Huramentado Topak: Paano mapakalma sarili, maging kalmado, lumamig ulo?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Paano maging kalmado sa harap ng mabigat na problema at maiiwasang mag-panic?

Lagi ka bang nag-aalala sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap? O baka hindi mo maiwasang ma-praning o mag-panic kapag may problema na halos sunod-sunod? Anuman ang dahilan, normal lang na mag-alala kasi minsan mas nakakabuti pa nga yan.

Huramentado Topak, Paano mapakalma sarili, maging kalmado, lumamig ulo problema hurumentado

Ang isang estudyante na nag-aalala sa grades niya sa paaralan eh malamang na magpursigi sa pag-aaral. Pero kung masyado kang nag-aalala sa sakit mo, mga bayarin, pasaway na anak o mga problema sa trabaho, baka hindi ka na matulog o magkasakit pa nga ng depresyon sa kakaisip. Pero sasang-ayon ka siguro na wala namang nagagawa ang sobra sobrang pagka-bahala. Kapag natutuhan mong maging kalmado, mas makakaisip ka ng solusyon at mas magiging masaya ka. Paano ba makakapanatiling kalmado kapag may problema? Eto ang nakatulong sa iba at baka makatulong din sayo:


- Tumigil sandali at huminga ng malalim. Kapag hinayaan mong kontrolin ka ng emosyon mo, mahihirapan kang matulog, lagi kang kakabahan, at baka magkasakit ka pa nga. Malaking bagay din ang panalangin. Akala ng iba, isang therapy lang ang panalangin at wala naman talagang nakikinig. Pero ang totoo, mas makakayanan mo ang problema sa tulong ng pinaniniwalaan mo. Sa halip na magpanic, huminga ng malalim o uminom ng tubig. Malaking tulong din kung hindi mo sosolohin ang problema. Ipakipag-usap mo yan sa isang malapit na kapamilya o kaibigan. Kung minsan nakakatulong ang pagtakbo, pag jojogging sa labas o pagkain ng masasarap para maalis ang tensyon sa puso at isip mo.


- Tanggapin na natatakot ka at harapin ang problema. Hindi makakatulong kung magiging magagalitin ka o basta kakalimutan ang problema. Laging isipin na may solusyon lahat at na makakayanan mo din yan. Wag masyadong magpaka negatibo. Kung iniisip mo agad ang kakalabasan ng isang bagay, mas matatakot ka. Isiping malalampasan mo ito at maging reyalistiko. Kung minsan , iba naman talaga ang nangyayari sa iniisip natin.


- Mag-isip ng paraan kapag kalmado ka na. Wag mong isiping nag-iisa ka lang. Huwag mahiyang humingi ng tulong. Isipin mo ang mga bagay na makokontrol mo sa ngayon at iwasan na mag-alala sa mga bagay na wala kang kontrol. Mas makakaisip ka ng solusyon kung relax ang isip mo. Magbakasyon sandali kung kailangan mo talaga ito.


- Kapag bigla kang nanginig o parang masusuka, tignan ang mga taong kalmado sa paligid mo. Gayahin mo sila ng paunti-unti. Huminga ulit ng malalim at pislpisilin ang mga kamay mo. Huminga gamit ang ilong mo at pumunta sa lugar na magagawa mo ito ng maginhawa, halimbawa, sa bintana o labas ng bahay at opisina. Bumilang ng sampu hanggang sa maging kalmado ka na. Irelax ang mga muscle mo habang naka-upo o nakahiga. Paluwagin ang damit mo o kahit anong nakakasakal sa daluyan ng hangin para makahinga ka. Nakatulong din sa iba ang pagpapamasahe para mas marelax ang mga nerves sa utak.


- Laging isipin na nagbabago din ang sitwasyon. Nakatulong sa iba ang pagbabasa ng bibliya sa tuwing may problema sila o mga musika na masarap sa pakiamdam. Lumapit sa taong magpapa-gaan ng loob mo. Pwedeng nagiging negatibo ka at nasstress dahil sarado ang isip mo, pero malaking bagay kung may magpapakita sayo ng pag-asa at totoong sitwasyon. Wag mong isipin na ikaw lang ang dapat mamroblema.



Kapag sa kabila ng ginawa mo eh nahihirapan ka pa din na maging kalmado, baka kailangan mong humingi ng propesyonal na tulong. Wag na wag isipin na may mga problema lang sa isip ang humihingi ng tulong sa isang psychologist o psychiatrist. Matutulungan ka nila na maharap ang problema mo at maalis ang Panic Disorder. Bibigyan ka nila ng mga gamot gaya ng anti-depressant para makontrol mo ang sarili mo sa harap ng problema. Madami ang dating namomoroblema sa pagiging kalmado. Pero napaglalabanan na nila yan ngayon kaya kayang-kaya mo din. Nakatulong sana sayo ang mga yan para mas makayanan mo ang problema at maging mas kalmado.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.