Nagkaroon po ako ng pagkati sa lalamunan na nag- resulta ng ubo noong April 12,

Katara Pearl
is a Admin Asst in Qatar Medical History

Nagkaroon po ako ng pagkati sa lalamunan na nag- resulta ng ubo noong April 12, 2018. Hanggang sa sumama po ang pakiramdam ko at nagkaroon ng lagnat. Nagkaroon din po ako ng sipon. Pagkatapos ng dalawang araw, nakaramdam ng pagsakit ang kanang bahagi ng aking mukha, partikular sa gilid ng ilong hanggang sa aking ngipin. Gumrabe din ako pagkakasipon ko kaya sobrang sakit din po ng aking ulo. Kahit umiinom po ako ng gamot ay hindi nawawala ang pagsakit nito. Hanggang sa napansin ko po na sa tuwing nagpa- flush ako ng ilong, may kasama pong dugo ang mucus na inilalabas nito. Nag- conclude po ako na baka po mayroon akong sinusitis, dahil nga po nanggaling sa ilong ko ang pagsakit ng aking mukha hanggang sa ngipin. Hanggang sa ngayon po ay hindi pa rin ako nakakapagpatingin, at nararamdaman ko pa rin po ang bahagyang pagsakit sa kanang bahagi ng aking ilong na pakiramdam ko ay namamaga. At miminsan pa ding may halong dugo ang aking sipon kapag ako po ay sumisinga. May dapat po ba akong ikabahala sa ganitong sitwasyon at ano po ang maipapayo ninyo sa akin. Mayroon po ba akong mga home remedies na pwedeng gawin upang maibsan po ang aking nararamdaman?May kalayuan po kasi ang hospital sa aking tinitirhan kung kaya hindi pa ako makapagpatingan, dagdag pa ang schedule ng aking trabaho. Ikalulugod ko po ang inyong pagtugon. Maraming salamat po!

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Audrey Cenera
is a Medical expert in the Philippines
Hi Katara! Since more than a week na po ang iyong mag symptoms at hindi rin ito naresolve sa iyong mga ininom na gamot, mas mainam na magpatingin na kayo sa doctor. Lalo nat may kasamang dugo ang iyong mucus. At kung sakaling sinusitis po ang iyong karamdaman, ito ay kailangan ng antibiotics para gumaling.

About the author

Dr. Audrey Cenera

Hi! I'm a General Physician who goes on duty in certain clinics.
Profession: General Practice
Philippines
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.