Aiai Masama ang Loob sa ABS, Naging Kapuso?
Matapos ang ilang buwan na mga ispekulasyon, nagdesisyon na si Ai-ai Delas Alas na balik Kapuso na. After 14 years bilang Kapamilya ay pumirma na ng dalawang taong exclusive contract si Ai-Ai bilang Kapuso ng nakaraang Martes, April 16 2015. Noong 2000 ay plano nang lumipat ni Aiai sa GMA, subalit hindi ito natuloy dahil pinigilan siya ng ABS-CBN. "I have returned. Nandito na po ako ulit sa aking dating tahanan," Sabi nito sa press conference na ginanap matapos ang kanyang contract signing.
Nayanig maingay sa sambayanan ang paglipat ni Aiai Delas Alas sa Kapuso network. Maraming mga tanong at kontrobersyal ang mga netizens sa kanyang pagbalik sa GMA. May haka haka na hindi nabigyan ng proyekto si Aiai dahil sa pagkakaroon niya ng napakabatang boyfriend na pwede niya nang maging anak. Ayon daw sa Kapamilya network napakaimoralidad ang kanyang pagpatol sa nasabing lalaki. Hindi daw muna pinapirma si Aiai ng kontrata ng ABS at pinagpapahinga muna siya habang pinapalamig pa isyu ng pagkakaroon niya ng affair na bagets. Mayroon din haka haka na maaring ang pagkakaroon nila ng ayaw ni Kris ang naging dahilan. Kung anuman ang totoong dahilan ni
kanyang pagbabalik bakod sana magiging masaya na lang ang lahat dahil mukhang masaya na din si Ai-Ai sa kanyang desisyon.