Amo Idinawit ang Kasambahay sa Dugo-Dugo Gang
Pinakulong ng babaeng negosyante ang matagal ng naninilbihang katulong sa kanila. Malaki ang hinala ng negosyante na kasabwat ang kasambahay na nambiktima sa kanila at natangay ang lahat ng alahas at mahigit isang milyong piso sa loob ng kanyang vault.
Pumunta ng police station si Mari joy Hernandez Regino, 32 years old, negosyante upang magsampa ng kaso at ipakulong ang kanyang kasambahay na si Jenalyn Pahayhay, 39 taong gulang.
Ayon kay Hernandez bandang alas nuebe ng umaga ng tumawag siya sa katulong na idedeliver ngayon ang kanyang nabiling washing machine at natanggap din naman ito.
Dakong alas onse nakatanggap ang kasambahay ng tawag sa isang babae at ayon dito ang kanyang amo ay naaksidente ng sasakyang na pag mamay-ari ng isang negosyanteng chinese national at grabe ang pinsalang tinamo nito. Inutusan ng caller ang katulong na buksan ang vault ng amo at kunin ang lahat ng lamang alahas nito at ihatid sa isang foodchain sa Kalaw, Manila. Agad na sinunod ng katulong ang utos at pagbalik niya ng bahay nakita niya ang kanyang amo na si Hernandez. Doon nagtaka ang katulong at kweninto sa amo ang nangyari at nadiskubre nga ni Hernandez na wala ng laman ang kanyang vault.
Galit na galit ang negosyante at agad na dinala sa police station ang katulong at ipinakulong sa hinalang kasabwat ito ng caller.