Buhay OFW is a OFW group representative currently in Singapore

PAG-IBIG SA PANAHON NG ALMORANAS: ANO PINAKAMABISANG GAMOT O LUNAS SA ALMURANAS HEMORRHOIDS

Kontento na sa buhay si Jenny, isang 28 anyos na ina, kasama ang kanyang pamilya – ang kanyang asawa at dalawang anak. Mabait ang kanyang asawa at may maayos na trabaho.


Ngunit hindi alam ni Jenny na may pagsubok na darating sa kanilang buhay…


Isang gabi, habang masayang nag-bo-bonding at nanunuod silang pamilya ng TV sa bahay, ay may naramdaman si Jenny ng pangangati sa puwet. Upang hindi mahalata at nakakahiya, pumunta siya sa banya at duon mangamot ng puwet.

Sobrang kati ang kanyang puwet, at parang di mawala ang pangangati. Maya-maya, naramdaman niya na parang natatae siya, at bago pa siya makaupo sa toilet bowl, ay nakadumi na siya sa kanyang shorts, at basa-basa.


Itinuloy ni Jenny ang pagupo sa toilet, para itapos ang kanyang pag-dumi, at ng pagtayo niya, napansin niya na may dugo ang toilet bowl. Nang pinunas ni Jenny ng tissue ang kanyang puwet, may nakita rin siyang dugo. Kinabahan si Jenny, at kinausap ang kanyang asawa tungkol dito. Nagpasya sila na pumunta sa doctor kinabukasan.

Nagtanong si Jenny sa kanyang kaibigang bestfriend. Sabi ng kanyang kaibigan, maaaring hemorrhoids o almuranas daw yan. Nagtanong si Jenny kung anong klaseng doctor ang dapat puntahan niya kapag may almuranas. Nurse ang kanyang bestfriend at sinabi na dapat pumunta siya sa Gastroenterologist o Proctologist.

Since you're here... May we ask for a small favor?

Unlike others, we don’t charge user fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

 

But it’s difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues across are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

 

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends – then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

 


Kinabukasan ng umaga, tumawag sila sa ospital at nag-paconnect sa clinic ni Dra. Gomez. Sumagot ang secretary at kinonfirm nila kung pupunta nga si Dra. Gomez sa kanyang clinic ng 10 am. Sagot ng secretary ay oo daw, pero may isa na raw nakapila at first come first serve sila. Kaya bilisan nagbihis at pumunta sila sa ospital.


Mabuti na lang at hindi maraming pasyente si Doktora, kaya hindi sila matagal nagantay. Nang makausap nila si Dra., in-explain ni doktora na may almoranas / almuranas o hemorrhoids pala si Jenny. In-explain ng doctor na fecal leakage/incontinence pala ang tawag sa hindi inaasahan o hindi ma-control ang paglabas ng tae sa puwet. Maaaring kaunti at minsanan lang ito, pero isa ito sa sintomas ng almuranas.


Maswerte nalang at hindi pa malala ang almuranas ni Jenny, ayos sa doctor. Pinayuhan ng doctor si Jenny na kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber, katulad ng mga prutas at gulay, dahil naiiwasan ito ang constipation o matigas na tae.

Bago sila umuwi, bumili sila ng mga prutas at gulay sa supermarket. Naging maingat narin sila sa mga pagkain na hindi masustansya, tulad ng mga maraming taba, maalat at mamantika. Hindi rin daw maganda ang masyadong maraming karne ang kinakain, sabi ni doktora.


Pagkaraan ng 3 buwan, hindi na nararamdaman ni Jenny ang pangangati ng puwet at dugo sa dumi. Masaya nanaman ngayon ang pamilya ni Jenny, at lahat sila ay malusog, dahil sa masustanya nilang pagkain.

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)