pag ampon

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

ano po ang pdeng gwin sa nag ampon ng anak ng kaibigan ku na nanggugulo ngayun . 2011 ng pnaampon ang bata 8mos. ngayun po ay binabalik na ang bata ngunit hindi na gustong kunin ng totoong ina . ang pag ampon po ay verbal lang walang kasulatan . ngbabanta po kse ang nag ampon sa kaibigan ku na guguluhin ang bagong pamilya nya . hindi po kse alam ng asawa ng kaibigan ku na may pinaampon syang anak . ano daw po ang pde gwin sa gntong sitwasyon . may pnanagutan po kya sa batas ang mgkabilang parte ?


 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Nakaka-galit po ang inyong post. Sa totoo lang. Ako po ay nagpipigil ng aking galit sa post na ito.

Una, hindi po manyika ang ating pinag-uusapan. Ito po ay isang tao, isang sanggol na walang malay, isang tao, hindi tuta, hindi biik.

Pangalawa,ang pag-aampon po ng bata ay isang prosesong legal. kaya po pinipilit ng batas na gawing legal ang pag-aampon, dahil po kailangan protektahan ang bata. Iyan na nga po ang nangyari sa inyo, pinag-papasa-pasahan ninyo ang bata na para bang tuta ito o laruan na pinag-sawaan.

Pangatlo, puede po kayong lahat na kasuhan ng child abuse at child trafficking sa inyong mga pinag-gagagawa sa bata. Wala kayong kaawa-awa sa inyong ginagawa. Ang bawat bata po ay may karapatan sa pangalan at sa kanyang sariling identity. Ang pagpapasa-pasa po na inyong tinatawag na "pag-aampon" ay labag sa kanyang karapatan kasi po, hindi malalaman ng bata kung sino ang kanyang tunay na magulang, kung ano ba ang kanyang taong pagka-tao, ang kanyang dapat na pangalan. Nakikita po ba ninyo? You are depriving the child of his identity.

Pang-apat, you are depriving the child of his right to be loved, to be secured, to be accepted and to grow up in a family. The biological mother is the person who has parental rights over the child. Kung hindi niya ito mapapalaki, dapat ay dinala na lamang niya ito sa DSWD, hindi basta pinag katiwala sa isang babae na hindi naman pala desidido na tratuhing kanyang sariling anak ang bata.

Pang lima, ang bata ay may karapatan na siya'y alagaan at ang kanyang kapakanan ay siguraduhin. Kailangan ng bata na makitang siya'y may halaga sa mga taong nagpapalaki sa kanya. Kung ang tunay na ama ng bata ay biglang yumaman, ang batang ito ay tagapag-mana niya. KUng ang kanyang ina ay biglang yumaman, siya ay tagapag-mana ng kanyang ina. Dahil sa siya'y ipinamigay ninyo na parang tuta, paano ang kanyang karapatan mag-mana at mamuhay na may suporta mula sa mga taong nagsilang sa kanya?

I cannot help you. The best thing for you to do is to bring the child to the DSWD. The DSWD will ensure that the child is fed, clothed and matched to parents who want to adopt a child, parents who will want to love that child. That is what you should have done in the first place.
Recommend Report abuse

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.