormalidad ng hormones, sa matres at sa placenta o inunan mo.Kailangan mong siguraduhin na malusog ka na ,90 araw bago ka maglihi o mabuntis para makatiyak ka sa maayos na pagbubuntis.


- Uminom ng mag food supplements at vitamins ng regular. Wag mo yang ipag-walang bahala, nasa lahi mo man ang makunan o hindi. Mag rerekomenda sayo ang doktor mo ng mga multivitamins na mayaman sa omega-3. Pero , maging maingat ka din sa mga iniinom mo kasi may mga gamot na hindi naman balanse ang ibinibigay na nutrisyon depende sa kailangan mo. Baka mas palalain lang niyan ang tsansa mo na makunan.


- Iregular ang balanse at katamtamang ehersisyo. Ayon sa pagsusuri, kung soosbra sa 7 oras na mabigatang ehersisyo ang isang buntis, makakasama ito sa paglilihi at pagbubuntis. Maaring makunan ka o kung hindi man, may epekto yan sa bata paglabas niya.


- Umiwas muna sa caffeine. Walang masama sa paginom ng kape pero siguraduhin na hindi yan sobra sa irerekomenda sayo ng ob-gyn mo. Syempre, mas delikado kung iinom ka ng alkohol habang nagbubuntis. Mas okay na yung nag-iingat kaysa pagsisihan mo pa sa huli.


- Iwasan ang stress. Yan ang numero unong dapat mong iwasan. Wag masyadong magpagod at iwasan mo yung panonood at pakikipagkwentuhan ng mga bagay na magpapa stress lang sayo. Ugaliin mong maging masiyahin at makipagsamahan sa mga malalapit na kaibigan at kapamilya.



Sa tamang pangangalaga at pag-iingat, maiiwasan mo ang problema at kalungkutan sa tuwing makukunan. Kung nakunan ka man noon, wag mong isiping palagi ka nalang mabibigo. Nakatulong sana sayo ang mga tips na yan.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.