TIGYAWAT, TAGYAWAT o PIMPLES: ANO PINAKAMABISANG GAMOT, Natural Na Solusyon at Lunas sa Tagihawat, ACNE

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines

Ang tagyawat o tagihawat (English: Pimple o acne) ay karaniwang sakit sa balat at madaling gamutin.

Maaaring kailanganin ang paggamot sa loob ng ilang mga buwan upang maging malinaw ang mga peklat na iniiwan nito. Sa sandaling mawala ang mga peklat, maaaring kailanganin mo ng paggamot sa loob ng ilang taon upang mapanatiling mawala ang mga peklat. Read more: Totoo bang nakakatigyawat ang pagpupuyat?

Acne is a common skin condition that mostly affects persons in their teenage years. Signs and symptoms vary depending on the severity of the condition. These include whiteheads (closed plugged pores), blackheads (open plugged pores — the oil turns brown when it is exposed to air), small red, tender bumps (papules), pimples (pustules) or papules with pus at their tips, large, solid, painful lumps beneath the surface of the skin (nodules) and painful, pus-filled lumps beneath the surface of the skin (cystic lesions).



Ano ang tigyawat tagihawat at sino ang makakakuha nito?


Ang acne o tigyawat ay ang pinakakaraniwang sanhi ng mga spot. Karamihan sa mga tao na may acne ay may edad na nasa pagitan ng 12 at 25, ngunit may mga apektado na mas matanda o mas bata pa. Mas higit na apektado ang mga lalaki kaysa sa mga babae.


Ang acne ay karaniwang nag-aapekto sa mukha ngunit maaari ring itong mapunta sa likod, leeg, at dibdib. Karaniwan sa mga kaso ay hindi naman malubha.


Ang acne ay nagmumula sa mga skin pores na nagbara dahil sa sebo na galing sa mga maliliit na sebaceous glands. Sa mga teenagers, lumalakas ang produksyon ng sebo galing sa mga glands na ito kaya sila ang madalas magka-tagihawat. Ang ilang mga sebum ay maaaring mangolekta sa ilalim ng mga pores. Maaari mong makita ito bilang mga maliliit na spots na tinatawag na pimples o papules. Ang nakakulong na sebum ay perpekto para sa pagtubo ng ibacterium (mikrobyo) na tinatawag na P. acnes upang manirahan at magparami.


Ang mga peklat na dulot ng tagihawat ay madaling mawala, subalit sa ibang mga kaso, ang mga parte na may pamamaga ay umiitim ng ilang buwan pagkatapos maghilom ang mga sugat nito. Ito ang nagdudulot ng problema sa karamihan ng mga tao dahil nakakahiya ang mga peklat na ito, lalo na kung ang mga ito ay matatagpuan sa mukha.


Kung ikaw ay may tagyawat, ito ang tamang pag-aalaga ng balat. Huwag maghugas nang higit pa kaysa sa normal. Dalawang beses sa isang araw ay normal na para sa karamihan. Gumamit ng banayad na sabon at maligamgam na tubig.


Huwag magkuskos o scrub ng sobra sa balat na may acne. Howag gumamit ng mga abrasive soaps, cleansing granules, astringents, or exfoliating agents. Pwede kang gumamit ng malambot na washcloth o mga daliri lamang.


Ang mga antiseptic washes ay makakatulong. Hindi mo maaaring linisin ang mga blackheads. Ang itim na dulo ng blackhead ay melanin talaga (skin pigment) at hindi maaaring alisin sa pamamagitan ng paglilinis o pagkayod.


Pwede kang gumamit ng mga fragrance-free, water-based moisturising creams. Huwag gumamit ng mga ointments or oil-rich creams, dahil ito ay maaring magpabara ng mga skin pores.

Acne is multi-factorial. Hence, several things present in the environment can contribute to it. One of these is too much intake of various medicines such as steroid-containing drugs, either taken orally or applied topically. Aside from this, oral contraceptive can also be one of the causes of acne.

On the other hand, zit-causing ingredients found in your cosmetics can also cause acne called Acne Cosmetica and is commonly found on the face, neck, hairline, and scalp. Going to bed with ointments or oils in your hair can get on the pillow case and then rub on your face. Thus, causing acne. Lastly, makeup brushes that are not regularly cleaned and with accumulated leftover make-up can cause build up of yeast and bacteria which can lead to a type of acne called folliculitis.


Though it may be less common, using cell phones that harbor bacteria can also cause acne on the chin and around the mouth. Same thing goes when you touch your face because your hands also gather too much bacteria throughout the day.



Ano Natural Na Paggamot o pinakamabisang lunas laban sa Tighiyawat o Acne?


Ang ilang mga natural na acne treatments ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa pagbabawas ng pamamaga at pagbabawas ng tigyawat o acne breakouts.


Maari kang gumamit ng tea tree oil para gawing pamahid. Dito sa Pilipinas maraming mga facial scrub at facial mask na may tea tree oil, tulad ng binibenta sa The Body Shop. Kasing bisa ng tea tree oil ang benzoyl peroxide sa paggamot ng acne, ngunit mas mabagal gumana ang tea tree oil kesa sa gamot na ito. Huwag gamitin ang tea tree oil kung ikaw ay may acne rosacea dahil baka lumala pa ang kundisyon mo.


Maari ka ring gumamit ng mga produktong may mga alpha hydroxy acids bilang pamahid sa balat. Ito ay mga natural na asido na matatagpuan sa mga citrus fruits, tulad ng calamansi at orange. Nakakatulong ito sa pag-alis ng mga dead skin cells at ng pagbara ng mga skin pores. Maari ring mapabuti ng alpha hydroxy acids ang hitsura ng mga peklat ng tagihawat. Ngunit ang ito ay maaring magpapula at magpapairita ng balat sa mga taong sensitibo.


Ang azelaic acid ay natural na asido na matatagpuan sa mga whole-grain cereals at barley. Mabibili ang mga whole grain cereals tulad ng Nestle Clusters and Nestle Fitness breakfast cereals. Marami namang nabibiling barley supplements (tulad ng Green Barley at Sante Barley) online at sa mga health food stores sa mga malls.


Pwede ka ring uminom ng mga supplements. Ang mga zinc supplements ay nagbabawas ng pamamaga at nagpapagaling ng tagihawat. May mga multivitamins na may kasamang zinc sa mga drugstores tulad ng Ad-C plus, Calvit at Centrum. Ang mga pagkain na mayaman sa zinc ay ang mga sumusunod: milk, yeast, peanuts, potato, whole wheat bread, cheese, beans, yogurt, brown rice, wholegrain cereals etc


Pwede ka ring uminom ng Brewer's yeast supplement, pati na ang sangkap nito na tinatawag na CBS 5926 na nagpapawala ng acne. Dito sa Pilipinas, mabibili ang Brewer’s yeast supplement sa mga botika (tulad ng Rhea Brewer’s yeast).


Kung isinasaalang-alang mo ang natural na paggamot sa acne, kumonsulta muna sa iyong doktor. Maaari siyang tumulong sa iyo upang matimbang mo ang mga kalamangan at kahinaan ng mga paraan ng natural na paggamot.

Acne is managed by several ways. One of these is using dried orange peel due to acidic property and high content of Vitamin C. Dried orange peel should be grounded and mixed with water to make a paste. The paste should be applied on the affected area and left for 10 - 15 minutes before rinsing with warm water.

Aside from this, aloe vera gel can also help treat acne with its soothing and anti-inflammatory properties. Pure aloe vera gel which can be extracted from the plant's leaf or aloe vera gel that is commercially available should be applied twice daily to get the best results.


Sunod: Paano maiwasan ang Tagyawat? Mabisang pangontra sa tigyawat

About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Internal Medicine/ Adult Medicine/ Palliative Medicine. Online Consultation at https://www.facebook.com/bediamedicalclinic/
Profession: Internal Medicine
Bedia Medical Clinic
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Iloilo , Iloilo City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nakakatulong ba ang sikat ng araw sa paggagamot ng acne?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Maaaring makatulong ang sikat ng araw sa mga acne pero hindi masasabi kung gaano ito makakatulong at kadalasan ay kaunti lamang ang nabibigay nitong benepisyo. Tumataas ang tyansa na magkaroon ng skin cancer dahil sa pagkasira ng balat mula sa sikat ng araw at maliit lamang ang maaaring improvement sa mga acne. May mga taong nakikitaan ng pagbabago sa kanilang mga acne dahil sa sikat ng araw pero ito ay panandalian lamang at wala itong pangmatagalan na benepisyo. May mga pagaaral na ang artipisyal na ulatraviolet (UV) light therapy ay nakakatulong sa paggamot ng acne ngunit hindi pa ito lubos na kapani-paniwala at nagkakaroon pa ng mga karagdagang pagsusuri. May mga malinaw na ebidensya na ang pagkakaexpose ng sobra sa sikat ng araw ay nagdudulot ng mas mataas na tyansang magkaroon ng skin cancer kaya naman ang mga UV-baesed therapies ay hindi inirerekomenda na paamamaraan ng paggamot ng acne. May mga gamot para sa acne na nadudulot ng mas mataas na sensivity sa UVB light o sikat ng araw. Kung umiinom ka ng mga gamot na inireseta ng iyong doktor tulad ng retinoids at tetracyclines o gumagamit ka ng pinapahid na retinoids, hindi mo dapat hinahayaan masinagan ng araw ang iyong balat ng matagal. Kausapin ang iyong doktor o dermatologist para sa karagdagan pang mga payo. Huwag hayaan magkaroon ng sunburn at ugaliing gumamit ng sunscreen.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Daghana nimu ug bugas-bugas oi: Epektibo daw ang oral retinoids, pwede po ba akong maresetahan?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang acne ay maaaring gamutin sa mga cream, lotion at antibiotics. Subalit, may mga acne na malubha at hindi nagagamot ng mga ito at maaaring mabigyan lunas sa pamamagitan ng paginom ng retinoid tablets. Ang mga dermatologist (doktor na dalubhasa sa paggamot ng mga sakit sa balat) lamang ang maaaring magreseta ng mga ito. Ang mga oral retinoids ay saying epektibo sa paggagamot ng mga acne. Binabawasan ng mga ito ang pagproduce ng oil ng ating sebaceous glands. Maaari ding mabawasan ang pamamaga at pamumula at ang pananatili ng Propionibacterium acnes na uri ng bacteria na makikita sa balat.
Ang oral retinoids ay maaaring ireseta sa iyo kung:
• May malubhang kalagayan ang iyong acne at nagdudulot ito ng mga nodules o cysts
• Nagkakaroon ng peklat ang iyong balat
• Hindi nalunasan ang iyong acne sa paginom ng ibang gamot at paggamit ng ibang antibiotics na pinapahid sa balat
• Nagdudulot ng psychological problems ang iyong mga acne
Paalala lamang na ang oral retinoids ay may mga hindi magaganda at maaaring malubhang mga side effects. Ang pinakamadalas ay ang pagkakaroon ng ng dry skin, pagdurugo ng ilong, sakit ng ulo at muscle pain. Ang mga oral retinoids ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa mga sanggol sa sinapupunan. Dahil ditto, kung ikaw ay babae ay dapat magkaroon ng epektibong contraceptive. May mga taong gumagamit ng oral retinoids na nagsasabing nagkakaroon sila ng mood changes tulad ng pagkakaroon ng depresyon, takot, pagiging agresibo o pagiisip na mag suicide. Pero ang mga ito ay madalang lang na mangyari at dahil rito, ang oral retinoid at huli sa mga pinipiling paraan ng paglunas ng iyong acne at ang maaaring hindi ireseta ito ng dermatologist kung may kasaysayan ka na nagkaroon ng sakit sa pagiisip.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano ang pinaka magandang paraan sa paglalagay ng benzoyl peroxide para sa taghiyawat? Punggod, bugas-bugas
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Dapat ilagay ang mga produktong may benzoyl peroxide isa o kung kinakailangan ay dalawang beses sa isang araw. Ang benzoyl peroxide ay mabibili sa iba’t ibang formulations. Maaring may mga hiyang sa iyo at yung iba naman hindi.
Ang benzoyl peroxide ay mabibili over the counter, maari itong cream, gel o wash. Pwede mong subukan ang iba’t ibang klase upang malaman kung ano ang pinaka epektibo sa iyo. Halimbawa, maaring ang ibang mga formula, tulad ng wash, ay mas mainam gamitin sa paggamot sa parte ng iyong dibdib o likod. Ang iba naman (tulad ng cream o gels), ay mas madaling ipahid sa iyong mukha.
Bago mo gamitin ang benzoyl peroxide treatment, dapat mo munang hugasan ang iyong mukha ng mild na sabon at maligamgam na tubig at hayaan mo muna itong matuyo ng 20 minuto. Importanteng mapatuyo mo ng mabuti ang iyong mukha bago ipahid ang treatment, dahil kung hindi, ang produkto ay magbubuo ng manipis na layer sa iyong balat, na sa katagalan ay mamamalat. Dapat mo itong maipahid sa lahat ng bahagi na apektado ng acne, hindi lang sa mga parte na mayroong marka. Huwag gumamit ng masyadong marami, halimbawa, ang sindami ng isang butil ng patani ay sapat na para sa iyong buong mukha. Maaring kailangan mo itong ulitin ng minsan o dalawang beses sa isang araw. Ang benzoyl peroxide ay maaring makapagdulot ng skin irritation, tulad ng pamumula, pangagati at paglalangib kapag ito’y una mong gagamitin. Ngunit, kapag binawasan mo ang dami ng beses ng pagamait, pero regular ang pagpahid, ang irritation ay magiimprove. Sa kabilang banda, maari ka din gumamamit ng mas mhinayang treatment. Dapat mong basahin lagi ang patient information leaflet na kasama ng iyong gamot, at kung may katanungan ka, sumangguni sa iyong pharmacist.
Jonathan Sumabong
is in the Philippines
May nabasa po akong article tungkol sa Lymphatic System, Isa sa dahilan kung bakit dumadami ang Pimples o Acne ng isang tao dahil rin sa napakahina nitong Immune system. Kapaga weak ang Immune system ng isang tao na aapektohan neto ang Lymphatic system at nagkakaroon nga lymphatic disease. Karaniwang makikita ang ang mga pimples o acne sa may neck at cheeck ng isang tao. Mga ganitong kaso po ba may mga gamot po bang nakakatulong upang ibalik ang nasirang lymphatic system ng isang tao? Maliban sa pag inom ng Vit C dahil nga sa weak na Immune system. Salamat po!
Jeng Jeng  Mariano
is in the Philippines
hi po ask ko lng po close po kasi ang pores ng tagyawat ko....matagal n po kz gusto k ng maalis anu po b ang dapt kung gawin
Medical Team
is a Medical expert in United States
Acne is a common issue, especially for teenagers and people in their 20s. Find a good basic routine that will clean, unplug and maintain the troublesome areas, such as washing your face with gentle soap twice a day. There are also over the counter products, and prescription retinoids than could help. Keep oily hair away from your face, and avoid using make-up for the meantime. Tretinoin might be helpful for scaring and reducing pore size.
Marlouie Rayon
is a Chef Cook and Blogger in the Philippines
Marami po talaga akong maliliit na tigyawat sa likod sa braso . Ang mga tigyawat ko naman sa mukha ko po ay medyo nawawala na . Ano po bva ang kadalasang dahilan ng mga tigyawat sa likod at sa mga braso ko po . ? Matagal na po talaga akong namomroblema dito . Maraming salamat po . :)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.