MGA TIPS PARA SA MGA BAGONG INA o FIRST TIME MOMS

Medical Team
is a Medical expert in United States

Para sa Pagbubuntis

1.     Layuan ang Google

Nagkalat ang mga pananakot sa pagbubuntis dito. Gustung-gusto ng mga taong ikwento sa iyo ang tungkol sa mga pinsan ng katrabaho nila na nakaranas ng kakaiba, na maaari ring mangyari sa iyo, pero huwag mong pansinin ang mga ito. Layuan mo ang paggoo-Google ng lahat ng kakaibang sintomas na karaniwan lamang kapag buntis ka, at dalhin ang iyong mga alalahanin sa iyong kwalipikadong doktor na siyang makakapagpagaan ng iyong pakiramdam.

2.     Sabihan mo kaagad ang iyong mga pinakamalalapit na kaibigan

Kung narinig mo na ang “patakarang” nagpapayong itago ang iyong pagbubuntis hanggang sa ikalawang semestre, sakaling makunan ka, maaari mong balewalain iyon.

Ang payo ko sa iyo ay sabihan kaagad ang iyong mga pinakamalalapit na kaibigan—iyong mga agad na darating kapag mayroong nangyari—na buntis ka. Hindi lamang nito maipararamdam sa iyo na maraming sumusuporta sakaling makunan ka, kundi pahihintulutan ka ring ipagdiwang (nang hindi isinisikreto) ang napakasayang paglalakbay na ito.

Gayundin, lubhang makatutulong kung mayroong taong mag-aalaga sa iyo kapag nahilo ka at nakaramdam na nasusuka.

3.     Huwag “pagtiisan” ang mga sintomas dahil sa palagay mo ay kailangan mo

Alam nating lahat na mayroong mga sintomas na kaakibat ang pagbubuntis, kabilang ang labis na pagkapagod, pagkahilo at pagsusuka, at pananakit ng katawan. Subalit hindi dahil buntis ka ay nangangahulugang kailangan mong pagtiisan ang mga sintomas na iyon nang mag-isa.

4.     Maghanap ng doktor kung saan ka komportable

Dapat komportable ka sa iyong doktor para sa iyong pagbubuntis, sinuman ang iyong piliin at saan mo man piliing manganak. Kung hindi mo nararamdamang pinakikinggan, sinusuportahan, inuunawa, at mahalaga ka, maghanap ka na ng iba.

5.     Huwag mong masyadong alalahanin ang pagdagdag ng timbang

Talagang bibigat ka, at kailangang mangyari nito, kaya’t huwag mo na itong masyadong alalahanin. Hindi ka libreng kumain nang kumain ng sorbetes kapag buntis ka, pero hindi mo kailangang bilangin ang mga calorie na nakakain mo, at hindi mo rin kailangang alalahanin ang bawat kilong idadagdag mo. Makipag-usap ka sa iyong doktor upang tiyaking masusunod mo ang lahat ng payo pagdating sa pagdadagdag ng timbang.




Pagkatapos Manganak

Huwag hayaang mabigatan ka sa iyong pagiging ina. Ikonsidera ang mga katotohanang ito para sa mga bagong ina upang magkaroon ng mas masasaya at hindi kasing-hirap na pagsasama ng iyong sanggol.

Walang kasamang manwal ang pagiging ina at pagpapalaki ng anak. Subalit maaaring mas maging magaan ang karanasan mo kapag isinaisip mo ang mga bagay na ito.

Hindi paligsahan ang pagiging ina.

Hindi ito isang paligsahan upang makita kung sino ang pinakamaganda sa pantulog na damit nang may tatlong oras lamang ng tulog sa loob ng dalawang araw, o kung kaninong anak ang hindi gaanong iyakin o kung sino ang mas mabilis gumapang. Iwasan ang pagkukumpara sa iyong anak sa anak ng iyong kapitbahay, at ng iyong sarili sa iba pang ina. Ang bawat isa sa inyo ay may naiibang paglalakbay.

Iwasan din ang mga taong nakakasira ng araw, tulad ng babaeng walang tigil sa pagyayabang tungkol sa mga kakayahan ng kanyang anak, at kung gaano siya kagaling magluto, maglinis ng bahay, at magpadighay ng bata nang sabay-sabay.

Hindi ka masama at hindi ka rin mamamatay kung hindi ka nagpapasuso

Isa ito sa mga pinakamagandang tip sa mga bagong ina. Ang pinakamahalaga ay ibinibigay mo sa iyong anak ang abot ng iyong makakaya. Kapag hindi mo kinayang magpasuso, laging mayroong formula.

Mahalaga ang mga ekstra.

Nakatakdang magkaroon ng mga pagkatapon, paglungad, pagtagas, at iba pang nakakagulat na pangyayari kapag kumikilos kang may kasamang sanggol. Magdala palagi ng ekstrang lampin, damit, pamunas, diaper, laruan, tubig, gatas, at dagdag na pasensya lalo na kapag bumibiyahe.

Magandang makarinig ng payo ngunit hindi mo kailangang tanggapin ang mga ito palagi, gaano man kasinsero at kabuti ang layunin ng nagbigay nito. Manatiling nakabukas ang isipan subalit huwag mong pilitin ang iyong sariling sundin o sumang-ayon, lalo na kapag hindi mo hinihingi ang payo at nakakadagdag lamang ito sa kaguluhan.

Ayos lang tumanggi sa mga imbitasyon, kahilingan, at iba pang aktibidad na makakagulo sa iskedyul ng iyong anak, at mas makakapagpapagod sa iyo.

Ngunit huwag tanggihan ang mga alok na tulong at pag-aalaga sa bata kahit ilang minuto lamang. Makakatulong sa iyo ang pagpapahinga maya’t maya, lalo na kung 24 na oras mong inaalagaan ang iyong anak.

Ayos lang na umiyak.

Tao tayong lahat at maaaring makapagpagaan ng loob ang pag-iyak. Huwag mo lang ito araw-arawin, at huwag kang magpapakalunod sa awa sa sarili. Tiyaking hindi mo rin ilalabas ang iyong pagod at sama ng loob sa iyong anak. Makakawala ka rin sa yugto ng kalungkutang iyan sa lalong madaling panahon.

Magplano ng araw para mag-relax

Kung hindi man ngayon, darating din ang panahong kakailanganin ng mga pinakamasipag na ina ng pahinga. Ani ng isang ina nang mabigyan siya ng pagkakataong magpunta sa gym habang nasa isang tagapangalaga ang kanyang anak, “Kakaiba ang pakiramdam na hindi siya kasama, pero maganda din sa pakiramdam na makaalis.” Sikaping makalabas nang hindi kasama ang sanggol nang kahit ilang oras kada linggo upang pagpahingahin ang iyong sarili. Umalis kaagad pagkatapos mong magpasuso upang sulitin ang iyong oras. (Para sa mas matatagal na biyahe, mag-iwan ng mga panghaliling bote.) Ang isa sa mga pinakamagandang bahagi ng pag-alis ay ang muling pagkikita kapag nakauwi ka na. (O kaya, tumakas ka habang natutulog siya, at hindi niya malalamang umalis ka!)

Pakikipagtalik

Kinakabahan ka bang muling subukan ang pakikipagtalik? Hindi ka nag-iisa. “Maraming kababaihan ang nagdadalawang-isip sa una,” ani ng isang espesyalista. Hindi na ito nakapagtataka lalo’t maraming pinagdaanan ang iyong ari. Maraming doktor ang nagpapayong iwasan muna ang pakikipagtalik hanggang sa iyong unang tsekap pagkatapos manganak (kadalasan ay apat hanggang anim na linggo pagkatapos ng panganganak). Ngunit huwag kang magulat kung gugustuhin mong maghintay nang mas matagal. Tanggapin natin—ang pagkakaroon ng malaking tiyan pagkatapos magbuntis, mga pagbabago sa hormones, at walang tigil na kapaguran ay maaaring mas matindi kaysa sa malamig na tubig pampaligo. Magdahan-dahan lamang sa pamamagitan ng maingat na pakikipagromansa at ekstrang pampadulas o lubrication. Gayundin, ang pakikipagtalik nang nakatagilid o nang nasa itaas ka ang maaaring pinakamainam na posisyon. “Magdahan-dahan ka lang. Huwag mong asahang magiging mainit kaagad pagkatapos mong manganak.” Ani ng isang inang may dalawang anak.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.