Limang porsyento na lang ang natirang boboto na hindi pa nabibilang at sigurado na ang panalo ng dating Mayor na si Rodrigo Duterte. Ngunit mainit naman ang labanan sa pagkabise na si Leni at Bongbong. Iba’t iba ang pananaw ng mga mamamayan na nagkakagulo pa sa social media lalo na sa Facebook. May mga nagsabi na dinaya si Bongbong Marcos dahil sa unang bilang ay siya ang nakakalamang kay Leni Robledo. Marami din ang kumakampi kay Leni Robledo na siya ang karapat-dapat manalo at tanggapin na lang ang naging resulta ng botohan.
Hindi maiwasan na pati ang mga anak ng magkalaban sa Vice President ay nagpaparinigan na din sa kani-kanilang twetter account. Nang Lunes ng gabi Mayo 9,2016 nag-post sat wetter ang anak ni Bongbong Marcos na si Ferdinand Alexander Marcos o mas kilala sa “Sandro”. Tweet ng binata “Also the total votes for President are not the same total for Vise President. What the hell #DayaangMatuwid”. Paniwala si Sandro na dinaya ang kanyang ama.
Hindi rin nagpatalo ang anak na babae ni Rep. Leni Robledo na si Aika Robledo. Lunes ng gabi nag-post sa Facebook si Aika ng Quote na ang nakasulat ay “Walang #DayaangMatuwid. Ang mayroon lang #ProgresiBongMandaramBong” sa ibaba may mensahe na “Never again!! Laban Leni!! Ang laban ni Leni ay laban nating lahat. Papasok pa lang ang boto sa balwarte natin!! Sabay-sabay tayong magdasal at lumaban. #LabanLeni”
Pagkatapos ng ilang oras ay nag-post ulit ang anak na lalaki ni Bongbong na si Sandro na “Didn’t delete my tweet, woudn’t be saying this otherwise. Frustration and anger get the best of us. I guess tomorrow na lang makita”.
Kinabukasan, Martes ng umaga lumamangan na nga si Robredo at ngayon lamang siya ng mahigit 200K. Nasa 5% na lang ang natirang hindi pa nabibilang.
Kung sino man ang mananalo hangad ko ang katahimikan at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.