Sa lungsod ng Caloocan, isang anim na taong gulang na lalaki ang nabungal matapos sapakin ng sariling ama, dahil nayamot sa sinabi ng kanyang anak.
Ayon sa imbestigasyon gabi naganap ang insidente sa bahay ng suspek na kumakain daw ang biktima, dumating ang kanyang ama na lango sa alak. Nagtanong din daw ang suspek kung sino ang mahal niya,tiyuhin o siya. Agad naman sumagot ang biktima na ang tiyuhin. Nagalit ang kanyang ama at pinagsasapak ang anak. Tanggal ang ngipin ng biktima. Kasalukuyang naharap sa kasong Child Abuse ang lalaking lasing.