Paano po mag patitulo ng lupa, kung ang lupa ay mana lang sa ninuno na wala titu

Kurt J
is a Manager in the Philippines

Paano po mag patitulo ng lupa, kung ang lupa ay mana lang sa ninuno na wala titulo nag babayad lang ng amiliar kada taon. may bahay po nakatayo sa lupa nno pang 1970s po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kung minana pa ninyo ang property na ito kailangan ninyong mag execute ng Deed of extrajudicial settlement of estate at kailangang nakadeclare lahat ng legal heirs. You need the help of a lawyer para magprepare ng dokumentong ito dahil notarized dapat yan.Yes, pwede ninyo itong patitulohan either Judicially, meaning magfile kayo ng petisyon sa korte kailangang kumuha kayo ng abogado tutulong sa inyo nito. Maari din namang mag apply kayo ng titulo sa DENR office ng Patent kaya lang medyo matagal at susuriin nila ng mabuti ito. Kailangan pa ding ipasurvey ang lupang ito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Thank you po attorney.Ano proceso po mas mabilis ar mas muram magkano pi gagastusun ko at gaano katagal. Ang lupa po ay 2 bahay nakatayo mula pa 1970s at giniba at pinatayuan lang ng bago modelo
Kurt J
is a Manager in the Philippines
Kurt J
is a Manager in the Philippines
Thank you po attorney. Ano proceso po mas mabilis at mas mura at magkano po gagastusin at gaano katagal (ie 6 months, 1 year ..) Ang lupa po ang may 2 bahay na nakayato mula pa nung late 1960s at giniba at pinatayuan lang ng bago modelo
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kung ang lupa na iyan ay isang public land at mapatunayan ninyo na ang mga ninuno ninyo ay nakatira since June 12, 1945 or earlier pa maaring mag petisyon kayo sa korte. Kahit pa ang bahay ay nakatayo noong mga 1970's lang pero ang mga ninuno na ninyo ang in possession sa lupa gaya ng may mga tanim sila pwede yan. if later than June 12, 1945 na dapat mag apply na kayo sa CENRO (DENR) for residential patent title. Halos pareho lang naman ang mga requirements nito. Mabilis na daw ngayon ang processing sa CENRO. Magastos of course ang korte. Kailangan ninyo ng isang abogado para tutulong sa pag execute ng extra judicial settlement dahil kailangan ninyong i declare kung sino-sino ang mga heirs.
Kurt J
is a Manager in the Philippines
magkano po gagastusin 50k, 100k, etc at gaano katagal 6 months, 1 yr etc.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko maestimate kung magkano ang babayaran mo tungkol diyan dahil nakadepende yan sa laki ng lupa, assessment ng municipyo, mga taxes na babayran ninyo gaya ng estate tax, transfer at ibang pang fees. Maari ring aabutin ng lampas 1 year makukuha ang title. Mas mabuti pumunta ka sa Registry of Deeds ng inyong Municipyo or kung saang Register of Deeds sakop ang lupa na iya itanong mo o ipaassess magkano. Pumunta ka rin sa DENR humingi ng mga requirements at magkano sila lang ang makapagbigay niyan dahil depende din naman sa dami ng application sa inyong lugar maaring mapabilis o mabagal ng kunti.
Kurt J
is a Manager in the Philippines
ano po yung estate tax. ano effect nito kung ang lupa wla titulo or kung may titulo po
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ito ay isang uri ng tax dahil sa prebiliyo na ibinigay ng gobyerno sa namayapa ninyong kamag anak para maisalin o maipasunod ang mga properties niya ayon sa mga nakatakdang magmamana nito. Kahit mayroong titulo o wala kung talagang ang property namana ninyo ay pag aari ng namatay ay kailangan ninyong bayaran ito. "Estate Tax is a tax on the right of the deceased person to transmit his/her estate to his/her lawful heirs and beneficiaries at the time of death and on certain transfers, which are made by law as equivalent to testamentary disposition. It is not a tax on property. It is a tax imposed on the privilege of transmitting property upon the death of the owner. The Estate Tax is based on the laws in force at the time of death notwithstanding the postponement of the actual possession or enjoyment of the estate by the beneficiary." Ngayon may panibagong computation na nito dahil bago na ang batas TRAIN Law at may nagsasabing nagbibigay ang BIR ngayon ng amnesty o kaya discount sa magbabayad ngayong taon sa mga delinquent taxpayers. Mas mabuting mag inquire sa kanilang opisina.
Kurt J
is a Manager in the Philippines
Pano po kung ang namayapa at lola, then magulang at mga anak ang nag mana, bakit kailangan mag bayad ng estate tax
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kung himdi ninyo babayaran ito hindi rin kaayo makakakuha ng BIR clearance at hindi kayo pwedeng makapag patitulo sa lupang minana ninyo.
Kurt J
is a Manager in the Philippines
yun po kasi nag palipat lipat na dun lahat nakatira at sinira lang ang bahay at pinagawa uli same place. kung namayapa na po lolo lola magulang ano po gagawin nanim bilang anak po
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kailangan ninyong lumapit sa isang abogado para tulungan kayong ihanda ang mga dokumentong kailangan sa pagpapatitulo.
Kurt J
is a Manager in the Philippines
https://www.facebook.com/trendingnewsonline2/posts/1524605754289251
Kurt J
is a Manager in the Philippines
ito po nakita ko
Kurt J
is a Manager in the Philippines
may drawing na po pala noon pa yung lupa, ano po susunod na hakbang para mag pa titulo po
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Yong nakikita mo sa facebook administrative yan sa DENR ipaprocess ang Patent title. Ang patent title ay may pagbabawal yan na hindi maaring maitransfer sa ibang tao within 5 years from issued. So since sa sinabing mong may sketch plan na yan punta lang kayo sa CENRO (DENR) they will assist you for that.
Carl  De Guzman
is in the Philippines
Hello po sana po matulungan nyo ako ang tatay kopo ay isang katiwala ng lupa yung titolo po ay mai wala na daw ng may ari at ito ay namatay na at sabi ng anak na hindi daw nila na may lupa pa sila alam daw nila wala na kasi wala naman daw sa kanilang iniwan na titolo at kasulatan ang magulang nila .. at tatay kopo na katiwala 35years at buhat ng namatay ang may ari hindi naman sumusweldo ang tatay ko ngayon sabi sa tatay ko ipasukat dw at ibigay sa kanila ano po habol diyan ng tatay ko
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maari naman macheck ninyo sa Registry of Deeds ng inyong Municipyo kung ang nawala ba ay ang Original Title maaring magpetition ng Reconstitution of Title. Kung ang Owner's Duplicate Copy lang maaring humingi ng replacement. May mga requirements na hihingin sila at dapat alamin kung paano ito nawala. Kung talagang may kopya pa sa Register of Deeds, ang tatay mo will enjoy the rights granted by law as a tenant kahit ibenta pa nila ang lupa sa iba. Hindi basta2x mapaalis siya except titigil na sya sa pag cultivate o hindi na sya nagbibigay ng share sa may ari whatever fruits na tinatanim niya. Maari maipamana ang rights sa kanyang pamilya who will continue to cultivate the said land.
Kurt J
is a Manager in the Philippines
kailangan pa po ba ng attorney dito kung sa DENR kami puppunta
ano po mag mabilis at madali paraan sa pag titulo DENR or regionsl court
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi na kailangan ang Attorney sa DENR at mabilis naman daw ngayon ang processing as long complete yong mga requirements na hinihingi nila. Mas mabuting pumunta at humingi ng mga requirements sa kanila dahil ang mga requirement ay nag iiba on a case to case basis. Magasto ang Korte however, at walang prohibition kagaya ng patent title.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good day po attorney, may itanong lang po ako. Ganito po Ang kwento Ng lupa na tinitirhan ko po. Yung may Ari po Ng lupa ay iyong po tatay Ng Lola at lolo ko. Tapos yung Lola ko po may dalawang anak po na Isang babae at lalaki. Tapos po nag asawa Ang tatay ko yung anak Ng Lola ko po may asawa po siyang una at Ako naman po ay anak sa pangalawang asawa Ng tatay ko..Ang problema po namatay na po yung tatay Ng Lola ko at lolo ko. Na Hindi po nailipat sa Lola ko Ang pangalan. Tapos po namatay din po Ang Lola ko at tatay ko po. Yung bilin po Ng Lola ko sa tatay ko at bilin din po Ng tatay ko na sa akin daw yung bahay or lupa. Pero hindi po sa kanila nakapangalan. Sa tatay pa po Ng Lola ko. Yung Lola ko po Ang kasama ko sa paglaki ko at siya Rin po nag alaga sakin. At Ako naman po nag alaga sa kanya hanggang sa siya ay namatay. Paano po ba mapalagyan Ng titolo po sa pangalan ko Ang lupa. At Ang problema pa po pinapalayas po ako Ng unang asawa Ng tatay ko sa lupain Ng Lola ko. Na nakita ko lang po nung nilibing Ang tatay ko. Ano po Ang dapat ko gawin po may karapatan po ba ako sa lupa kahit berbal lang po na pinamana sa akin Ng lola ko Ang lupa Ng yumaong nilang tatay.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po attorney, tanong ko lang po kasi nakabili na po ng lupa ang parents ko pero wala pong titulo ang lupa, meron lang po yung may ari i ay yung tax December na year nila binabayaran. Ang sabi ko po kung may titulo sila wala pa daw po. Bali ipag pinatitulo daw po namin kami daw po ang una may ari daw po talaga. Ano po ang magandang gawin para maayos po ang titulo ng lupa?
Recommend Reply Report abuse
Buhay OFW Org
is a Company located in the Philippines
Ang titulo ng lupa ay isang dokumento na nagpapatunay ng pag-aari ng isang tao sa isang lupain. Sa Pilipinas, mayroong iba't ibang uri ng titulo ng lupa, tulad ng:

Certificate of Land Ownership Award (CLOA)
Certificate of Land Transfer (CLT)
Original Certificate of Title (OCT)
Transfer Certificate of Title (TCT)
Upang makakuha ng titulo ng lupa, kailangan mong magsagawa ng mga sumusunod na hakbang:

Magrekisitro ng iyong lupain sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kumuha ng isang survey plan ng iyong lupain mula sa mga kinatawan ng DENR.
Magdala ng mga kinakailangan sa opisina ng Register of Deeds upang maisampa ang iyong aplikasyon para sa titulo ng lupa.
Siguraduhing magdala ng mga kinakailangan at dokumento sa opisina ng Register of Deeds upang mas madali at mabilis ang proseso ng pagkuha ng titulo ng lupa.
Recommend Reply Report abuse

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.