Taong 2009-2011 ang presyo ng gasolina ay napakataas, maraming mga motorista ang nagrereklamo sa napakamahal na gasolina. Marami sa taong bayan ay naapektuhan dahil tumaas din ang mga bilihin. Nang taong iyon ang presyo ng langis na Unleaded Gas ay nasa 54.29 pesos kada litro samantala ang sa deilsel naman ay 44.32 pesos kada litro. Ngayong 2016 ang produktong petrolyo ang presyo pagdating sa Deisel ay nasa 19-20 pesos na lamang kada litro samantala ang Unleaded Gas naman ay nasa 35-37 pesos kada litro.
Malaki ang naging rollback ng langis na ikinatuwa ng mga mamamayang Pilipino. Bakit nga ba ganun na lamang ang ibinaba ng langis ngayon? At ayon sa Department of Energy o DOE ay posible pang bumaba ang gasolina. Ang OPEC o Organization of the Petroleum-Exporting Countries ay isang organisasyon sa buong mundo na pinamumunuan ng Saudi Arabia. Malaki ang naitulong ng langis sa pag akyat ng ekonomiya ng Bansang Saudi, karamihan sa mga nakatira dito ay may magandang buhay. Sila ang namumuno sa OPEC dahil halos sila ang may pinakamalaking pinagkukunan ng suplay ng langis sa buong mundo. Dahil dito mabilis ang pag unlad ng bansang Saudi Arabia. Ang langis sa kanila ay napakamura, ang mga mamamayan dito ay hindi din nagbabayad ng buwis sa pamahalaan. Kahit ang mga bahay, lupa at mga bilihin dito ay walang buwis. Ngayong 2016 patuloy ang pagbaba ng gasolina ayon sa balita at nanawagan ang gobyerno ng Saudi Arabia na magkakaroon ng pagsingil ng buwis o income tax. Tataas na din ang presyo ng mga bilihin at petrolyo. Usap usapan din na mawawalan ng trabaho ang ibang Pilipinong nagtatrabaho sa Saudi. Walang magawa ang gobyerno doon dahil sa patuloy ng pagbaba ng langis sa pandaigdigan. Nagkaroon ng pagbaba ng langis dahil nakaimbento ang Amerika ng isang teknolohiya na makakapagsuplay ng gasolina. Ayon sa news malaking puhunan ang kinakailangan ng USA sa pagkuha ng langis dahil mahirap itong kunin. Dahil dito hindi natinag ang Saudi sa dami ng oil na nilalabas ng Amerika kaya patuloy pa din ang maramihang paglabas ng gasolina, at naging dahilan ng sunod sunod na pagbaba ng presyo. Ayon sa balita, ang Amerika na ang may pinakamalaking suplayer sa buong mundo at pumapangalawa na lamang ang Saudi. Ilang taon na ng pinagbabawalan ang bansang Iran na makipagtrade ng produkto dahil sa paggawa nito ng Nuclear Bomb. Dahil dito naging mahirap ang bansang ISIS. Samantala sa pagkahaba haba ng taon ang bansang ISIS o Iran ay nakipagkasunduan at inaprobahan na ng IAEA o International Atomic Energy Agency at UN o United Nation na malaya ng makapagtrade o magkalakal ng kanilang produkto. Isa sa mga pangunahing produkto ng Iran ay ang Oil o langis, isa din sila sa malalaking suplayer ng langis. Dati rati ang bansang Saudi Arabia lamang ang may kakayahang magsuplay ng maramihang langis, ngunit ngayon andyan na ang Amerika at Iran. Baka darating ang araw na magiging ordinaryo na lang ang langis at maging kapresyo nalang tubig dahil sa dami ng langis. Sana maging positibo ang pagbaba ng langis sa ating mga mamamayan lalolng lalo na sa ating mga kababayan sa Saudi Arabia.