Pamanang lupa sa isang ampon na ibenenta ng anak ng umampon

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ampon ang lolo ko at may ipinamana sa kanyang lupa. Kami po nag bubuwis ng ilang taon at napabayaan ng anak ng lolo ko sa pagbuwis. wala pong titulo yung lupa kasi river side sya. pagkalipas ng ilang tao nalaman na lang ng mga anak ng loloko na na naibenta na yung lupang pamana sa kanya ng anak mismo ng nag ampon sa kanya na katabi lang sa lupa ng lolo ko. tinignan ng mga anak ng lolo ko sa DENR pero ang nakabili na ng lupa ang nakapangalan at meron ng titulo kahit sinabi noon na walang titulo ang river side. Yung mga papel na patunay na kami ang nag bubuwis dati ay nagkandasira na nawala na.Isa pa po may tax declaration po na nakapangalan ang lolo ko sa isang lupa sa bundok na ibenenta din ng may anak ng umampon sa lolo ko. Nais po sana naming malaman ang gagawin namin para mabawi po namin ng lupang ipinamana sa lolo ko na ibenenta ng anak ng umampon sa kanya. kami po ang namamahala ng lupa na yun mahigit 50 years na. Pakipayuhan po ako Atty. kung ano nag dapat naming gawin. Maraming salamat po at sana matulungan nyo po kami. Mabuhay po kayo Atty.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang inyong lolo ba ay legally adopted o dumaan sa legal na proseso ang pag ampon niya? Kung oo, may mga karapatan sya katulad ng isang lehitimong anak ng nag ampon sa kanya meaning pareho sila sa hatian ng mga ari-arian ng namatay na mga magulang. Kung hindi, ang lupa na sinabi mong napamana ay magagawa lang sa pamamagitan ng isang last will, ito ba ay mayroon ba ang lolo mo? O kaya binigay sa kanya sa pamamagitan ng donation or pagbinta. Kung legally adopted sya kailangan ninyong kumuha ang isang abogado para ipacancel or ipaannul ang titulo at ito ay sa korte na gagawin. Ang titulo na na issue sa kanila ay presume regular or valid na kasi. Dapat kasi kung talagang ang lolo ang tunay na nagmay ari nito nuon pa man ay nag apply na sya ng titulo nito.
Leakim Caluza
is a Senior Safety Supervisor in the Philippines
Salamat sa payo. Ang pagkakaalam mo sinabi lang sa kanila na yung lote na yun ay para sa kanya. Ang meron po kami ay tax declaration. Nagpapagawa kami dati ng titulo pero ang sabi ng DENR wala daw titulo ang mga lupa sa river side. Nag tataka nga kami kasi nagkaroon sila ng titulo. Pinatingin din namin sa asessor sa munisipiyo at sa nakabili na ang nakapangalan. May tanong din po ako atty,kasi kung sakaling ibebenta nga nila ang lupa ay dapat ipaalam nila sa mi kasi kami ang tenant ng mahabang panahon at namamahala sa lupa na yun? tama po ba? kahit sabihin natin sa kanila ang lupa di po na ang tenant at nagtingin sa lupa ang may mas karatang bumili kesa sa pinagbentahan? Nag payo din ang munisipyo na tignan sa maynila kung nakapangalan na po sa bumili. Kaso di ko alam kung saan sa maynila. ang lupa na yun at ang pamilya ko na ang nangangalaga more tha 80 years na.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Malalaman rin naman ninyo ang pangalan ng nakabili sa Register of Deeds ng inyong municipyo kung talagang naibenta na yan. Dapat ipaalam sana kung kayo ang in possession o kaya tenant.Medyo mahirap na rin bawiin pa lalo na pag naibenta ito sa isang buyer na tinatawag na buyer in good faith o walang alam sa mga issue sa lupa. Ang magiging habol nalang ninyo ay kung sino ang nagbinta nito na bayaran kayo o humingi ng refund sa mga tax na binayad ninyo as necessary expenses at maaring share as tenant. Sa isyung ito ay kailangan na ninyong kumuha ng isang abogado para tumulong at ipakita ang mga ebidensya mayroon kayo.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.