Ano ang Dementia? Mga dapat malaman tungkol sa pagiging ulyanin o pagka-ulyanin
Hindi naman isang espesipikong pangalan ng sakit ang dementia. Pag sinabing dementia, yan ang grupo ng mga sintomas na nakakaapekto sa memorya, paghina ng kakayahang mag-isip at makisalamuha sa iba. At kapag nagkaroon ka nito, mahihirapan ka ng gawin ang mga bagay na nakasanayan mo sa araw-araw.
Mas madalas yan sa mga umeedad na pero hindi palaging ang pagtanda ang dahilan ng demetia. Ang mga numero unong dahilan ng pagkaka-diagnose sa isang pasyente na may dementia eh yung Alzheimer’s disease, Huntington’s disease, stroke o baka kamakailan eh naaksidente ang pasyente at nagakaroon ng komplikasyon sa utak. Bukod diyan, ang utak natin ay may napakadaming brain cells na nag-uugnayan sa isat-isa. Kapag humina na ang kakayahan nito na magugnayan, maapektuhan niyan ang mga regions ng utak na nakapokus sa pag-iisip, pagdedesisiyon, pakiramdam at pag-galaw.
Ano sanhi o dahilan ng pagkakaroon ng dementia?
Nagkakaroon ng dementia ang isang tao dahil sa aksidente, paninigarilyo at walang kontrol na pag-inom ng alak, pag do-droga, sobrang depression at stress o side-effect ng medikasyon.
Ano ba ang ilang senyales, sintomas ng dementia?
- Matinding pagkakalimot. Kung minsan pa nga, paulit-ulit silang nagkukwento sa mga nangyari noong bata pa sila Mas kadalasan ng mapapansin yan ng mga malalapit na kapamilya. Nahihirapan din ang isang tao na gawin ang mga dating ginagawa niya, hindi siya makapag desisyon ng tama, nauutal sa pagsasalita o pumupurol ang memorya sa pagharap sa mga problema.
- Nagiging magagalitin, madaling madepress sa problema, masyadong nag-aalala kahit sa maliliit na bagay, nahihibang o paranoid at malaking mga pagbabago sa personalidad. Pabago bago din ang mood niya at hindi mo maintindihan ang gusto niyang gawin.
Iba-iba ang dahilan ng pagkakaron ng dementia kaya iba-iba din ang pag gamot sa mga ito. Ang pinaka mahusay na solusyon? Wag itong ipagwalang-bahala at pumunta agad sa doktor para maagapan. Kung napapansin mo sa iba o sa sarili mo ang mga sintomas na nabanggit, mas makakatiyak ka kung dementia nga yan o baka may iba pang pinagmumulan.
Ano gamot laban sa pagka-ulyanin? Paano ba nagagamot ang Dementia at ano ang mga pwede mong gawin para maiwasan yan?
- Magpatingin agad sa doktor. Maaaring ang isang paraan nila eh yung tinatawag na Cognitive and neuropsychological tests. Kailangan mo din na magkaroon ng ilang brain scans at matutukoy ng doktor ang pinakamahusay na paraan ng pag- gagamot.- Kung ang dahilan ng dementia mo eh edad o genes hindi mo yan mababago pero pwede mong kontrolin. Ang pinakamahusay na paraan eh kung kakain ka ng masusustansya at iiwasan mo ang alak at sigarilyo. Iwasan din ang sobrang stress.
- Cardiovascular factors. Ang mga blood vessel mo ay may malaking epekto sa mga brain cells. Kaya iwasan ang sobra sobrang timbang, cholesterol, sugar, at blood pressure. Mas makokontrol mo yan kung mag eehersisyo ka. Kapag nag eehersisyo ka, maiiwasan ang pagbabara ng daloy ng oxygen sa brain cells at blood vessels mo. Kumain ng masusutansya. Iwasan ang mga makekemikal at palitan iyan ng prutas , gulay, isda, mani, fruit juice at iba pa.
- Kung na diagnose ka na may dementia, wag masiraan ng loob at manatili ka lang na positibo dahil nagagamot naman yan.
Nakatulong sana sayo ang mga nabanggit.