Bigas ng China na peke, kumalat na
Nalaman sa Cagayan de Oro ang mga pekeng plastic rice galing China, hindi nalaman kung ilang sako ng pekeng bigas ang nakapasok sa lungsod. Inimbestigahan ng awtoridad, dahil may nagreklamo na isang ginang na halos plastic na bigas sa isang sakong nabili niya sa palengke ng Cagayan de Oro. Pati ang National Food Authority nangangamba sa nangyayari sa pagpasok ng pekeng bigas. Nalaman na din ang nagbebenta ng bigas at nangako makipag-tulungan sa imbestigasyon.
Inalerto ng mga awtoridad ang publiko na mag-ingat sa pekeng bigas na kanilang bibilhin, kung may duda, huwag na bilhin at isumbong sa pulis. Nakatanggap din ng reklamo si Councilor Dante Pajo, sa nagngangalang Mirasol Ligutan ng Brgy. Patag. Binili ang naturang bigas na mula sa Carmen Public Market na may halong plastic rice. Nakalagay ito sa dilaw na sako at may nakasulat na FLYING DRAGON na nagmula sa China.